Chapter 28: Sand Castle

7.5K 160 55
                                    


Chapter 28



"Hmmm..." I felt a tongue licking me. I know it was her. "Claudia, it's too early pa, baby," I whispered in sleepy tone.

"Meow!" She kneaded my top and licked my face from time to time.

Kaya kahit inaantok pa ay bumangon na rin ako. I gave my cat a kiss and carried her to the balcony. Maliwanag na pala sa labas at mataas na rin ang sikat ng araw. Alas tres na rin ng hapun. Akala ko pa naman maaga pa. A warm smile flashed on my lips when I saw her standing in front of our house. Hindi na ako nagdalawang isip na bumaba para puntahan siya.

"Hi, Travis."

"Do you want to have some walk?" I asked while holding Claudia's leash.

"Sure. I missed doing this too."

Nag-umpisa na kaming maglakad-lakad dito sa subdivision. Pahapon na naman kaya hindi na ganoon kainit.

"You looked beautiful on that dress."

"Thank you. Kumusta naman pala sa hospital, Dr. Conzego?"

"Ganoon pa rin sa dati, palaging busy. I had a patient yesterday. Tingin ko mga nasa four years old lang siya. Sobrang daldal at kulit. He wants to be a doctor too. Tinuruan pa niya ako kung paano gamitin ang stethoscope."

"You remembered yourself when you were a kid, right?"

"Absolutely. I was just hoping na gumaling na ang Lymphoma niya so he can be a doctor too in the near future."

"Gagaling siya. Lalo na't isa ka sa mga doctor na humahawak sa kaniya. Mahirap Residency?"

"After studying 12 years in Elementary and High School, 4 years in my Pre-Med course, and graduating in Med School, hindi ko na alam kung ano iyong mahirap."

Inilagay nito ang mga kamay sa likod at nakangiting tumingala sa asul na langit habang naglalakad kami.

"Sobrang bilis ng panahon. Parang kahapon lang iyong mga hapun na naglalakad tayo pauwi noong Elementary. Tapos tinanong kita kung anong gusto mo paglaki mo. Sabi mo hindi mo pa alam. Kahit ano basta huwag lang maging doctor."

"Tapos kinulit mo ako na mag-doctor." Natawa ako habang binabalikan ang childhood memories namin. "You told me naman na you want to be a Princess. So I told you that I will make you one."

"And you did, Travis. You treated me like a real Princess. You were my Knight who was always there to save and protect me."

We walked to the Starbucks near here to buy ice coffee and bread. I haven't eat yet since I immediately went down to see her. Iniwan ko sa guard si Claudia bago ako pumasok sa loob. The male crew greeted me.

"Give us two frappuccino." Nagtataka itong napatingin sa akin. "Problem?"

Mabilis itong napakurap. "Ah eh w-wala po, sir."

"Take out." Humanap na ako ng mauupuan namin.

I was just sitting in one of their table and talking to my best friend in front of me while waiting for my coffee and bread to be served. Nang tawagin ang pangalan ko ay mabilis akong lumapit para kunin iyon. I noticed the eyes staring at me. Some people here were gossiping but I didn't mind them.

We just leave the place with Claudia and our food. After all, I don't know them and they didn't know me too. We headed to the park and sat on our favorite swing. This was the place where we used to play when we were kids. I took a bite on my bread and sipped on my coffee.

"Meow!"

Sinubuan ko nang kaunti si Claudia. "You like it, baby?"

"Meow!"

Binigyan ko pa siya ulit dahil mukhang gusto nga niya. Nilingon ko ang babaeng katabi ko na mahinang itinutulak ng paa ang lupa upang gumalaw ang duyan. Napasigaw ito nang i-swing ko iyon nang malakas. Tumawa siya at bakas sa mukha ang saya. Mukhang na-miss niya rin itong gawin.

"Akala ko tatalsik ako."

"You won't."

"What if I?"

"Then I'll catch you."

"Tsk, dati nga nahulog ako sa puno ng bayabas, pinanuod mo lang ako."

"I had my arm injury that time. Of course I can't catch you."

"Okay. Where did you get that na nga?"

"Bullying."

"You always save me from bullies, Travis."

"I promised that I will always protect you, right? Anyway, saan mo gusto pumunta?"

"Gagala tayo?" Nakangiti nitong tanong at kuminang ang mata sa excitement.

"Yeah." Tumayo na ako at pinagpag ang sarili.

"I want to make a sand castle, Travis."

Umuwi muna kami para kuhain ang kotse ko. Isinama namin si Claudia sa gala namin. Nakatanaw lang sa labas ng bintana ang babaeng katabi ko at dinadama ang hangin. My cat was on her travel bag at the back seat and sleeping peacefully. My phone buzzed so I lowered my speed to check my phone.

Dra. Murio Calling...

Natigilan ako nang makita ang pangalan nito sa screen. I clicked the "End Call" button at ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. Ilang oras lang at nakarating din kami sa lugar na may dagat. Tumakbo papunta roon si Mikaella at binasa ang paa niya ng tubig alat. Nililipay ng hangin ang damit at buhok niya ganoon din ang sa akin.

"Travis, look! May isdang tumalon doon." Tuwang-tuwa siyang itinuro iyon.

Naglakad ako palapit sa kaniya habang hawak ang tali ng pusa ko. Malamig ang hanging yumayakap sa akin. Masarap pagmasdan ang tanawin pero mas masarap pagmasdan ang mga ngiti niyang iyon. Nagtampisaw kami sa tubig at naghabulan na parang mga bata. Parang musika sa pandinig ko ang tawa niya.

Sa ilalim ng kahel na langit ay gumawa kami ng Sand Castle. Nanunuod lang sa amin si Claudia na paminsan-minsan ay kinakahig ang buhangin. Sobrang payapa ng lugar at wala kang ibang maririnig kundi ang hampas ng malakas na alon sa dalampasigan. Puro buhangin na ang binti namin dahil sa pagkakalupagi roon.

"Bakit ayaw mong sagutin?" tanong nito nang mapansing hinayaan ko lang mag-ring ang phone. "Ayaw mo pa rin bang kausapin si Mommy?"

"O-Oo." Nag-iwas ako ng tingin at nag-focus na lang sa castle na ginagawa ko.

Napalunok ako at humugot nang hinga bago muling tumingin sa kaniya. Ilang segundo ko rin siyang tinitigan at ang tanging namayani lang ay ang tunog ng alon at malakas na hangin. Humampas ang malaking alon at sa isang kisap mata ay gumuho ang castle na itinayo namin. Tinangay ng tubig ang buhangin pabalik sa kung saan iyon nagmula na tila ba isang pahiwatig.

"Bakit?" tanong nito na puno ng pag-aalala ang boses.

"Kasi kapag ginawa ko iyon, hindi na kita makikita, Mikaella."

"Isang taon na akong wala, Travis. Kailangan mo na akong bitawan."



__________________________________________________________________________________


A/N: Epilogue na po ang kasunod :)





—Azureriel

Endeavoring the Blaze Sky (Conzego Series 2✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon