3.

6.2K 152 2
                                    

BUMUGA siya ng hangin habang nakatingin sa mataas na gusaling nasa harapan niya na pagmamay-ari ni Alaric. Tila nalula siya sa sobrang taas nito.

Nagmamadali siyang pumasok sa building pero agad ring hinarang ng receptionist.
"Ma'am, may schedule ho ba kayo kay Mr. Martin?" magalang na tanong ng babae sa kanya.

Umiling siya. "Wala po, e."

"I'm sorry, Ma'am, pero hindi ho kayo maaaring pumasok."

Gano'n?!

Napaisip siya. "Pwede ba na pakisabi na... na..." Paano ba 'to? "Pakisabi, nandito ang m-mapapangasawa niya," nag-aalangan na sabi niya. Hindi naman niya gusto na sabihin iyon pero paano naman siya makapapasok, 'di ba?

Nawala ang ngiti ng babae sa labi. Nagdududa na ngayon ang tingin nito sa kanya at talagang nagtagal pa ang tingin nito sa flat niyang dibdib!

"Miss, pakisabi na dali, at 'wag ka nang tumingin sa dibdib ko dahil flat talaga 'yan! 'Di na 'yan tutubo at tanggap ko na! Kaya tigilan mo ang dibdib ko!" Iniinis siya ng babaeng ito! Mapanlait kung tumingin, palibhasa'y biniyayaan!

Hindi pa rin nawawala ang duda sa mata nito bago damputin ang telepono. "Hello, pakisabi kay Sir na may babae rito na nangangarap na mapangasawa niya."
Whaaat?! Nangangarap daw!

"Miss, ano ang full name mo?" nakataas na ang kilay na tanong ng babae.

"'Pag kinasal na kami ni Kuya— I mean, ni Alaric, ipatatapon kita sa ibang planeta. Tandaan mo 'yan," pananakot niya rito. Pero syempre, biro lang naman 'yon. Hindi naman na sila magkikita after nito dahil walang kasalanan na magaganap. "Pakisabi, Pamela Obrid."

Nakita niya kung paano namutla ang babae matapos ang ilang minuto na pakikipag-usap sa telepono.
Bago sumakay ng elevator ay lumingon siya rito at ngumiti nang nakaloloko kaya naman lalo itong namutla habang nakatingin sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang matawa.

Nang makarating sa palapag kung nasaan si Alaric ay nagmamadali siyang naglakad papasok ng opisina nito. Hindi na siya kumatok at diretso nang pumasok.

"Kuya Alaric!" malakas na tawag niya. "Sinabi ko naman sayo, 'di ba, na ayaw kong magpakasal sayo—" Natigil siya sa pagsasalita.

Shit, nakakahiya! Hindi lang si Alaric ang tao sa opisina! Napakadaming hot papa!

Mabilis na binilang ng mga mata niya ang mga naggagwapuhang lalaki sa loob ng opisina ni Alaric. Anim!

Tumikhim siya. Bumalik ang inis niya nang maalala ang tungkol sa kasal. "Kuya Alaric, mag-usap tayo mamaya. Marami akong gustong sabihin sayo," mahinahon na ngayon ang boses na saad niya pero nanggagalaiti na ang dibdib niya.

Ngumiti ang isang lalaki sa kanya kaya ngumiti rin siya rito. Mga gwapo talaga!

"Leave us..."

Tumingin siya kay Alaric na madilim na ang mukha. Nakita niya kung paano ngumisi ang ilan sa mga lalaki.

Hinawakan ng lalaki na ngumiti sa kanya kanina ang kamay niya. "Bye, Miss Beautiful— F*ck!" Hindi na nito natuloy ang tangkang paghalik sa kamay niya nang batuhin ito ni Alaric ng ashtray pero nasalo nito 'yon gamit ang kamay. Tumatawa na lumabas ito nang makita kung gaano kadilim ang mukha ni Alaric.

"Ikakasal ka na pero nagagawa mo pa ring makipagngitian sa iba." Pabagsak na naupo si Alaric sa swivel chair. Madilim pa rin ang mukha nito.

"Kuya Alaric, umatras ka sa kasal," walang paligoy-ligoy na sabi niya rito. Hindi na siya umupo at tinukod na lang ang dalawang kamay sa mesa nito.

Tinaasan siya nito ng kilay. "Seryoso? Tataasan mo lang ako ng kilay?" hindi makapaniwala na tanong niya. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha.

"What should I do then?" Sumandal ito sa swivel chair nito at matiim siyang tiningnan.
"Umatras ka nga sa kasal—"
"Bakit ko gagawin iyon?" Dumampot ito ng kaha ng sigarilyo at nagsindi ng isa. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kanya. "Bakit hindi tayo pwedeng magpakasal?" Umupo ito sa mesa paharap sa kanya.

"Kasi— Ano ba! 'Wag mo nga akong bugahan ng usok! Ang bastos mo naman!" angil niya. Paano ba naman ay binugahan siya ng usok! "Ano bang trip 'yan!"

Paubo-ubo na lumayo siya rito. Inis na tiningnan niya ito nang marinig na tinawanan pa siya nito. "Ah, basta umatras ka sa kasal. Hindi tayo pwedeng magpakasal kasi nga hindi natin mahal ang isa't isa. Pagkakamali lang ang lahat. Ang kailangan lang nating gawin ay ipaliwanag sa kanila ang mga nangyari." Kailangan niya itong makumbinse na tulungan siya.

"Pagkakamali?" Muli itong humithit ng sigarilyo at binuga na naman sa kanya.
Hindi niya mapigilang mapaubo ulit. Kupal talaga!
"Pagkakamali nga, ang kulit mo, paulit-ulit? Pagkakamali kasi wala naman talagang nangyari sa atin."

Natigilan ito. Pinatay ni Alaric ang sigarilyo at tumayo. "Paano mo nga nasabi na walang nangyari?" Bakit pa ba kasi kailangan pa nito na magtanong?
"Basta alam ko na wala talagang nangyari— Ano bang ginagawa mo?!" Napasinghap siya sa gulat nang hilahin siya nito at inupo sa mesa nang nakabuka ang dalawang hita. Nakita na tuloy ang panty niya!

Nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya saka yumuko at inilapit ang labi sa tainga niya. "Paano kung may nangyari talaga? Hindi mo lang maalala."
Pilit na itinulak niya ito pero hindi ito natinag. Naiilang na siya sa posisyon nila ngayon!

Nanlaki ang mata niya nang hawakan nito ang dalawa niyang hita at mas hinila pa palapit sa katawan nito. "A-Alaric, ano ba?!" Nakaramdam na siya ng takot sa ginawa nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang dumikit na ang gitnang bahagi niya sa matigas at namumukol na nasa pagitan ng mga hita nito. Sumikdo ang dibdib niya nang sa unang pagkakataon ay nakita niya itong ngumisi sa kanya. "It sounds good kapag hindi mo ako tinatawag na kuya, Pam."

Hindi na talaga kita kukuyahin, bwisit ka! Ang bastos mo— Ano ba!" Nagsimula na siyang mataranta nang idiin nito ang sarili sa gitna niya. "H-hindi na ako natutuwa, Alaric!"

Hindi niya maisara ang mga hita dahil nasa gitna niya ito! Hindi rin siya makagalaw dahil hawak nito ang dalawang hita niya. Nanghihina rin ang mga kamay niya sa hindi malaman na dahilan kaya imbis na itulak ito ay nakakapit na ang mga ito sa dibdib ng lalaki!

"Paano mo nga nasabi na walang nangyari sa atin?" Seryoso na ang mukha nito ngayon. "Kumbinsihin mo ako, Pam. Malay mo, pumayag ako sa gusto mo."

Pumikit siya at binasa ang labi. Paano ba niya sasabihin? Bakit kasi kailangan pa na sabihin at bakit kasi kailangan pa na malaman?!

Lumunok siya saka dumilat. "K-Kasi... mararamdaman ko 'yon." Ayaw niya sanang ibuka ang labi. "K-Kasi, 'di ba, 'pag first time, masakit?" halong bulong na lang na sabi niya rito. Nakakahiya! Ang dami naman kasing tanong ng lalaking ito!

Kinilabutan siya nang nilapit nito ang mukha sa leeg niya. "Sasabihin mo rin naman pala, pinatagal mo pa."

Nakahinga siya nang maluwag nang umalis na ito sa harapan niya at muling umupo. Pinunasan niya ang pawis sa noo, pinagpawisan pala siya dahil sa ginawa nito.

Nanggigigil siya dahil sa ginawa nito kanina. Bumuga siya ng hangin at pilit na inalis sa isip ang pagkakadikit ng katawan nila. Ang mahalaga sa ngayon ay aatras na ito sa kasal nila.
"A-aalis na ako." Nanginginig ang tuhod niya at halos hindi niya maihakbang ang mga binti. Inirapan niya ito nang makita na ngumisi ito matapos mapansin ang reaksyon ng katawan niya.

"Pagkaatras mo sa kasal, 'wag ka nang magpapakita sa akin! Napakabastos mo!"

Hindi talaga niya gusto ang ginawa nito sa kanya. Ramdam pa rin niya ang matigas na bagay na dinikit nito sa kanya. Kainis talaga!
Habang naglalakad, lahat ng madadaanan niya ay nakatingin sa kaniya at yuyuko. Ano siya, reyna lang?
Nang madaanan niya ang babae na receptionist ay namumutla pa rin ito. Kung alam lang nito na hindi na sila magkikita ulit.

Kahit gigil siya kay Alaric ay hindi niya mapigilan ang matuwa dahil aatras na ito sa kasal nila. Hindi na niya kailangan na magpakasal sa lalaki na hindi naman niya mahal. Ang kailangan na lang niyang gawin ngayon ay kausapin si Alden para magkabalikan sila. Kailangan na magkaayos sila para matuloy ang kasal nila.

MAG-IISANG buwan na pero walang nababanggit ang magulang niya tungkol sa pag-atras ni Alaric sa kasal nila. Nakapagtataka dahil sigurado na magbubunganga ang magulang niya o tatadtarin siya ng mura at baka nga saktan pa siya dahil sa pag-atras ni Alaric sa kasal. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawa ang magulang niya.
Good mood?
Tumusok siya ng hotdog. Kumunot ang noo niya nang tusukin din ng Ate Kyle niya ang hotdog na tinusok niya. Dahil sa mapagbigay siya ay tumusok na lang siya ng iba. Pero ang walang hiya, kung ano ang tusukin niya ay tinutusok nito!
Inis na tumingin siya rito pero nginisihan lang siya nito. Bumuga na lang siya ng hangin at hindi na ito pinansin. Ngunit nang kukuha siya ng itlog ay inagaw nito ang itlog na kukunin niya, gano'n din ang ginawa nito sa mga sumunod.

Tumayo siya at marahas na tumingin dito. Araw-araw na lang ganito kapag nasa bahay siya. Wala na itong ginawa kun'di ang inisin at galitin siya.

Ininom na lang niya ang tubig na nasa baso niya bago umalis. Pero napahinto siya sa paglalakad nang magsalita ang mama niya. "Dumating na nga pala ang wedding gown mo kanina, Pamela. Sa isang araw na ang kasal mo kaya 'wag kang lamon nang lamon para hindi ka manaba—"

"Anooo?!"


HALOS UMUSOK ang ilong niya habang sakay ng elevator. Hindi umatras sa kasal si Alaric! Kaya pala hindi siya ginisa ng magulang niya dahil hindi pala ito umatras sa kasal. Ang sinungaling na lalaking 'yon!
Nang makarating sa opisina ni Alaric ay agad na binuksan niya ang pinto n'on. Naabutan niya ulit ang mga kaibigan nitong mga gwapo pero wala siyang pakialam.

"Alaric, bakit dumating ang wedding gown na 'yan sa bahay?" Ibinagsak niya sa harap nito ang malaking box na may laman na wedding gown. "'Di ba, aatras ka sa kasal? E, ano ito?"
"Leave us, fuckers..." asik ni Alaric sa mga kaibigan. Pinagtawanan muna ito ng mga kaibigan bago umalis.

"Wala akong matandaan na nangako ako na aatras sa kasal, Pam," giit ni Alaric sa kanya nang may seryosong tingin.
Napamaang siya. "Ang sabi mo sa akin, kumbinsihin kita. Kaya nga sinabi ko sayo na... Basta umatras ka na ngayon sa kasal, please..." pagsusumamo niya rito pero wala itong naging reaksyon. "Hindi pa rin ako magpapakasal sayo—"
"Really? Even if your parents will disown you?" naghahamon na tanong nito sa kanya.

Napalunok siya. Kahit ano ang mangyari ay hindi siya papayag na makasal dito. Kahit itakwil pa siya ng mga magulang niya ay hindi siya magpapakasal. Kahit na bugbugin pa siya o itapon sa dagat ng mga ito wala na siyang pakialam.
"Hinding-hindi ako magpapakasal sayo kahit itakwil pa ako ng mga magulang ko!"

"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE."
Akala niya ay kaya niya nang sumuway sa magulang pero hindi pala. Ngayon ay narito siya sa simbahan at ikinasal na kay Alaric.

Nakangisi na inangat ni Alaric ang belo na tumatakip sa kanyang mukha. Umiiyak siya sa sobrang sama ng loob. Hindi niya matanggap na ikinasal na siya sa lalaki na hindi niya mahal!

Pinahid ni Alaric ang luha sa pisngi niya gamit ang hinlalaki nito.

"Sa pisngi ka lang humalik— Uhmmp!" Naghiyawan ang mga kaibigan ni Alaric sa ginawa nito sa kanya. Nilamon lang naman nito ang labi niya! Inis na tinulak niya ito pero hindi man lang nadala!

Tumikhim ang pari. "Hijo, wala pa kayo sa honeymoon."
Nagtawanan ang ilan sa mga bisita.
Sa kabila n'on, hindi niya magawang ngumiti lalo na nanh paglingon niya ay kita niya kung paano dumaan ang sakit sa mukha ni Alden. Lalo lang siya napaiyak.

Wala na talaga silang pag-asa. Talagang hindi na sila pwede na magsama dahil nakatali na siya sa kapatid nito.

Nainis siya kay Alaric nang hawakan nito ang mukha niya at saka hinarap dito. "Stop looking at another man, Pam. You are my wife and you don't have that right to do that now," madilim ang mukha na giit nito sa kanya.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Kung titingnan ay aakalain ng ibang bisita na masaya siya — pero hindi. Umiiyak siya dahil sa lungkot.

Pangarap naman niya na maikasal at naikasal nga siya, ang kaso nga lang ay sa lalaking hindi naman niya mahal. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pagpapakasal nila gayong wala naman silang pagmamahal sa isa't isa.

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon