Lesson 30: Sabrina's 'Supposed to be Date'

6 1 0
                                    

Sabrina's POV

Alam mo yung feeling na nasa alapaap ka? Tapos lahat ng anghel nagkakantahan.

Yung feeling na Mapapasabi ka ng 'Putspahamnida' dahil masyado kang masaya at hindi mapigilan ang sarili kamumura.

Ganyan ang nararamdaman ko ngayon. BAKIT?

KA-DATE KO LANG NAMAN NGAYON ANG AKING PRINCE CHARMING AKA JOSH

(ALL-CAPS PARA INTENSE XD)

Dahil busy akong nagd-daydream, hindi ko napansin na naka-upo na ako sa isang comportable at malambot na upuan at nanunuod ng Movie kasama ang Josh KO. Pero itong si Josh naman ay tahimik lang at tutok na tutok dun sa movie.

Ang Movie? Crazy Beautiful You.

After some minutes...

Tutok na tutok pa rin ako sa pinapanood ko kaya hindi ko namalayan na wala na pala sa tabi ko si Josh. Kanina nasa tabi ko pa yun ah?

Hala. Nasaan na ang aking prinsipe, bigyan niyo ako ng hustisya!

Habang ako'y nagtataka, naisip ko naman na bigla lang siguro nag cr si Josh

Naghintay ulit ako ng sampung minuto. Hanggang sa patapos na yung movie. Pero wala paring Josh. :(

Looking in your eyes I see a paradise

Hanggang sa may narinig akong kanta, KYYYAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!! Daniel Padilla!!!!

This world that I found is too good to be true

Hinanap ko kung nasaan nanggagaling yung musika, una kong pinuntahan yung banyo. Malay mo si Daniel Padilla nga! Chos XD

At napagtanto ko nga, sino namang matinong tao ang magpapatugtog sa banyo habang naglalasik ng lagim--este--may ginagawang kababalaghan?

Standing here beside you, want so much to give you

Ah, nakalimutan ko palang sabihing nasa isang room kami na may malaking TV may Malaki rin na Sofa, may isang door papunta sa Bathroom at may isang door papunta sa isang small kitchen at yung isa namang pinto ay palabas dito sa room. Chuchal! XD

This love that I found that I'm feeling for you.

Tapos pumunta ako sa Kitchen.

Kung mansion ko lang to nilantak ko na siguro ang lahat ng laman na pagkain na nandito sa Ref.

Napailing na lang ako sa sarili kong naisip.

Let 'em say we're crazy

Um-exit na ako sa napakagarang kitchen..Haha, wag kayo mag alala hindi ko nilantak yung pagkain dun sa Ref....At least hindi pa!

Don't care 'bout them.

Hay naku, san naman kaya yung nagpapatugtog? Sa labas kaya nitong room?

Put your hand in my hand, baby don't ever look back.

At yung nga hinawakan ko yung doorknob at pinihit ito.

Pagbukas ko...

Let the world around us, just fall apart

Baby, we can make it if we're heart to heart....

Oh, my Shizzz

Is that you, Kokey?

And we can build this dream together, standing strong forever

Learning How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon