7.

3.6K 97 0
                                    

[Pamela]

NAPASINGHAP siya nang marinig pa ang usapan ng mga ito.
"I'm sorry, Lira, pero hindi kita mahal. Tanggapin mo na lang na matagal na tayong tapos—"
"Please, don't do this to me. Almost two years na tayo, tapos tatapusin mo lang nang ganito? Is it because of Pamela? Hiwalay na kayo, Alden! She cheated on you, so move on!"
Almost two years? The fuck!

Pinahid niya ang luha na naglandas sa pisngi at saka sinipa nang malakas ang cubicle kung nasaan ang dalawa.

Galit na lumabas si Alden. "Fuck, what's your problem— P-Pamela?" Hindi makapaniwalang napatingin ito sa kanya, maging si Lira na kalalabas lang ay gano'n din.
"So, you two are fucking behind my back for almost two years?" Galit na galit ang mga mata na nakatingin siya sa babae na akala niya ay kaibigan niya at sa lalaki na minahal niya.
"P-Pamela—"
"Don't touch me, Alden. We're done, remember?" Binalingan niya si Lira. "I thought you're my friend, Lira. Pero nilalandi mo pala noon si Alden. Ang galing mo, hindi ko man lang napansin na inaahas mo na pala ako. Kaya ka rin sigurado umiiyak noon ay dahil ikakasal kami ni Alden at hindi dahil sa masaya ka para sa amin."
Pinahid ni Lira ang luha sa mata at pinanlisikan siya ng mata. "Pwede ba, Pamela, stop acting like a saint. Hindi bagay sayo! Saka umiiyak talaga ako noon dahil I couldn't accept the fact na mas pinili ka niya kaysa sa akin!"
Natigilan siya. Ibang iba ito sa Lira na nakilala niya, ibang iba sa Lira na naging kaibigan niya.
"Yes, it's true that Alden and I are fucking every time we had a chance—"
"Stop it, Lira!" singhal ni Alden dito.
Hindi niya napigilan ang kaniyang luha nang tumulo na 'yon. Hindi siya makapaniwala na nangyayari ito ngayon.
Mas lalo lang nanlisik ang tingin sa kanya ni Lira. "Why, Alden? Don't tell me you still love her pagkatapos ng ginawa niya sayo?" Galit na dinuro siya nito. "You fucking slut—"
"Damn you, Lira! Shut up!" Hindi na napigilan ni Alden ang galit kay Lira. Nakahawak na ito nang mahigpit sa balikat ng dalaga.
Pinahid niya ang luha pero umagos din agad ang panibago. Tanggap na niya na hindi na sila pwede ni Alden. Tanggap na niya na tapos na talaga sila at hanggang do'n na lang sila. Ang hindi niya matanggap ay niloko siya nito noong panahon na sila pa!
"Mabuti na lang pala at hindi natuloy ang kasal natin." Tumingin sa kanya si Alden nang may luha sa mga mata, halata ang pagsisisi sa mga mata nito. "Kasi magpapakasal ako sa tao na niloloko na pala ako."
"Hoy, Pamela! Lumandi ka rin naman, 'di ba? Kaya ka nga nakasal sa kuya ni Alden dahil naglandi ka—"
"Umalis ka na, Lira," galit na putol ni Alden kay Lira.
"Hindi ako aalis dito—"
"Shut up and get lost!" Ilang beses napalunok si Lira nang makita ang galit sa mata ni Alden para sa kanya. Yumuko ang dalaga sa sakit at saka nagmamadali na umalis.
Pinahid niya ang luha at saka bumuga ng hangin. Grabe ang nangyari ngayon. Nakaka-drain ng utak.

Hindi siya nagsalita at aalis na sana pero mabilis na pinigilan siya ni Alden sa braso. "P-Pamela, let's talk."
Inis na tiningnan niya ang kamay nito na nasa braso niya. "I told you not to touch me, right?" Lalo lang siyang nakaramdam ng inis nang isarado nito ang pinto ng restroom at humarang doon.
"Ano ba, Alden? Ano pa ba ang ipaliliwanag mo? Hindi ko na kailangan n'yan dahil tapos na tayo. Ang hindi ko lang naman matanggap ay niloko mo ako nang mga panahon na akala ko, perfect ang lahat sa atin."

Akala niya ay napakaswerte niya dahil mabait, loyal, at mayaman ito. Na isa siya sa mga swerte na babae na nagkaro'n ng mala-fairytale na buhay! Pero letche, hindi pala!
"I'm really sorry, Pamela. P-Pero isipin mo naman ,nagawa ko lang din 'yon dahil... dahil hindi mo maibigay ang gusto ko," nakayuko na sabi nito.
Hindi siya makapaniwala. Akala niya ay ayos lang dito ang lahat! Na kahit na hindi niya maibigay ang gusto nito, maghihintay ito. Pero hindi pala!
Malakas na sinampal niya ito. "Umalis ka r'yan sa pinto, dadaan ako," gigil na wika niya.
Tinabig niya ang kamay ni Alden nang hawakan nito ang kamay niya pero mabilis siya nitong niyakap kaya nabahala siya. Mabilis niya itong itinulak pero malakas ito at malakas na isinandal siya sa pader.

Sasampalin niya sana ito nang hawakan nito ang mukha niya at saka siya siniil ng halik. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. Ngayon lang siya hinalikan nang ganito ni Alden. Marahas!
Napabitiw ito nang malakas niyang sipain ang gitnang bahagi ng hita nito. Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at halos tumakbo palabas. Nakabangga pa niya si Zoren na halata ang pag-aalala sa mukha.
"Pamela?" Ilang beses pa siya nitong tinawag bago siya natauhan. Pinahid nito ang luha sa pisngi niya na hindi niya namalayan na tumutulo pa rin pala.
"Z-Zoren..." Nanginginig ang labi na umiyak siya kaya niyakap siya nito.

Ngayon lang siya natakot kay Alden nang ganito. Hindi niya maipaliwanag pero may kakaiba kay Alden kanina.
Nag-aalala na lumapit sa kanya ang mga kaibigan niya nang makita siya na umiiyak. Hindi na sila nagtanong, alam niya na saka siya uulanin ng tanong ng mga ito kapag kumalma na siya.
"Ihahatid ko na siya—"

Agad na pinutol ni Vera si Zoren. "Thank you, Zoren. Pero kami na ang bahala sa kaibigan namin."
Tumango na lang si Zoren pero ang mata ay may pag-aalala pa rin na nakatingin sa kanya. Matapos magpaalam ng mga kaibigan niya ay umalis na sila.
Habang nasa biyahe ay kinukwento niya sa mga ito ang nalaman niya at ginawa ni Alden sa kanya.
"That's why we don't like her! She's a snake and a bad bitch!" ani Vera na nanggagalaiti habang nagmamaneho.
"Sorry, Pamela. But when you told us na hindi matutuloy ang kasal niyo ni Alden, we're not sad, we're happy because we knew that they are cheating on you."
Luhaan ang mukha na tumingin siya kay Yuri. "Kailan pa?"
"Nakita namin sila na naghahalikan sa isang party mga eight months ago. Hindi namin sinabi sayo kasi baka hindi ka maniwala. Pero nang nalaman namin na ikakasal ka na, gumawa kami ng video na naglalaman ng mga nakalap namin na ebidensya tungkol sa pagtataksil nila para sirain ang kasal mo, wala na kaming pakialam kahit magalit ka pa," mahabang pahayag ni Yuri.
"'Di ba, ang kapal ng mukha ng Lira na 'yon? Naku, kung alam mo lang! Gustong-gusto ko na siyang kalbuhin! Naalala mo no'ng engagement party mo, 'di ba, siya ang nagbigay nang nagbigay ng alak sayo? Hindi kaya sinadya niya 'yon?"

Napaisip siya sa sinabi ni Nikka. Tama ito. Maaari na sinadya nga ni Lira iyon. Pero ano pa ba ang mababago? Wala na!
"Kaya tama lang na hindi ka naikasal d'yan kay Alden. Iyon nga lang, sa kapatid ka niya naikasal," natatawa na sabi pa ni Yuri.
Sinamaan niya ito ng tingin kaya nag-peace sign ito gamit ang kamay.
"Bye, Pamela! Para mawala ang sakit ng dibdib mo ngayon, makipag-sex ka sa asawa mo!"
"Pakyu!" Nag-dirty finger siya kay Vera na ikinatawa lang ng mga ito.
Pagkapasok niya sa kwarto nila ni Alaric ay umupo siya sa gilid ng kama. Inilabas niya ang phone at ini-on iyon.
Sunod-sunod ang messages na dumating sa phone niya, at lahat 'yon ay galing kay Alaric. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang huling message nito.
'Make sure that you're at home, Pamela. Disobey me and you will get my punishment.'
Tinatakot ba siya nito?!

Sa inis niya ay hinagis niya ang cellphone sa kama. Wala siyang pakialam sa pananakot nito. Bakit siya matatakot? Mag-asawa lang naman sila sa papel kaya wala siyang dapat na ikatakot dito.
Humiga siya at pumikit. Bukas ay ayos na siya. Hindi na niya iisipin pa ang ginawa ng dalawang 'yon sa kanya. Ang mahalaga ay hindi siya naikasal sa manloloko na Alden na iyon.
Ang kaso nga lang ay naikasal naman siya sa iba. At sa kapatid pa nito!

'Di bale, akausapin niya na lang si Alaric na ipawalang bisa ang kasal nila. Sisiw lang 'yon dito dahil bukod sa mayaman ito ay malakas ang impluwensya nito sa lahat.
Napangiti siya sa naisip na magiging malaya rin siya balang araw. Kaunting tiis na lang. Kailangan lang niya na makausap si Alaric. Sigurado naman siya na papayag ito sa sasabihin niya dahil pareho lang naman silang nakulong sa kasal na hindi nila gusto.
Pumasok siya sa bathroom at saka mabilis na naligo. Pagkatapos maligo ay humiga na siya sa kama at natulog.

NAPANGITI siya nang mabasa ang message ni Yuri sa kanya. Inaya na naman sila ni Vera na magpunta sa isang pool party.
Hindi talaga ito nauubusan ng party na pinupuntahan. Hindi rin ito mabubuhay nang hindi nakakapag-party.
Hindi na nakapagtataka't tinatawag ito ng lahat na Queen of Party.
Dahil hindi naman nagsabi si Alaric na uuwi ay sasama siya sa mga ito.
"Wait, ano naman kung uuwi siya?" Hindi naman porke uuwi ito ay hindi na siya pwedeng umalis.

She has her own life! Siya lang ang pwedeng magdesisyon kung ano ang gagawin niya! Wala rin naman siyang pakialam sa kahit na anong gawin ni Alaric kaya dapat ay gano'n din ito. Walang pakialamanan!
Matapos mag-ayos ng mga dadalhin ay nakangiti na lumabas siya ng kwarto. Nawala ang ngiti niya nang paglabas niya ay nakasalubong niya si Alaric na seryoso ang kulay berdeng mga mata habang nakatingin sa kanya. Bumaba ang mata nito sa bag na dala niya kung saan nakalagay ang susuotin niya.
"Dumating ka na pala. W-Welcome back," nag-aalangan na sabi niya. "Sige, aalis na ako—" Lalagpasan na sana niya ito sa pag-aakala na hindi siya nito pipigilan.
"Where are you going?" seryoso ang mukha na tanong nito sa kanya.
"May pupuntahan lang kami ng mga kaibigan ko."

"Hindi ka aalis, Pam." Tinalikuran siya nito at pumasok sa kwarto nila, dala ang bag na hawak niya kanina lang!
Inis na sumunod siya rito. "At bakit naman hindi ako pwedeng umalis, Alaric?"
Nilingon siya nito habang inaalis ang suot na necktie. "Dahil sinabi ko."
"Alaric, naman! Naghihintay na ang mga kaibigan ko!"

"Tell them we're having sex that's why you can't go."

Napanganga siya sa sinabi nito. "Ano? Ayoko nga!" Siraulo ba 'to? Kung ano-ano naman ang pumapasok sa utak nito. Parang tanga lang!
"Why? Gusto mo bang totohanin natin para hindi ka talaga makaalis?"
Napalunok siya nang makita na nakahubad na ang long sleeves na suot nito. Kita niya ang matipuno na pangangatawan nito. Pati ang abs! Grabe, ang perfect pala ng katawan nito!
Magulo ang itim na buhok nito. Maganda ang kulay ng mga mata na namana raw nito sa ina na isang banyaga. Matangos din ang ilong nito at manipis ang labi. Hindi man mapula ang labi ay nagmukha lang itong lalo na lalaki sa paningin niya.
Iniwas niya ang tingin dahil tumulo na ang laway niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit tila gusto niya na mahawakan ang katawan nito?
Natigilan siya nang maalala ang sinabi ng mga kaibigan niya. Bakit nga ba hindi niya subukan na bigyan ng chance ang pagsasama nila? Bakit hindi niya subukan na kausapin ito? Pero paano kung hindi ito pumayag?
Bumuga siya ng hangin. Mas mabuti siguro na sanayin niya ang sarili na may asawa. Hindi naman kasi talaga maganda na gumagawa siya ng mga bagay na alam niya na hindi magandang halimbawa sa katulad niya na may asawa na. Saka wala naman sigurong masama na mapalapit sa binata. Asawa naman niya ito at kasal sila.
Palihim siyang sumulyap kay Alaric. Agad rin siyang nag-iwas ng tingin at kagat ang labi na napapikit. Grabe, ang hot!
Bakit ngayon lang niya napansin na ito ang pinakagwapo na nakita niya sa tanang buhay niya? Hindi lang siguro niya napansin noon dahil masungit ito at malamig sa kanya. Pero ngayon na magkasama na sila sa iisang bahay, hindi niya maipagkakaila na tila isa itong perpektong nilalang.
Pwede kayang hawakan ang abs nito? Gusto kasi niyang malaman kung gaano katigas.

Lumunok siya nang muli siyang sumulyap dito ay nakita ang paggalawan ng muscles nito sa braso. Nang tumingin siya sa mukha nito ay sumikdo ang dibdib niya. Nakatingin kasi sa kanya ang mga berde nitong mata sa hindi maipaliwang na dahilan pero nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa katawan niya! Kung dati pakiramdam niya'y binabastos siya nito, ngayon ay parang handa na siyang gawin ulit nito sa kanya ang bagay na 'yon!
Shocks! Bakit ganito ang nararamdaman niya ngayon?!

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon