Chapter 25
"Travis!" Malawak ang ngiti nitong kumaway sa akin.
Mabigat ang pakiramdam kong pumasok sa kuwarto. Lumabas ang nurse kaya kami na lang ang naiwan. Naupo ako sa gilid ng kaniyang kama. Tila nga yata nakapinta na sa mukha niya ang ngiting iyon. Ibang-iba sa mukhang nakita ko kanina kalahating oras na ang nakakalipas.
"Kumusta pakiramdam mo?"
"Okay lang. Medyo masakit iyong kanina pero kaya ko naman. Teka bakit mapula mata mo? Umiyak ka ba?"
Nakangiti akong umiling. "Anong gusto mong kainin?"
"Ikaw." Ngumisi ito. "Charot. Ikaw bahala. Uy nag-assume siya. Asa ka hahaha."
"Tsk, insane. Just wait me there, okay? I'll just buy food outside for us."
I let out a sigh after closing the door. I don't wanna lie but I need to. Yes, I did. I cried in the restroom earlier. Seeing her like that breaks my heart. The doctor advice her to stay in the hospital until 6 PM so she could rest. They also need to do some test on her. I just bought some foods for lunch.
"Pinaghihimay mo pa talaga ako." Tumawa siya habang pinapanuod ako.
"Si Claudia nga pinaghihimay ko ikaw pa kaya?"
"Ayieee sweet naman po ng best friend ko."
"I told you, I will take care of you, baby."
"And you really did. Thank you, Kuya Travis."
I tilted up my head to look at her because of the serious tone of her voice. I smiled back and started to feed her like a baby. I went back to my duty after lunch. I need to face more patients. Seeing them on that condition was heart breaking. It was so hard seeing people suffering from their own disease. But I need to be strong and resilient. Sometimes you need to be numb.
"Sinong nagpatay ng electricfan?" mangiyak-ngiyak na tanong ng kapatid kong bumababa ng hagdan.
Nakapantulog pa itong pajama at magulo ang buhok. Halos maligo rin ito sa pawis at nakabusangot.
"Ako ang nagpatay. Pinatay ko dahil magdamag na ang electricfan," sagot ni mom na naghahalo ng niluluto niya.
"Grabe parang 'di pamilya."
"It's already 11 AM Miracle Hope. Of course we will turn it off. What time did you sleep?"
"Uhm, 1 AM?"
"Iyong totoo?"
"2 AM." Nag-iwas ito ng tingin.
"Hindi ba sabi ko bawal magpuyat?"
"Sorry, Kuya."
"Magtipid kayo ng kuryente. Ang laki ng bill natin last month. Monday, Tuesday, at Saturday na lang pwede magbukas ng aircon. Ikaw Miracle Hope minsan nahuhuli kita pinagsasabay-sabay mo iyong phone mo, laptop, at desktop computer. Tapos naka-aircon at electricfan ka pa. Aba ano bang nakain mong bata ka? Kaya ang laki ng kuryente natin eh. Babad ka pa naman."
"I was streaming and voting. That's what we called "multi-tasking", Mommy." She smirked and flipped her long straight hair.
"Para saan ba 'yan? Noong isang araw ka pa babad sa computer."
"For the World Domination," she emphasized. "Kaya kayong dalawa Mommy at Kuya, kaysa sa sinisermunan n'yo ako, why not help me na lang kaya sa votings?"
BINABASA MO ANG
Endeavoring the Blaze Sky (Conzego Series 2✓)
Teen FictionTravis, a BS Biology student from Conzego College of the South was not sure of the path he took. But when his best friend, Mikaella, was diagnosed with leukemia, he became determined to pursue med. But what if... it's a matter of time now? Date Star...