Lesson 28: The Sweet Act♥

9 0 0
                                    

Clarissa's POV

" Do we really have to do this?"

"Yes, remember, you two agreed to this deal"

"Last time I remember, I think Alejandro is the ONLY one who---" naputol ako sa sinasabi ko dahil tinignan ako ng masama ni Manuel.

"Fine! We'll do it, but remember our agreement"

"Yeah, yeah. Now go."

Tsk. And dami kasing alam ni Manuel eh. Pati ba naman ang problema ko, alam niya?

Siguro nagtataka kayo kung ano ng nangyayari.

Flashback~

*kriiing*

Tumunog na yung bell namin, ang ibig sabihin nun..UWIAN NA!

Minadali ko ang pag-aayos ko sa aking mga gamit, at sa sobrang pagmamadali ko ay nahulog pa yung lapis ko. Balak ko na sana kunin yung lapis ko ng--

"Clarissa, may naghahanap sa iyo.."

"Sino raw?" Kukunin ko na yung lapis ko eh,sino ba yung epal?

"Taga-kabilang section.Si Mavin raw." Lumapit sa akin yung babae at may binulong sa akin.

"In fairness, gwapo rin Clarissa" nag-init yung mukha ko at hindi ko na lang siya pinansin.

Lumabas ako ng room ng masalubong lang ang naka-busangot na lalaki dito sa corridor.

"Oh Greetings, Mavin"

"Manuel.Call me Manuel"

"O-kay? So yan lang ba ang sasabihin mo?"

Tinignan niya ako ng masama.

"You and Alejandro. Meet me at the gym later. I'll be going first" at umalis na siya.

May topak rin yata tong lalaking to eh..

Nagulat pa ko na siya pa ang pumunta dito.

Bumalik ako sa classroom ko, at nakita kong nakatingin sa akin si Alejandro ng naka-taas pa yung isa niyang kilay. Kasama niya si Michael na nakatayo at nagaayos na ng gamit.

Lumapit ako sa upuan ko, na katabi lang niya, at kinuha ang bag ko.

"Uhm, si Mav--err Manuel, pinapapunta raw tayo sa Gym."

Tumango lang siya at kinuha na rin yung bag niya. At nagpaalam kay Michael. Si Michael naman tumango lang.

Sabay kaming nag-lakad papunta sa gym. And as always, hindi kami nakatakas na maging Star sa mga balita ng mga bubuyog.

"Tignan mo, feeling naman niya siya na. Akala niya porket na sila ganyan na siya maka-asta."

Hindi ko sila pinakinggan.

"Oo nga eh, the B***h"

Tuloy pa rin ako sa paglalakad ng napansin kong napatigil si Alejandro.

Tinignan ko si Alejandro. At nakita ko siyang nakatingin dun sa dalawang babaeng panay pa ring ang dakdak. Pero napatigil sila ng napansin nilang tinititigan na sila ni Alejandro.

Si Alejandro nakatitig pa rin, habang yung dalawang babae parang mamamatay na sa takot at kilig. Sa tingin ko mag-sasalita na sana siya nun eh, Umepal pa kasi bibig ko eh.

"Um, Alejandro?" Tinigil na niya yung pagtingin niya dun sa dalawa at tumingin sa akin, nagsimula na naman siya maglakad hanggang maabutan niya ako.

Malapit na kami sa gym ng nakita ko si Manuel na nandun sa pinto naka-display. Nilapitan namin siya, alam mo na sinamahan siya mag-display dun para hindi siya lonely.De joke!

Learning How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon