Eto, po yung araw na nagtataka si Michael kung absent ba o nalate lang sina Alejandro at Clarissa
...........................................................................................................................................................
Clarissa's POV
Achooo! *sniff alam ko namang alam nyo na may sipon ako diba? dun sa mga hindi nakakaalam, ewan ko na lang....Pesteng ulan! nagkasakit pa ako..Papasok pa ba ako? sa lagay na ito? Wag na..Pero pano yung mga notes? marami akong mamimiss..Ai, hirap lang talaga mag isip lalo na at may sipon at ubo ka...Text ko na lang kaya si Sabrina? buti pa nga..
Kinuha ko si cellphone at nagtext na kay Sabrina, sabi ko mag aabsent ako at pakopya na lang sa mga notes....
Nagreply naman sya kaagad at sinabing, wag ko na raw problemahin yung mga notes at magpahinga na lang daw...Sweet ng bestfriend ko noh? samantalahin ko na yung kabaitan nun, laging bitter everyday eh..XD!
Nagpahinga lang ako sa kwarto ko, alam na rin ni mama at papa na may sakit ako..Umalis na silang dalawa maaga pa lang, nagta-trabaho kasi sila pareho..Kaya ang resulta mag isa lang ako sa bahay..
Makalipas ang ilang minuto....
Umalis na rin ako sa kwarto ko, walang magawa eh...Pumunta na lang ako sa salas...Nood nood lang ng mga palabas, pati nga Phineas and Ferb pinatulan ko na eh..'di bale naaliw naman ako..Pagkatapos ko manood natripan ko naman linisin yung banyo..Weird ko noh? may sakit na nga naglilinis pa..Hindi rin nagtagal at tinigil ko na rin yung paglilinis ko..Kapagod, humiga ako sa sofa at tinignan ang phone ko...Naglaro laro ako katulad ng Angry birds, Pou, Plants vs Zombies..Waepek nagsawa na rin ako...Balik na naman sa dati..Walang magawa...Pahiga higa lang hanggang naisipan ko nang magluto...
Hindi naman sa nagyayabang pero, magaling talaga ako magluto pati nga mga teachers ko eh napabilib na sa cooking skills ko...Maganda na nga magaling pa magluto plus matalino pa oh, san ka pa?(Hehe, pabayaan nyo na ako....Minsan lang toh..)..
Nagluto luto na ako...At niluto ko?
ADOBO!!!
Ang paborito ng bayan!
Woohoo! nagluto ako para sa sarili ko lang...Takaw ko noh?
Matakaw nga ako but still, SEXY!
Oo, maniwala kayo..Sexy talaga ako..
Talbog ko pa si Sam Pinto o Marian Rivera o ano? sino pang lalaban?
Boo! talo na kayo..Ako na! ako na! ako na ang panalo!
Pagkatapos ko ideklara ang kagandahan at kasexyhan ko..Syempre kumain na ang mahal na reyna which is me...
Syempre dahan dahan lang...
Dahan daha-
Kriiiiiiiiiiiiiing kriiiiiiiiiiiiing
Dahan dahan lang akong kumakain nang tumunog cellphone ko...
Tinignan ko naman kung sino ang nag text..Tinignan ko yung number pero hindi alam eh, wala akong kakilala na may number na ganito...
Tinignan ko yung message..
Nakasulat lang dun?
Hi......
Yun lang period! nant-trip ba ito? ni-replyan ko naman
who u?
Nireplyan ko sya...
kriiiiiiiiing kriiiiiiiii-
BINABASA MO ANG
Learning How To Love
RomanceNung una..Wala sa akin ang pag ibig... Wala akong pakialam tungkol dun... Pag aaral lang ang nasa isip ko... Pero nung dumating yung lalaking yun.... Unti unti ko nalang nalalaman ang ibig sabihin ng pag ibig at ang importansya nito....