Nang masabi na ni Serena lahat ng nais niyang sabihin sa puntod ng kanyang ina, nagpasya na siyang umalis at umuwi na.
Paglabas niya ng sementeryo ay pumara ulit siya ng taxi upang makauwi na.
"Saan po ang punta niyo miss?" tanong ng driver.
"Sa Rose Garden Chateau po manong."
Rose Garden Chateau is owned by Calum, it is where they currently live together after their secret wedding. It was a huge old castle surrounded by the lake. It is well known for its amazing garden, which was designed and constructed by the world renowned landscape and construction team.
Kung hindi siya nagkakamali ay namana pa ni Calum ang chateau sa kanyang mga ninuno.
Natigilan naman ang taxi driver nang marinig ang sagot ni Serena. "Naku ma'am, sigurado po kayo? Hindi man kayo makakapasok doon dahil private property yun. Mahigpit din ang security sa Royal Village, hindi po tayo papapasukin kung hindi kayo doon nakatira." babala at paalala ng driver kay Serena.
Royal Village is where the richest and most influencial people live. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung napakahigpit ng seguridad dito. If she was not mistaken, only twenty people owned a residence in this village.
Hindi na nakakapagtaka na kasali sa mga iyon si Calum. His family, the Villareal's, are akin to royalty in the country. They owned a multi-billion company, which is currently headed by Calum.
Kahit mayaman din ang pamilya niya, mga Fajardo, malayong-malayo parin ang agwat ng estado ng kanilang mga pamilya.
"Sigurado po manong." Serena answered with certainty.
Who would dare not to let her in any way when the Great Calum Damien Villareal is behind her back?
Nag-aalangan man ay sinunod na lamang ng taxi driver ang utos ni Serena. Hindi naman niya problema kung hindi makapasok sa loob ang babae, ang mahalaga ay bayaran siya nito sa kanyang serbisyo.
Hindi nagtagal ay narating narin nila ang Royal Village. The taxi stopped in front of the village gate. The moment the guards saw the taxi, they immediately went near it to see whose trying to go inside the village.
"Sino sila at anong sadya nila?" the guard asked sternly.
Nang marinig iyon, hindi maiwasan ng driver na mapabuntong hininga. Ito na nga ba ang sinasabi niya.
Bago pa man makasagot ang taxi driver ay mabilis na binuksan ni Serena ang bintana sa kanyang gilid upang makita siya ng guard.
Gulat na gulat ang guard nang makita siya nito. "Naku Ma'am Serena, kayo pala. Kanina pa po kayo hinahanap ng mga tao sa chateau, mabuti naman po at umuwi na kayo."
Tumango lamang siya bilang sagot sa guard. Pagkatapos ay kaagad na tumakbo ang guard at binuksan na ang gate ng village.
Halos mapanganga naman sa pagkamangha ang taxi driver sa nasaksihan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig at nakita. Hindi niya inaasahan na makakapasok nga sila sa nasabing lugar.
Hindi tuloy niya mapigilang mapatingin ng paulit-ulit sa kanyang pasahero habang nasa biyahe.
Sa pagkakataong ito, nagtagal ang kanilang biyahe. Dahil kahit na kaunti lamang ang mga bahay sa village na ito, malalayo naman ang agwat nila sa isa't-isa. Idagdag pa riyan na nasa pinakadulo ang Rose Garden Chateau.
Tumigil ang taxi sa napakataas at napakagarang gate ng chateau. Sa pagkakataong ito, sa halip na maghintay sa guard na lumapit at papasukin sila ay kusa ng lumabas at nagbayad si Serena sa taxi.
Calum hated random strangers going inside the chateau. Piling-pili lamang ang mga taong nakakapasok dito kaya naman napagpasyahan niyang respetuhin ang kagustuhan ni Calum, bagay na hindi niya nagawa noon.
With this second chance in life, she will definitely treat Calum better. And this time around, she will give her best shot and give their relationship a chance.
BINABASA MO ANG
Rebirth: Serena's Revenge
RomanceDeceived and betrayed by all the people she trusted and loved, Serena Fajardo died heartbroken and full of anguish. In her last moments, she wished nothing more but to have a chance to relive her life again- to set everything right. So what if her w...