Eto po yung pagkatapos nung mag usap sina Michael at Clarissa sa maingay na corridor..Sana po magustuhan nyo..Thank you po!!!
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Clarissa's POV
Haaay, weird nang mga tao ngayon...Kanina si Sabrina tapos ngayon si Michael...
Weird talaga! pauwi na ako...
Palabas na ako ng school kaso may humawak sa akin galing sa likod..
Lumingon ako at nakita ko si Pogi este si Alejandro..
"Bakit na naman?"-ako
"Wala lang, sabay na tayo umuwi"
"Tch! bakit ba?"
"Wala nga..Tara na! sumunod ka na lang" this time kinaladkad na ako nitong lalaking toh..
Panay kaladkad lang toh sa akin hanggang sa labas eh..
Nakakahiya lang talaga..Pinagtitinginan na naman kami..Lalo na yang mga babaeng yan makatingin, WAGAS, TAGOS.....Akala naman nila ginusto ko toh..Eh ginawa lang naman ito nung lalaking kumakaladkad sa akin..
"Achuchuchuchuchuchu..."
"ojhggyusnbcueooowjchu..."
Yan, bulungan nila...
"Hindi mo pa ba ako bibitawan? pinagtitinginan na nila tayo oh...(sabay duro sa mga nakatingin) at pinag uusapan..."
"So? what do I care?"
Wow, nosebleed kuya! ikaw na!
"Maka english lang...."
"..........."
Ai, kuya ganun ganun lang? hindi na kaagad namamansin? bopols mo rin eh...
Pagkalabas namin sa eskwela ng mga maiingay na bubuyog..
"Hindi mo pa rin ako bibitawan?"
"Depende, kung gusto ko..."
ibang klase toh kausap eh...
Bahala na..Nagpahila na ako sa kanya, wala rin naman akong magagawa eh..Kapag kinausap mo naman mga abnormal na salita ang lalabas sa bunganga nya...So no choice..
Lakad lang kami ng lakad walang pakielam sa mga bubuyog..Walang kamalay malay sa mga natamaan ng bagyong Yolanda..Walang kamalay malay kahit may tutulo..
Wait..Tumutulo? as in Tumutulo with the capital letter T?
Natauhan na lang ako nung tumatakbo na kami..Umuulan na pala, no let me correct it..Bumabagyo na pala..
Wala pala akong dalang payong..Pero nanood naman ako ng news ah..Sabi hindi raw babagyo..Ai, ganun pati mga nagbabalita nagjojoke..Kung ganun hindi nakakatawa..
Takbo kami ng takbo..
Parang kanina panay lang ang lakad namin tapos ngayon panay takbo na?
Wala pala dalang kotse toh eh kaya takbo sa ulan ang drama namin..
Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang bahay..No, correction..Mansion..
Familiar na mansion toh eh..Tapos pumasok na kami...
Kaya pala familiar, kasi mansion toh nung lalaking kumakaladkad sa akin..
Binati naman kami nung mga maids..Tapos may isang lumabas na katulong na sa may katandaan stage na..Dala dala ang dalawang twalya at binigay sa amin..

BINABASA MO ANG
Learning How To Love
DragosteNung una..Wala sa akin ang pag ibig... Wala akong pakialam tungkol dun... Pag aaral lang ang nasa isip ko... Pero nung dumating yung lalaking yun.... Unti unti ko nalang nalalaman ang ibig sabihin ng pag ibig at ang importansya nito....