Lesson 23:The Mysterious Texter Part 2/ The Nightmare/First Kiss Accident

43 3 0
                                    

Clarissa's POV

Pagkatapos ng klase namin sinabi ko kay Sab. Na hindi ako makakasabay sa kanila..Syempre hindi na siya nagtanong paano ba naman eh busy siya mag daydream dun..(Alam niyo na!)

Pumunta na ako diretso sa tindahan kaya lang..Sarado?

Of all times, ngayon pa!

*sighs* bukas na lang...

Umuwi na lang ako..

Home~

"Oh anak, okay ka lang?"

Biglang bungad sa akin ni Mama

"Huh, ah okay lang po ako...Bakit nyo po natanong?"

"Namumutla ka kasi anak..Sigurado ka bang okay ka?"

"Okay lang po talaga ako"

Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko..Nagbihis at natulog na..

...

"Huy nakikinig ka ba?"

sabi nung babaeng nasa harapan ko..Hindi ko masyado makita yung mukha niya...

"Huh, sorry paki-ulit"

"Sabi ko ayoko na sayo..Gets mo! AYOKO NA SA IYO! Wag ka na magpakita sa akin, simula ngayon magka-away na tayo!" sabi niya sa akin na may pagalit na tono

"Bakit? wala naman akong ginawa sa iyong masama ah!"  sabi ko naman..

"Hah, yun ang akala mo..Inagaw mo ang First Kiss ng Crush ko!"

First kiss? Crush niya? May crush pala siya?

"First..Kiss..?*Tapos biglang may nagflasback na scene sa utak ko*..Nakita mo yun?"

"Paanong hindi ko makikita eh sa gitna pa talaga nangyari yun"

"Mali ka ng iniisip! Hindi ko naman sinasadya na matapilok! At saka...Crush mo pala siya?"

"Oo crush ko siya at kahit anong sabihin mo hindi mo mababago ang isip ko! Basta hindi na kita kaibigan..Kalimutan mo na rin na naging kaibigan mo ako!"

"Sorry na talaga Ma---"

....

At bigla na lang ako nagising....Hinahabol ko pa ang aking hininga..

Ha, Hah, Hah.......Ano yun? Hah, Anong klaseng panaginip yun...Panaginip, matatawag ko pa ba yun na panaginip?..Pero parang nangyari na toh...Ah!

Tinignan ko kung anong oras na..

12:00

Maaga pa...Sino kaya yun? Hindi ko siya maalala

Di bale...Makatulog na lang....

Sabrina's POV

Hmm...May kakaibang aura ngayon na pinapakita si Bestprend Clarissa!Ano kayang nangyari?

"Uy Rissa Anya-- Oh My Gosh si Josh! sige una na ako sa inyo! Bye!"

Tatanungin ko sana si Rissa(Yeah nickname ko para kay Clarissa..Haba kasi pangalan niya eh)Kaya lang nagpakita si Prince Josh ko!(Oo wag na kayo umangal)

Alam ko meron na akong Prince Alejandro kaya lang nagpakita siya eh..Hindi naman masama mag two-time kahit ngayon lang diba?

"Goooood Morrnniiing Jooooosh!" Bati ko sa kanya

"Oh..Good morning Sabrina! Yo! Kamusta?"

Kyaaaaah!

"Okay lang..Ikaw?"

Learning How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon