PAGKATAPOS niyang maligo ay nag-blower siya ng buhok para matuyo agad. Maya't maya rin ang pagtingin niya sa pinto ng bathroom kung nasaan si Alaric habang naglo-lotion siya ng balat. Hindi niya tuloy alam kung makatutulog siya nang maayos lalo pa't katabi niya ito matulog.
Hindi ito ang unang beses na magtatabi sila pero iba na kasi ngayon. Dahil ngayon ay bukas na ang isip niya sa nararamdaman niya para kay Alaric.
Mabilis na umayos siya ng upo nang marinig ang pagbukas ng pinto ng bathroom. Pasimple na tumingin siya kay Alaric. Tumutulo pa ang tubig sa basang buhok nito. Wala itong pang-itaas at nakasuot lang ng boxer shorts.
Nanlaki ang mga mata niya. Naka-boxer shorts lang ang asawa niya! Balak ba siyang akitin nito? Ito kasi ang unang beses na nakita niya na naka-boxer shorts lang ito. Palagi kasi itong naka-pants.
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malaking bukol na nasa pagitan ng hita nito. Marahas siyang napalunok at saka nag-iwas ng tingin.
Alam niya na namumula ang mukha niya. Sino ba naman ang hindi mamumula lalo na't kasama mo sa kwarto ang lalaki na gusto mo na napaka-hot! Tapos kumpleto pa ang abs! Halata na matigas 'yon at parang masarap na hawakan.
Naku, kapag itong si Alaric, lumapit sa kanya ay hindi siya magdadalawang isip na hawakan ang abs nito. Wala nang hiya-hiya.
Nanigas siya sa kinauupuan nang maramdaman ang presensya ni Alaric sa likuran niya. Tumingin siya sa salamin at nakita na nakatingin din ito sa kanya. Nasa magkabilang gilid ng vanity table ang dalawa nitong kamay habang matiim ang tingin sa kanya ng berde nitong mga mata.
"Nakakatingin ka na nang diretso sa mga mata ko ngayon, Pam. Hindi katulad dati na palagi kang nakaiwas," mahina ang boses na sabi ni Alaric habang hindi inaalis ang mata sa pagkakatingin sa kanya sa repleksyon niya sa salamin.
Pinagdikit niya ang labi. Nagsimula siyang kurutin ang kamay dahil sa kaba na namumuo sa dibdib niya. Tumingin si Alaric sa kamay niya at bumakas ang pag-aalala sa mukha nito nang makita ang mga sugat niya.
"Dahil sa pagluluto mo?" Mabagal na tumango siya. Inikot nito ang kinauupuan niya para iharap siya rito. Kinuha nito ang dalawa niyang kamay at tiningnan ang mga 'yon na may bakas pa rin ng pag-aalala ang gwapong mukha. "You don't have to cook for me, Pam—"
"Pero gusto ko, Alaric," putol niya rito. "A-Asawa kita kaya dapat lang na pagsilbihan kita... at masaya ako sa ginagawa ko," pagsasabi niya ng totoo. Wala na siyang pakialam kung ano ang isipin nito sa kanya. If he thinks that she's flirting with him, she doesn't care! Alaric is her husband and she has the right to do whatever she wants to!
Nakatatawa lang isipin na noong una ay hindi niya gusto na pinakikialaman siya nito, hindi niya gusto ang pagsulpot nito kung nasaan man siya. Ngayon ay kahit siguro anong gawin nito ay wala na siyang pakialam.
Nawala ang pag-aalala sa mukha ni Alaric. Nakita niya na natigilan ito sa sinabi niya na para bang hindi makapaniwala sa narinig.
"Ayaw mo ba sa mga luto ko, Alaric? Alam ko na hindi ako masarap magluto. Pangako, sa susunod, mas gagalingan ko na—"
"Hindi gano'n iyon, Pam. Gusto ko ang ginagawa mo. Nakakakilig at masarap sa pakiramdam." Nakangiti na ito ngayon sa kanya. May kinang sa berde nitong mga mata habang nakatingin sa kanya.
Nakahinga siya nang maluwag at napangiti. "Kinikilig ka na agad sa pagluluto ko pa lang? Sabihin mo nga, gusto mo ba ako, Alaric?" diretso niyang tanong dito habang nakatingin sa mga mata nito.
Natigilan ito at hindi nagsalita. Nawala ang ngiti nito sa labi at nawalan ng ekspresyon ang mukha. Halata na hindi nito inasahan ang tanong niya. O mas tama na sabihin na hindi nito nagustuhan ang itinanong niya.
Nakaramdam siya ng sakit. Nanatili na wala itong imik kaya tumalikod siya rito. Sinuklay niya ang mahaba niyang buhok para ibaling do'n ang atensyon. Pinigilan niya ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Hindi pala siya nito gusto! Shocks! Ang sakit sa dibdib. Siya pala ang assuming sa kanilang dalawa.
Kung hindi pala siya nito gusto ay bakit iba ang pinaparamdam nito sa kanya? Sa tuwing titingin ito sa kanya ay parang siya ang pinakamaganda sa paningin nito. Saka palagi rin siya nitong nilalandi. Naghahalikan pa nga sila!
Pamela, get a hold of yourself! Hindi porke hinalikan ka ay gusto ka na!
Muling hinawakan ni Alaric ang kamay niya pero iniwas niya iyon. Kung hindi siya nito gusto, dapat ay hindi ito gumagawa ng mga bagay na baka mabigyan niya ng ibang kahulugan. Masakit kaya ang umasa.
Rinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa likuran niya. "Pam—"
"Antok na ako, Alaric. Good night..." Tumayo siya at nakangiti na humarap dito. "Bukas, lulutuan ulit kita. S-Sana... magustuhan mo na ang mga luto ko..."
Sana magustuhan mo na ako. Pero hindi niya magawang sabihin 'yon dahil magmumukha lang siyang kawawa at nanlilimos ng pagmamahal...
Pagmamahal? Kahit nga pagkagusto ay wala siya sayo, Pam! Pagmamahal pa?!
Humiga siya at nagtalukbong ng kumot. Medyo makirot ang dibdib niya pero kaya naman niya. Kailangan na habang maaga pa ay patayin na niya ang nararamdaman niya rito. Hindi pwede na umasa siya dahil tiyak na masasaktan lang siya sa huli.
Mas mabuti na habang maaga pa lang ay ititigil na niya ang nararamdaman para dito. At kapag wala na siyang pagkagusto rito ay saka niya sasabihin na ipa-annul ang kasal nilang dalawa. Para din sa kanila 'yon, hindi naman pwede na magsasama sila at mananatiling kasal gayon na alam naman nila na pagkakamali lang ang kasal sa pagitan nilang dalawa.
Pumikit siya at kinagat nang madiin ang labi para labanan ang pag-iinit ng mga mata. Hindi niya akalain na mahuhulog siya kay Alaric. Ang unfair! Minahal niya ito nang gano'n kadali ngunit sa bandang huli ay maiiwan siya na luhaan dahil hindi naman siya nito gusto.
Sana kasi ay pinigilan niya ang puso na mahalin ito, 'di sana ay hindi sumisikip ang dibdib niya dahil sa sakit.
MAAGA siyang nagising at nagluto ng almusal ng asawa niya. Nagtimpla rin siya ng kape nito. Napansin niya kasi na mahilig ito sa kape na puro, iyong matapang ang pagkatimpla.
"Manang, mauuna na po ako. Pakisabi na lang kay Alaric na umalis na ako."
"Ma'am, hindi niyo ho sasabayan si Sir kumain?" tanong ni Manang na halata ang pagtataka sa mukha.
Umiling siya. "Hindi na po."
Pagkatapos maghanda ng almusal nito ay umalis na siya ng bahay. Doon na lang siya maliligo sa condo ni Vera. Hindi niya kasi alam paano haharapin si Alaric nang hindi siya nasasaktan.
KANINA pa hinahanap ng mata ni Alaric ang asawa pero hindi niya ito nakita simula nang lumabas siya ng bathroom pagkatapos maligo.
"Manang!" Agad na lumapit sa kanya ang matanda maging ang ibang kasambahay dahil sa malakas na pagtawag niya. "Have you seen my wife?" Natigilan siya nang makita ang pagkain na nakahain sa mesa.
"Umalis na si Ma'am, Sir. Mauuna na raw ho siya," sagot ng matanda sa kanya. "Pero, Sir, pinaghanda ka muna ni Ma'am Pamela ng pagkain bago siya umalis," nakangiti na hayag ng matanda sa kanya.
Muling dumako ang tingin niya sa pagkain na hinanda ng asawa niya. Bumuntong-hininga siya at saka naupo.
HANGGANG sa natapos ang klase nila ay wala siya sa sarili kaya naman hindi maiwasan ng mga kaibigan niya na mapatingin sa kaniya nang may pagtataka sa mukha. Hindi rin kasi sanay ang mga ito na tahimik siya.
Hindi mawala sa isip niya si Alaric. Gusto niya itong puntahan sa opisina nito para makita pero pinipigilan lang niya ang sarili. Sasaktan lang niya ang sarili kung hahayaan niya na mahulog pa lalo sa asawa niya.
Saka hindi dapat magpakatanga ang isang babae sa lalaki na hindi ka naman kayang mahalin. Iyon ang paniniwala niya.
Marahan na siniko ni Yuri si Nikka at nginuso siya. Maging si Vera ay kanina pa nakatingin sa kanya.
"Pamela, may sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Nikka sa kanya.
Umiling lamang siya bilang sagot at binaling ang tingin sa kape na nasa harapan. Narito sila ngayon sa Starbucks, tulad nga ng napagkasunduan ay ililibre sila ni Vera ng coffee for two months.
"Broken-hearted," Vera stated the fact while seriously looking at her.
Bumuga siya ng hangin. "Sort of," aniya nang may lungkot sa boses.
"Sinubukan mo na ba? Susuko ka na agad?"
Tumingin siya kay Yuri. "I tried, Yuri." Naalala niya ang mukha ni Alaric nang tanungin niya ito. Nasaktan na naman siya nang maalala ang reaksyon nito. "It seems like he doesn't like me. Kaya mas mabuti na itigil ko na ito habang kaya ko pa... Mas masakit kasi kung ipagpapatuloy ko pa ito at mahulog nang mas malalim pa."
Tumango ang tatlo sa kanya. Alam niya na alam ng mga ito na iba ang pagkagusto niya kay Alaric. Mas malalim...
Hindi naman kasi siya nakararamdam ng kilig o spark sa kanila noon ni Alden. Now, she realized that the feelings she had for Alden were nothing compared to the feelings she now has for Alaric.
Masyado kasi siyang nadala sa pag-aakala na isang perpektong lalaki si Alden.
But perfection is not important when it comes to the person you love. Tulad ni Alaric, perpekto ang lahat dito maliban sa ugali pero minahal niya pa rin ito.
"Kung ako sayo, I'll go to a party and drink until I can't stand anymore. Promise, mawawala iyang sakit sa dibdib mo— The heck, Yuri! Ang sakit mo mambatok!" angil ni Vera.
"Tumigil ka nga r'yan, Vera. Hindi sagot ang pag-iinom. Kung makapagpayo ka naman, akala mo talaga ay nasaktan ka na!" turan ni Yuri kay Vera.
"That will never happen, Yuri. Hinding-hindi ako masasaktan dahil lang sa lalaki. Sa ganda kong 'to? Duh!" sagot ni Vera sabay irap.
"Yawa ka! Kaya nga manahimik ka na lang at 'wag nang mag-aya r'yan kay Pamela. Let Pamela fix her mind and deal with her own problem. Malay natin, baka may pag-asa pa. Hindi iyong inom agad ang nasa utak mo." Tumingin sa kanya si Yuri. "Pero nasa 'yo pa rin ang desisyon, Pamela. Gusto mong sumama sa amin mamaya—"
Ito naman ang binatukan ni Nikka. "Pareho kayong dalawa, hindi matino kausap." Tumingin sa kanya si Nikka. "Bakit hindi mo subukan na akitin siya, Pamela? Malay mo, 'pag nabuntis ka—"
Ito naman ang binatukan niya. "Alam niyo, pareho kayong tatlo. Walang matino sa inyo." Napaiiling-iling na lang siya sa mga ito hanggang sa natawa na lang siya. Ganito na sila noon pa man, kaya nga magkakasundo silang apat. Pare-pareho kasi sila ng takbo ng utak.
"Hindi ko na kailangan akitin si Alaric. Papatayin ko na nga ang feelings ko para sa kanya tapos aakitin ko pa siya? E 'di parang mas hinulog ko pa ang sarili ko sa bangin."
Ngumiti siya pero alam niya na hindi 'yon umabot sa mata niya. Hindi niya gusto na lalong masaktan balang araw. She shouldn't let herself drown because of a man.
AGAD na pumasok siya sa bathroom pagkauwi. Inabutan siya ng gabi dahil sa pagkukwentuhan nila, nanood pa sila ng movie sa condo ni Vera.
Nagbabad siya sa bathtub para mapreskuhan ang katawan niya at mawala ang ilang bagay na tumatakbo sa isip niya. Sa tatlong taon na relasyon nila ni Alden ay hindi pa siya nasaktan nang ganito. Nasaktan lang naman siya dahil sa hindi niya matanggap na mali ang pagkakakilala niya kay Alden at muntikan pa na maikasal dito sa kabila ng panloloko nito.
Pagkatapos magbabad sa bathtub ay nagbihis na siya. Wala siyang gana na magluto ngayon. Ang gusto niya ay matulog agad dahil parang mababaliw siya sa kaiisip tungkol kay Alaric.
Natigil siya sa pagsusuklay nang tumunog ang cellphone niya.
'I can't get you out of my mind.'
Kumunot ang noo niya. Ito pa rin ang number na na-wrong send sa kanya. Bakit nagte-text pa rin ito? Hindi ba nito na-realize na mali ang number na tini-text nito?
Pagkatuyo ng buhok niya ay nahiga na siya at natulog. Hindi na niya hinintay na dumating ang asawa niya. Para saan pa? Kailangan niyang sanayin ang sarili na hindi ito hinahanap-hanap.
Pumikit siya at pilit na inalis si Alaric sa isip niya. Dumilat siya at naupo. Shocks! Hindi niya magawa! Bakit ang hirap?!
"Pam." Tumingin siya sa pinto kung saan nakasandal na ang asawa niya habang nakapamulsa ang isang kamay. Nakatingin din nang seryoso ang kulay berde nitong mga mata sa kanya.
"Bakit, Alaric?" kaswal niyang tanong. "May kailangan ka?"
Lumipas muna ang ilang sandali bago ito umiling sa kanya. Kinalma niya ang sarili. Ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso niya para dito.
"Inaantok na ako. Good night, Alaric." Pilit siya na ngumiti rito bago muling nahiga.
Gusto niya sanang salubungin ito ng yakap, katulad ng palagi nitong ginagawa sa kanya. Gusto niya ring titigan ang gwapo nitong mukha pero hindi pwede. Dahil simula ngayon, papatayin na niya ang nararamdaman para dito.
Tama iyan, Pamela. Para hindi masyadong masakit sa huli...
