Lesson 3: Fever Panic

138 9 4
                                    

Clarissa's POV

Pagkatapos nung dinala ako ni Michael sa clinic,at pag tulog ko....Gumising na kaagad ako...Tumayo na ako at kinuha yung gamit ko...At papunta na nga sa pintuan ng may narinig akong hilik....Kaya tinignan ko yung katabi ng higaan na hinigan ko at VOILA!(May isang puting kurtina na nakaharang po kaya hindi ko masyadong napansin..)

Nakita ko si Alejandro...

Bakit kaya siya nandito?

...........................................................................................

Alejandro's POV

*kriiiiiiing *kriiiiiiiing

Ano ba yun? Ang ingay ingay..Kitang natutulog yung tao eh....

*kriiiiiiiing *kriiiiiiiiing

Arrgh! hindi pa ba titigil...

(Sabay takip ng unan sa tenga)

*kriiiiiiiing *kriiiiin-

"Can you please shut up?!" ayun sumabog na ako dun, at narealize ko...Orasan ko pala yun..Binato ko pa naman...Haaaay! Kainis magpapabili nanaman ako mamaya...Kainis, umagang umaga naiistress...Teka anung oras na nga ba? at tinignan ko yung orasan na hindi pa naman masyadong sira kaya lang basag yung salamin..Ganun ba talaga ako kalakas?..Haay, wala yan ang importante anong oras at nakita ko nga...

Ay, sus maria....7:20 na!

ilang minuto na lang at malelate na ako...Ayaw pa naman ni mama na nalelate ako...Haay, kainis bakit ba kasi napasarap ang tulog ko? Maligo na nga ako.....

........

At pagkatapos ko ngang maligo, nagbihis at inayos ko na ang sarili ko tutal nakahanda na naman yung breakfast ko ay bumaba na ako...at pag tingin ko sa oras....

Ay daga! 7:45 na!

Kukuha na lang ako ng tinapay.....

At pagbaba ko diretso kain at paalam kay mama at papa at pumasok na ako sa kotse na naghahatid at sundo sa akin sa school...

...........

*Beeeep beeeeeep

7:50 na!

Mama mia! natraffic pa....Baba na nga lang ako....

*bukas pinto at baba.....

Hindi ko na pinakinggan yung driver namin...na kung anu-anu ang sinasabi..

At tumakbo na....

Takbo ako ng takbo...

Makalipas ng limang minuto..

7:55 na!

di bale, malapit na rin naman eh...

At palapit na nga ako....

Pagpasok ko sa gate diretso kaagad ako akyat para pumunta sa classroom....Kaya lang habang papalapit ako sa classroom....May nakita akong dalawang babae na nag chi-chismisan...Lakas lakas ng boses....Kaya narinig ko...Sabi nung isang babae..."Sayang gumising panaman ako ng maaga, pero absent naman si Ms. Raquel..."-----Achuchuchu...Hindi ko na pinakinggang yung iba...Pero...

ABSENT raw yung first teacher namin na si Ms .Raquel...

WTH!....WTH!...Gustong kong magmura ng magmura..Haaay! gusto ko mahiga at magpahinga....Habang iniisip ko yun.Sakto, nakita ko yung clinic....Naisipan kong maraming bakanteng higaan dun at pwede akong mahiga ng matagal hindi pa maingay diba?

Learning How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon