Clarissa's POV
Haaaay, isang boring na araw para sa inyo....Papasok na naman...Walang katigil tigil ang mga homework...Hirap ng buhay estudyante noh?
Kasama ko ang mga baboy este mababait at magaganda kong kaibigan...Syempre chika chika time na...
"Oh ano na ang nangyari?"
Halos bumaha na nga yung mga linyang yan kakatanong nila sa akin..Sabik na sabik malaman..
At yun nga habang naglalakad kinuwento ko sa kanila lahat nang nangyari..Walang kulang lahat sinabi ko pati na yata yung oras na natulog na ako....
"OH MY GOSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHH!,teh haba ng hair mo daig mo pa si Rapunzel!"sino pa nga ba ang kayang sumigaw ng napakalakas katulad nyan ni halos niyanig na ang buong kalsada...Si Sabrina ang reyna ng gyera...
Kung ako daig si Rapunzel sa haba ng buhok siya daig pa nya ang bumibirit na singer sa pagsigaw
O_o
O_o
Halos itong dalawang kong natitirang kaibigan namuti na yata....
Pagkatapos ng mga chikahan..Sa wakas nakarating kami ng buhay sa school...
Buti nalang hindi ako nabingi...Kawawang tainga....My microphone ba si Sabrina na invisible? paano kaya sya nakakasigaw ng ganun kalakas?
Takang taka padin ako hanggang pumasok sa classroom...
Eto na naman,mga bubuyog na naman..
"Huy,alam mo ba bumisita pa si Alejandro sa bahay nyang babaeng yan?"
"Weh? di nga.."
"Sasabihin ko ba kung hindi totoo?"
and achuchuchuchuchu....
Grabe ha, nahiya tuloy privacy sa inyo..Ultimo pagbisita ni Alejandro sa bahay namin alam nila..Ano sila? Paparazzi?
"Teka, close ba sila?" tanong nung isang babae..
"Ay teh late ka ba sa balita? di ba ideneklara na ni Prince Alejandro na girlfriend nya yang babaeng yan? shunga lang?"
....
Tapos chismis lang sila ng chismis..
Ang pasimuno talaga nito ay si Alejandro..Nagsimula talaga sa kanya ang lahat ng ito naging balita tuloy ako sa school..At daming naging hater ko, grabe lang.....
Pero ang tumama sa akin ay.."Close ba sila?"
Tanong ko nga rin..Close ba kami ni Alejandero? di lang si Alejandeo pati na rin si Michael...
Easy lang para sa isang tao na sabihin na close sila pero kung ayaw naman nung isang tao sa iyo balewala na rin..Pero hindi naman ako ayaw ni Alejandro at Michael diba? kung tutuusin nga eh parang friends kami eh..Bisitahin man daw ako...Ano nga ba? friends ba kami o friendly stranger lang?
Haaaay, kapagod mag isip...
'di rin naman katagalan tumigIl na sila at nagsimula na si teacher na walang pakialam sa mundo..
Nakikinig lang ako ng mataimtim..Lumipas ang oras, lunch time na...
As usual, unahan sa cafeteria...Wala naman akong pakialam sa kanila..Kahit may madapa pa diyan o ano...Hindi ko alam kung bakit ba kailangan nila mag unahan eh...
Pumunta na rin ako sa cafeteria..Wow, as in WOW lang talaga....
Alam nyo ba kung ano ang nakikita ko ngayon?...Malamang hindi...

BINABASA MO ANG
Learning How To Love
RomanceNung una..Wala sa akin ang pag ibig... Wala akong pakialam tungkol dun... Pag aaral lang ang nasa isip ko... Pero nung dumating yung lalaking yun.... Unti unti ko nalang nalalaman ang ibig sabihin ng pag ibig at ang importansya nito....