Chapter 10

1.1K 91 49
                                    

Matapos mananghalian, mabilis siyang inakay ni Wendy palabas ng bahay. Atat na atat itong pumunta ng mall at magshopping.

Once they were in the car, Wendy asked the driver to take them to the biggest and most luxurious mall in the city.

Habang nasa kotse, wala din itong tigil sa kakadada. "Oh my, Rina! I am really so excited to go shopping. Halos lahat ng mga luxury brands naglabas ng mga bagong collection. I've been eyeing a lot of items for quite some time now, sa wakas mabibili ko na din sila!"

Serena just secretly sneered at her. Sigurado siyang mayroon na itong listahan ng lahat ng items na gusto niyang bilhin.

She just hopes that Wendy has enough money to pay for her purchases. If not, she could forget having those items.

"Oh right, Rina. My sister, Winni, just texted me. She said she's also at the mall, so I invited her to join us. That's okay with you, right?"

Of course, your sister is 'conveniently' in the mall as well when you invited me to go there. I believe you...not.

Si Winni ay nakababatang kapatid ni Wendy. Just like her sister, she likes taking advantage of Serena.

In the previous life, with the help of Serena, Winni was able to marry into a rich and powerful family. She even had to beg Calum just to help her marry into that family.

Tuwing naalala niya lahat ng ginawa niya para sa mga taong ito, hindi niya maiwasang mapailing at mapangiti ng mapait.

She was really a fool in her previous life. 

Nang makitang nakatingin sa kanya si Wendy at naghihintay ng sagot, nagkibit-balikat na lamang siya dito. "Up to you, I don't mind."

Wala naman pakielam si Serena kahit pa sinong isama ni Wendy dahil sumama lang naman siya sa mall para bilhan ng regalo si Calum.

At isa pa, gusto din naman niyang makita ang reaksiyon ni Winni mamaya kapag hindi niya binayaran ang mga pinili nila. It's going to be interesting for sure.

Di naman nagtagal, narating narin nila ang mall. Dali-daling lumabas ng kotse si Wendy habang akay-akay siya nito papasok sa loob.

"Umakyat na tayo ng second floor, Rina. Hinihintay na tayo ni Winni doon."

Hindi na nagulat si Serena sa kanyang narinig. Sa second floor kasi nakatipon lahat ng luxury brands, kaya hindi na nakakapagtaka kung doon gustong mamili ng dalawang magkapatid.

Nagpatianod nalang si Serena papuntang second floor. Hindi niya maiwasang mapangiti sa sobrang pagkasabik ni Wendy.

I hope you will also be this excited when it's time for payment later, Wendy.

"Ate! Ate Serena! Nandito ako!" Paglabas namin ng elevator, kaagad na bumungad sa kanila ang boses ni Winni.

Pagtingin niya dito, may hawak na itong mga bag at may nakasunod pa ditong tatlong sales lady dala-dala ang mga damit, sapatos at bag na marahil ay napili na nito.

Mabilis itong lumapit sa kanila. "Ate, look! Ang gaganda ng mga bagong bags! May mga napili na ako, tara pumili ka narin!"

Ni hindi man lang siya binati at tinapunan ng tingin ni Winni at kaagad nitong inakay ang kapatid papasok sa isang store.

Napangiti nalang si Serena sa naging asta nito. She's used to it. Even in her previous life, they only treated her nicely when they need something from her.

Kung bakit hindi niya iyon na-realize ay hindi niya rin alam. She's been too much of a fool.

Dumiretso nalang siya sa lounge area ng second floor at umupo roon. They would look for her when it's time for payment anyway.

Rebirth: Serena's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon