Simula: Travis Yael Conzego

50.9K 492 143
                                    


Conzego Series 2: Endeavoring the Blaze Sky🌙

Written by: Azureriel©2022

____________________________________
____________________________________







Simula





"Tav-tav, saan ka pupunta? Diyos ko po! Dahan-dahan baka madapa kang bata ka!" paalala nito sa kapapasok na alaga. Pawisan ito at halatang galing sa paglalaro sa labas.

The little boy just gave her a silence sign and giggled, tapos ay umakyat na ito sa taas. Napailing-iling na lang si Ponkan sa kakulitan ng alaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. Makalipas ang halos sampung minuto ay dumating naman si Sofie na galing din sa labas at umiiyak.

"Oh bakit naman umiiyak ka?" tanong nito na inihinto muna ang pagva-vaccuum ng sahig dito sa sala.

"Ate Ponkan, n-nawawala po si Tav-tav."

"Huh? Paanong nawawala?"

"We were playing hide and seek kasi kanina with our friends sa garden nila Zoe. Ako ang taya then they started to hide na. Nahanap ko na iyong iba tapos nakabalik na rin sa base lahat pero wala pa rin siya. I'm scared Ate Ponkan baka kinuha na siya ng mga bad guys." Kinusot nito ang mata.

"Anong nawawala si Tav-tav eh nakita ko pa siya kanina?"

"When did you see him?"

"Kanina-kanina lang iyon. Hmm... Siguro mga ten minutes ago na. Nagmamadali nga eh."

"Saan mo siya nakita?"

"Umakyat siya d'yan sa hagdan. Baka nasa kuwarto."

"What?!" Umurong bigla ang luha nito at mabilis na pinunas iyon gamit ang braso. "Tav-tav!" nanggigigil nitong pagtawag sa nakababatang kapatid at mabigat ang mga paang umakyat ng hagdan.

"Anong nangyayari?" tanong ng kadarating na si Melon na may dalang labahin.

"Naglalaro sila ng taguan sa labas kaso si Tav-tav umuwi."

"Pfft! Si Tav-tav talaga."

"Ang daya-daya mo. Kanina pa kita hinahanap, nag-alala pa ako sa 'yo tapos iyon pala umuwi ka na."

Umakyat sa taas ang dalawa upang tingnan ang magkapatid na mukhang mag-aaway na. Nadatnan nila si Sofie na nakapamey-awang sa harapan ni Tav-tav na iwas ang tingin dahil may ginawang kasalanan.

"I was just... hiding. What's wrong with that, Ate?" katwiran ng apat na taong gulang na bata.

"But we told you na bawal magtago sa loob ng house, 'di ba? That's against the game rules."

"Sorry, Ate Sofie... sorry." Lumapit ito at niyakap ang kapatid niya.

"Aww, ang sweet." Nagkatinginan sila Ponkan at Melon.

"Okay, forgiven. But don't do it next time, Tav-tav. That's bad."

"Umuwi lang naman ako anong bad doon?"

"Kasi we were playing pa nga. Kapag tagu-taguan ang laro hindi ka dapat umuuwi."

"I won't do it na, Ate Sofie. Promise."

"Good." Niyakap na ni Sofie ang kapatid.

"Iyan ah bati na kayo. Huwag kayo mag-aaway kasi magkapatid kayo. Dapat love ninyo ang isa't isa."

Endeavoring the Blaze Sky (Conzego Series 2✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon