1.

8.3K 120 0
                                    

WARNING SPG‼️🚩🔥 Please po, skip nalang ninyo kung hindi kayo nagbabasa ng malaswang eksena.
RED FLAG ang aking mga BIDA sa TRAPPED SERIES kaya kung hindi ninyo tipo ang ganitong klase ng bida, SKIP ninyo at wag nang basahin ang stories ko💥

*****

HINDI maalis ang ngiti niya sa labi habang nakatingin sa singsing na nasa daliri. Ito ang binigay sa kanya ni Alden nang mag-propose sa kanya dalawang buwan na
ang nakararaan.

Tatlong taon na silang magkasintahan ni Alden. Sa loob ng tatlong taon na magkasintahan sila ay pinakita nito sa kanya kung ga'no siya nito kamahal. Ginalang siya ng nobyo at pinakilala na rin sa pamilya nito.

Hindi rin tutol ang pamilya nito kahit na hindi siya galing sa mayamang angkan, tanggap siya ng mga ito sa kabila ng katayuan niya sa buhay.

Twenty-one years old na siya at graduating na this year, kaya nang mag-propose si Alden ay agad na pumayag siya na magpakasal dahil bukod sa nasa tamang edad na sila ay sigurado na sila sa isa't isa.
"Baka mapunit ang labi mo n'yan, Pamela." Umupo si Lira sa tabi niya at bahagya pang binangga ang balikat niya. "Nag-propose lang si Alden, nagkakaganyan ka na."

Bigla itong ngumiti ng tumingin siya rito. "I'm happy, Lira. I still can't believe that I'm getting married. 'Di ba sinabi ko naman sayo na pangarap ko na maikasal sa lalaki na mahal ko? And this is it, finally, it's going to happen soon." Kinikilig na tumingin siya sa singsing na nasa daliri.

"Mabuti, hindi namatay sa inggit ang Ate Kyle mo?"

"Sa tingin mo?" balik-tanong niya.

Umikot ang mata ni Lira kaya natawa siya. Kilala kasi nila ang Ate Kyle niya na inggitera. Mga bata pa lang sila ay ganito na ito at hanggang ngayon ay walang pagbabago. Masyado kasi na-spoil ng magulang nila. Isang ungot lang sa magulang nila ay halos magkandarapa na ang mga ito na ibigay ang gusto ng kapatid niya.

Samantalang siya kahit siguro umiyak ng dugo ay hindi mapagbibigyan ng mga ito sa mga bagay na gusto niya, kahit na maglumpasay pa siya sa kaiiyak ay walang pakialam ang mga ito. Kahit nga tuwing nag-aaway sila magkapatid ay siya palagi ang may kasalanan, siya ang palagi na mali, at ang Ate Kyle niya ang tama.

"Una na ako, Lira. Pupunta pa ako sa bahay nila Alden, bye!" paalam niya sa kaibigan na halata sa mukha ang lungkot.
Nag-away na naman siguro ito at si Fred, ang nobyo nito.

Habang nakasakay sa dyip ay tiningnan niya ang mukha sa maliit na salamin na palagi niyang dala. Hanggang ngayon ay napapaisip siya, ano kaya ang nagustuhan ni Alden sa kanya?

Oo, maganda siya. Maliit ang mukha, matangos ang maliit na ilong, at natural na mapula ang labi. Pero bukod sa mga 'yon ay wala na siyang masasabi na maganda sa kanya.

Payat kasi siya and her height is just five feet and three inches. Tapos ang dibdib pa niya ay parang pangkinse anyos lang.

Ang saklap sa part na baka nga mas malaki pa ang dibdib ng mga kinse anyos kaysa sa kanya na twenty-one years old na.
Kaya minsan ay hindi niya maiwasan na ma-insecure sa mga naggagandahan na babae na may gusto sa nobyo niya dahil alam niya na wala siyang panama sa mga ito.

Nang makarating siya sa napakalaking bahay ng mga Yinarez ay agad na pinapasok siya ng mga kasambahay. "Ma'am, wala pa po si Sir," pagbibigay-alam ng kasambahay sa kanya.
"Sige, maghihintay na lang ako rito."

"Ma'am, ang sabi ni Sir, do'n daw ho kayo sa kwarto na katabi ng kwarto niya. Baka raw magtagal siya kaya ro'n na lang kayo maghintay at magpahinga muna." Tama, dahil gabi na rin ay gusto niya muna magpahinga habang hinihintay ang nobyo niya.

Tumango siya rito at naglakad na papunta sa kwarto na tutuluyan niya magmula ngayon. Dito na kasi siya titira dahil sa Linggo na gaganapin ang engagement party nilang dalawa. Pumayag naman pareho ang mga magulang nila dahil pagkatapos ng engagement party ay magpapakasal na agad sila pagkatapos ng dalawang buwan.

Busy na ngayon si Alden dahil isa na itong CEO ngayon ng kumpanya na pinama rito ng daddy nito. Sa edad na twenty-five ay napamahalaan naman nito nang maayos ang kumpanya kaya lalo siya nabibilib dito.

Pagkatapos alisin ang sandals sa paa ay pabagsak siya na nahiga sa malambot na kama. Napapikit siya nang maamoy ang unan na mabango at may panlalaki na amoy.
Ang sarap sa ilong!

Pumikit siya at saglit na naidlip hanggang sa hindi namalayan na nakatulog na pala siya.


NARAMDAMAN niya na dumampi ang labi ni Alden sa labi niya. Gumanti siya ng halik dito at napaungol nang maramdaman na lumalim ang halik nito sa kanya. Gusto niya itong itulak nang bumaba ang labi nito sa leeg niya.

"Shit!" malakas na mura niya ng malaglag sa sahig na una ang mukha.

Agad na tumingin siya sa salamin dahil baka nagdugo ang labi at ngipin niya. Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi naman pala nabasag ang mukha niya.

Napahawak siya sa labi dahil pakiramdam niya ay namamaga 'yon, maging ang leeg niya ay malagkit, dahil siguro sa pawis.

Bago bumaba ay iniwan niyang naka-charge ang cellphone. Nagpunta siya ng kusina para tanungin ang mga kasambahay kung dumating na ba si Alden.

Natigil siya sa paghakbang nang makita ang nakatatandang kapatid ni Alden na nakaupo. Mula sa malamig na mukha nito ay napalitan iyon ng madilim na ekspresyon nang makita siya.

Nag-aalangan na lumapit siya rito at naupo sa harap nito saka pilit na ngumiti, kahit ang totoo ay hindi niya gusto na ngitian ito. Masasayang lang kasi ang effort niya sa pagngiti dahil wala naman itong pakialam. Halata na hindi siya nito gusto para sa kapatid kaya kahit kaunting ngiti ay hindi nito maibigay sa kanya.

Saka matagal na itong ganito sa kanya. Naalala niya nang una niya itong makita sa unibersidad na pinapasukan niya — na pag-aari nito. Hindi pa niya nobyo noon si Alden nang mga panahon na 'yon pero masama na talaga ito kung tumingin sa kanya.

Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan sa isang Alaric Martin?! Ang bilyonaryo na natuto at nagpalago mag-isa sa mga negosyo nito. Magtagumpay ito sa iba't ibang larangan ng negosyo na pinasok nito tulad ng hotals, casino, resorts, restaurants, at marami pang iba. Sikat din ito pagdating sa mga babae — pagdating sa pagpapaiyak ng mga babae.

Daig pa ang artista. Sabagay, gwapo naman kasi talaga. Matangkad, matangos ang ilong, makapal ang kilay na binagayan ng matapang na mata, at bukod ro'n ay kulay berde ang mata nito na namana raw sa banyagang ina!

Napangiwi siya nang humithit ito ng sigarilyo at binuga ang usok n'on habang nakatingin sa kanya. Ngayon alam na niya kaya hindi mapula ang labi nito katulad ng kay Alden, malakas kasi itong manigarilyo.

"What are you staring at?" Napahawak siya sa batok. Malaki at malamig na boses nito. Nagbigay ng ibang lamig 'yon sa katawan niya. "You want to smoke?" tanong pa nito sa kanya.

Agad na umiling siya. "Hindi po ako naninigarilyo."

"Sir Alaric, pasensya na pala, nakalimutan ko hong sabihin kay Ma'am Pamela na nasa kwarto kayo sa itaas." Bumaling sa kanya ang kasambahay na kararating lang. "Ma'am, do'n na lang daw ho kayo pansamantala sa kwarto ni Sir Alden—"

Malakas na ibinagsak ni Alaric ang kamao sa mesa. "No need." Tumayo ito. "Aalis na rin ako." At dire-diretso na umalis.

Naiwan siya na natitigilan habang nakatingin sa malapad na likod nito na papalayo. Galit ba ito dahil ginamit niya ang kwarto na gagamitin sana nito?

"Teka, Manang. Ibig bang sabihin, no'ng umakyat ako kanina, nando'n na si Kuya Alaric?" tanong niya. Tumango ang kasambahay sa kanya. "Pero pagpasok ko kanina..." Wala naman ito roon. Hindi na niya tinuloy ang sasabihin. "Wala pa ho si Alden—"

"Babe!" Gumuhit ang malaking ngiti sa labi niya nang marinig ang boses ng nobyo.

"Babe! Kanina pa kita hinihintay..." Yumakap siya rito nang mahigpit. Natigilan siya. Iba ito sa amoy na naamoy niya kanina sa unan.

Napangiwi siya. Kung nauna ang kapatid nito sa kanya sa kwarto ay baka amoy nito ang nalanghap niya sa unan kanina. Agad na inalis niya sa isip ang tungkol doon at niyakap na lang ang nobyo ng mahigpit.

"Nakita ko si Kuya Alaric. Himala at nagpunta siya rito. Hinanap si Daddy?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Hindi naman ako masyadong kinakausap n'on kaya paano ko malalaman?"

Bumitiw siya rito ng yakap. Kumunot ang noo niya nang mapansin na magulo ang suot nito at hindi rin tugma ang butones ng suot na long sleeves polo shirt nito, inayos niya iyon na kinangiti ni Alden.

"I love you, Babe," malambing na sabi nito sa kanya.

Kinagat niya ang labi para pigilin ang ngiti. Mahina niyang hinampas ito sa braso. "'Love you more."

Pagkatapos nilang kumain ay pumasok na siya sa kwarto na katabi nito. Kahit na tatlong taon na sila at nasa tamang edad na ay hindi pa rin sila lumalagpas sa smack na halik at yakap. Naniniwala kasi siya na may tamang panahon sa gano'ng bagay.

Natigil siya sa pag-iisip nang maamoy ang unan. Naiwan talaga ang amoy rito ni Kuya Alaric na gustong-gusto niya.

Mahina niyang tinampal ang pisngi. Shit, gustong-gusto?

'Bakit, hindi ba?' tanong ng bahagi ng utak niya.

Sumubsob siya roon. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi niya gusto ang amoy nito.

"Hindi naman big deal. Amoy lang naman 'to," sabi niya bago natulog.



"CONGRATULATIONS, PAMELA! Masaya ako para sayo," naluluha na sabi ng kaibigan niyang si Lira.

"Thank you, Lira. Nasaan si Fred?" tukoy niya sa nobyo nito.

Nag-iwas ito ng tingin. "Break na kami. Ops, bawal malungkot! Engagement party mo ngayon kaya dapat happy ka lang!" agad na sabi nito sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Basta i-chika mo sa akin kung ano ang nangyari after nito." Malungkot na tumango si Lira sa kanya. Maging si Alden ay halata na nagulat din sa sinabi ni Lira at nanatili na lang na tahimik. Si Fred at Lira kasi ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Alden.


Puro pangko-congratulate ang natanggap nila ni Alden sa mga bisita. Medyo nahihilo na rin siya dahil sa maya't mayang pag-abot ni Lira ng alak sa kanya na iniinom naman agad niya.

"Babe, are you okay? Kung pagod at hindi mo na kaya, magpahinga ka na." Inalalayan siya ni Alden na maupo.

"Kaya ko pa, promise. Hindi pa ako lasing."

Nakangiti na nilibot niya ang tingin sa paligid. Natuon ang mata niya sa magulang nila ni Alden. Masaya na nag-uusap ang mga ito at nagkakatawanan pa.

Ngayon lang 'ata siya may nagawang tama para sa mga ito. Ngayon lang niya nakita na ngumiti ang mga magulang niya dahil sa kanya. Kahit kasi mismong birthday niya o noong graduation niya ay hindi niya nakita na ngumiti ang mga ito, basta kahit ano na may kinalaman sa kanya ay wala namang pakialam ang mga ito.

"Babe, sayaw tayo dali!" Hinila niya si Alden at nagsayaw sila sa gitna. Habang sumasayaw ay panay rin ang abot ni Lira ng alak sa kanya na iniinom naman din agad niya. Hindi siya sanay uminom pero dahil masaya siya sa araw na 'to ay pagbibigyan na niya ang sarili na uminom nang uminom.
Minsan lang naman.
"B-babe." Nilapit niya ang labi sa tainga ni Alden. "H-hilong-hilo na ako."

"I told you to stop drinking, but you're not listening," inis na pakli nito.

Malambing na niyakap niya ito. "I'm sorry, okay? Ngayon lang naman... Saka masaya lang kasi ako."

Lumamlam ang mga mata nito sa sinabi niya at saka hinaplos ang pisngi niya. "Ihahatid na kita na kwarto mo—"

"'Wag na, Babe. Ako na ang bahala sa sarili ko, kaya ko na." Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito. Tumayo siya at naglakad na paakyat. Ilang beses pa siyang muntik matumba dahil sa kalasingan.

Humawak siya sa sentindo nang paakyat na siya ng hagdan. Hindi pa man siya nakaaakyat ay parang mas lalo pa siyang nahilo sa taas n'on.

Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya nang dumulas ang two-inches heels niyang suot sa hagdan, mabuti na lang at may nakasalo sa kanya.

Namumungay ang mata na tumingin siya sa may-ari ng braso na nakapulupot sa baiwang niya. "K-Kuya Alaric..." Ngumiti siya rito at sinundot ang gilid ng pisngi nito. "Smile naman d'yan, hindi 'yong para kang nalugi. Sabihin mo nga, nalugi na ba ang mga business mo, Kuya?"

Nahigit niya ang hininga nang hapitin pa nito lalo ang maliit niyang baiwang. Nilayo niya nang bahagya ang mukha nang ilapit ni Alaric ang mukha palapit sa kaniya. "Aakyat ka o pagugulungin kita pababa ng hagdan na 'to?"

Dahil sa sinabi nito ay agad na lumayo siya rito at nagmamadali na umakyat, ilang beses pa siyang muntik na matumba pero umabot naman siya nang buhay sa kwarto.

Agad na nahiga siya at natulog, hindi na siya nagpalit ng suot na dress dahil sa kalasingan.

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon