Chapter 7: The Question

4.6K 145 6
                                    


Chapter 7

"Hmm... Travis Yael Conzego. It sounds familiar." He carressed his chin, trying to remember where he heard that name. "Are you related with the owner of Conzego Medical Hospital?"

"No, sir," I lied.

Baka hindi ako matanggap dito kapag sinabi ko ang totoo. Ayokong isipin nito na hindi ko kaya ang mga trabaho rito dahil lang sa anak mayaman ako.

"Kailangang-kailangan namin ng tao rito sa Milktea Shop kaya sige makakapag-umpisa ka na ngayon. Ken, paki-train itong bago." Lumapit sa amin ang lalake. "Sa unang linggo mo rito, si Ken ang magtuturo sa 'yo ng mga gawain. Oobserbahan ko ang performance mo sa loob ng isang linggo."

"Sige po."

"Sige maiwan ko na kayo."

"Tara roon tayo. Ituturo ko sa 'yo kung paano magtimpla ng milktea."

Sumunod ako papunta sa kusina. Nadatnan namin ang ilang chefs at tauhan ng milktea shop na abala sa kani-kanilang trabaho. Ito iyong bagay na hindi ko pwedeng sabihin kay Mikaella. Malapit na kasi ang birthday namin at plano ko siyang bilhan ng regalo mula sa sarili kong perang pinaghirapan.

I want to work for that money. I already managed my schedules before I applied here.  My work here is also for the mean time. Iyong kaklase ko talaga ang nagwo-work dito pero hindi siya makakapasok ng ilang linggo dahil na-injured. He need to rest kaya habang wala pa siya, ako na lang muna ang ipinalit niya.

"Matagal ka na rito?"

It's much better to communicate here with our national language para iwas duda. Although it's hard for me kasi hindi ako nasanay pero I think magagawan ko naman ng paraan.

"Simula noong nagbukas itong shop nandito na ako. Oh gan'to manuod ka lang sa gagawin ko para mamaya ikaw naman. Don't worry ibibigay ko sa 'yo ang listahan ng ingredients at measurements para alam mo kung paano timplahin itong milktea."

"Sige." Tumango lang ako at pinanuod siyang magturo.

Nakikita ko na mukhang sanay na sanay siya sa trabahong ito. Naninibago pa ako sa paligid. Madali lang para sa akin na matutuhan ang paggawa ng milktea dahil bukod sa ako ang nagluluto sa bahay ay madali ko ring makabisado ang detalye ng mga bagay-bagay tulad na lang ng measurements ng mga ingredients.

Ang problema ko lang ay ang pagharap sa mga customers, na alam kong problema rin ng mga introvert na kagaya ko. Nang dumami ang mga kumakain at kakain ay pinag-serve na rin nila ako. Nahihiya akong humarap sa mga tao pero nilakasan ko ang loob ko. Tingin ko rin kasi makakatulong ito para ma-develop ko ang pakikipagkapwa kahit papaano.

"Tapos ka na?" tanong ni Ken na kababalik lang ngayon dahil inutusan ni boss na mag-deliver.

"Yeah. I made three flavors of milktea."

"Tikman ko muna." Nagsalin siya sa cup taster para malaman kung tama ba ang timpla niyon. "T-Teka, ang sarap ah. Alam mo na kaagad iyong timpla? Ah baka tiningnan mo sa notes iyong mga ingredients at measurements."

"Wala ka pang binibigay. At hindi ko rin alam kung ano ba iyong listahan na sinasabi mo."

"Oo nga pala. Pero p-paano mo natimpla ito?"

"Tinuruan mo ako, 'di ba?"

"Luh! Ganoon kabilis? Na-memorize mo na kaagad ang mga ingredients at measurements eh tatlong magkakaibang milktea pa ang ginawa mo. Eh ako nga isang linggo kong pinag-aralan iyon. Hanggang sa pagtulog ko nagmi-memorize ako. Tapos ikaw nakabisado mo kaagad?"

"Is that impossible?"

"H-Hindi naman pero nakakagulat lang kasi." Napakamot ito sa ulo at halata sa mukha na iniisip pa rin kung paano ko ba nagawa.

Endeavoring the Blaze Sky (Conzego Series 2✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon