6.

4.5K 123 0
                                        

[Pamela]

MAHINA niyang iniuntog ang ulo sa mesa. Wala siyang masyadong m maalala sa nangyari kagabi pero bakit gano'n? Parang may natatandaan siya na halikan sa pagitan nila ni Alaric?
"Nababaliw na yata ako!" Dapat pala ay hindi siya nagpakalunod sa alak. Paano kung may ginawa pala ito sa kanya? O baka naman siya ang may ginawa rito?
Napaupo siya nang tuwid nang umupo si Alaric. Iniiwas niya ang tingin dito nang makita na tumingin ito sa kanya.
"Sa susunod, 'wag kang iinom kung hindi mo naman kaya. You even threw up on me while we were kissing."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Nagbukas-sara pa ang bibig niya habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Alaric na seryoso ang mukha habang kumakain.
"N-Naghahalikan?" Imposible! Bakit naman siya makikipaghalikan dito? Oo nga at wala siyang maalala pero imposible talaga! Bukod sa hindi niya ito gusto ay hindi niya gagawin iyon dahil hindi niya kailanman ma-imagine na makipaghalikan sa lalaking ito. Kahit sabihin pa na asawa niya ito.
Alaric's green eyes seriously looked at her. She gulped and avoided his stare. Shocks! Bakit ganito ang tibok ng puso niya? Bumilis bigla!
"I love the taste of your lips, Pam. It's addicting," Alaric muttered in his bedroom voice.
Napatayo siya sa sinabi nito. So, it's true?! Naghalikan talaga sila?!

Hindi niya magawang tumingin dito dahil sa hiya! Alam niya na namumula nang husto ang mukha niya dahil sa ginawa nila. Paano nangyari na humantong sila sa halikan? Bwisit!
Tumingin siya rito. Nakahinga siya nang maluwag nang makita na hindi na ito nakatingin sa kanya.
"L-Lasing pala ako kagabi. Wala kasi akong maalala. Kalimutan na lang natin ang nangyari kagabi. Halik lang naman 'yon."

Simula siguro ngayon ay kailangan na niyang tigilan ang pag-inom. Baka mamaya, hindi na lang sa halikan mauwi ang mangyayari sa kanila.

Hindi na nagsalita si Alaric at tumango na lang sa kanya. Hindi na talaga siya iinom ng alak mula ngayon!

"BAKIT kasi hindi mo na lang tanggapin na mag-asawa na kayo?"
Hindi siya sumagot kay Yuri. Nakatingin lang siya sa mainit na kape na nasa kaniyang harapan. Narito sila ngayon sa isang coffee shop malapit sa kanilang unibersidad.
"Oo nga, Pamela. Wala ka na rin namang magagawa. Kasal ka na sa kanya kaya bakit hindi mo bigyan ng chance ang pagsasama niyo? Saka malay mo naman, magustuhan mo rin siya—"
"Hindi ko siya magugustuhan, Nikka. Alam niyo naman ang trato niya sa akin noon pa man, 'di ba? Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako tinulungan na hindi matuloy ang kasal. May galit ba siya sa akin? O baka sinadya niya kasi hindi niya talaga ako gusto para kay Alden noon."

She knew Alaric dislikes her, kaya kapag kinakausap niya ito noon ay halos hindi ito sumasagot. Hindi rin nakakatakas sa mga mata niya ang masamang tingin nito sa kanya.
"Subukan mo lang naman, 'di ba? Malay mo, magustuhan mo siya," giit pa ni Yuri.
"Paano nga kung totoo na magustuhan ko siya, what about him? Will he like me, too? It's unfair to make an effort kung ako lang ang mahuhulog, 'di ba?" Saka parang malabo yata na magustuhan niya ito.
Kaya pala nakipaghalikan ka sa kanya.
Napangiwi siya sa sinabi ng utak niya. Hindi talaga siya makapaniwala na nagawa niya 'yon. Pero lasing siya. Tama, dala lang talaga 'yon ng kalasingan.
May nakaloloko na ngisi si Vera na umakbay sa kanya. "Nag-sex na ba kayo?"

Agad na tumingin siya sa kaibigan at namumula na umiling. "Ano ba 'yan, Vera? Syempre hindi!" agad na sabi niya.
Sinundot nito ang pisngi niya. "Namumula ka, muntik na ba?" panunukso pa ni Vera kaya lalo siyang namula.
"Hindi nga? Muntik na? Kailan?" Si Yuri.
"Nadiligan ka na? Anong feeling?" habol pa ni Nikka.
Sinamaan niya ng tingin ang tatlo. Kahit kailan talaga ay ang lakas ng mga ito mang-asar sa kanya.
"Alam niyo, mga tsismosa kayo. Bakit atat kayong malaman kung nadiligan na ako? Bakit hindi kaya kayo ang magpadilig na lang? Hindi yung puro kayo tanong, bwisit kayong tatlo," naiirap na sabi niya sa mga ito.
"Walang pumapasa sa akin, Pamela. Gusto ko kasi 'yong malaki at kaya akong dalhin sa langit nang paulit-ulit. At syempre gusto ko 'yong gwapo!" malanding sabi ni Vera.
Napailing na lang siya. Kung hindi niya ito kilala ay iisipin niya na marami na itong nakaranasan. Pero wala pa itong siniseryoso na lalaki.
"Ako, naghihintay lang na diligan ni Virvin," nangangarap na sabi ni Yuri.
"'Wag ka nang umasa, Yuri. Mabubulok na lang 'yang pokilya mo, hindi ka pa rin mapapansin n'on," basag ni Nikka kay Yuri. Ito kasi ang lalaki na gusto ni Yuri, bata pa lang ito.
"May chance ako, Nikka. Ikaw ang 'wag umasa na papansinin ng idol mo. Suntok sa buwan na mapansin ka n'on," ganti ni Yuri saka malakas na tumawa.
"Kung dati, wala akong chance, ngayon ay mayro'n na, 'di ba, Pamela?" Nakangisi na tumingin si Nikka sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mapakunot ang noo habang nakatingin dito.
"Nakita ko si Miguel no'ng kasal mo, Pamela. Sigurado akong kilala siya ng asawa mo." Lumipat ng upuan si Nikka sa tabi niya at nagniningning ang mata na tumingin sa kanya. "Ipakilala mo naman ako, please!"
Napangiwi siya nang halos lumuhod na ito sa harap niya na parang nababaliw. Ngayon lang niya naalala, kaya pala pamilyar sa kanya ang iba sa kaibigan ni Alaric ay dahil mga sikat na tao rin ang mga ito. Nakita niya no'n si Miguel no'ng oras lang mismo ng kasal nila, hindi naman niya akalain na kaibigan pala ng asawa niya ang isa sa sikat na artista sa Pilipinas — ang artista na kinababaliwan ni Nikka.
Wala siyang nagawa kun'di ang tumango na lang. Sigurado kasi siya na hindi siya titigilan ni Nikka hangga't hindi siya umu-oo rito.
"Ano na naman ba ang ginagawa ng lalaking 'yon dito?" Nakasimangot na ngayon si Yuri habang nakatingin sa malayo. Sinundan nila ng tingin ang tinitingnan nito. Si Red. Ang isa sa mga kaibigan ni Alaric.
"Guys, 'pag nagtanong, 'wag niyo akong ituturo, ha!" Nagmamadali tumakbo si Yuri palayo sa kanila.
Nagkatinginan na lang silang magkaibigan at may pagtataka na sinundan ng tingin si Yuri.
"Ano, sama kayo mamaya? May party sa bahay ni Zoren, magwalwal tayo!"
Agad na umiling siya sa pag-aya ni Vera. Hindi maipagkakaila na kanilang magkakaibigan, ito mayaman. Sila kasi nina Yuri at Nikka ay galing sa hirap, nakapasok lang naman sila sa unibersidad na ito dahil sa scholarship. Si Vera din ang pinakamahilig sa mga party sa kanila. Kahit nga kaninong party ay pinupuntahan nito.
"Pass ako," sagot ni Nikka.
"Ako rin, PASS!" mabilis niyang sagot kahit gusto niyang sumama. Mahirap na, baka mamaya ay may mangyari na higit pa sa halikan sa pagitan nila ni Alaric. Hindi 'yon pwedeng mangyari.
"Sumama na kayo, dali! 'Wag niyo naman ako hayaang mag-isa na pumunta ro'n. Samahan niyo na ako, please?" may pagmamakaawa sa boses na sabi pa ni Vera.
"Tigilan mo nga kami, Vera. Kahit wala ka namang kasama, sigurado na pupunta ka pa rin do'n. Ang Queen of Party na si Vera, mawawala? Impossible!" Nagkatawanan pa sila ni Nikka at nag-high five pa kaya napasimangot si Vera.
"Last na 'to, promise! Hindi na ako magpapasama sa susunod kapag ayaw niyo!" pamimilit pa nito. Nakangisi na inilingan nila ito.

"Sagot ko Starbucks natin for one month," desperada na suhol sa kanila ni Vera. Umiling sila ni Nikka. "Oo na, sige na. Sagot ko na for two months," napipilitan na nitong sabi na ikinangiti nilang dalawa ni Nikka.
"Narinig ko 'yon! Sama ako!" humihingal na sabi ni Yuri na parang galing sa pagtakbo.
"Peste kayong tatlo!" nasabi na lang ni Vera na ikinatawa nila.

"WALA po si Sir, Ma'am Pamela. Baka hindi po makakauwi ngayong gabi," pagpapaalam sa kanya ni Manang, ang pinagkakatiwalaan na kasambahay sa mansyon ni Alaric.
Napangisi siya. Swerte niya naman, hindi niya kailangang magpaalam kay Alaric dahil wala pala ito, saka baka hindi rin naman siya payagan.
Tumingin siya sa cellphone niya nang mag-ring 'yon. Kumunot ang noo niya nang makita na unregistered number ang tumatawag.
"Hello?" bungad niya.
"Pamela, I'm not going home today. Stay in the house at 'wag na 'wag kang lalabas para magpunta ng mga bar," utos ng boses sa kabilang linya.
Paano nito nalaman ang number niya? Saka bakit ba binabawalan siya nito? Napairap na lang siya sa kawalan at hindi na sumagot.
"Are you listening to me?" Kahit hindi niya kita ang mukha ni Alaric ngayon ay sigurado siyang nakakunot ang noo nito habang kausap siya ngayon.
"Oo na, sige na," sagot na lang niya para matapos na ang usapan nila. Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito, pinutol na niya ang usapan nilang dalawa.
"YES!" Napatalon siya sa tuwa. Hindi niya kailangan na mag-alala dahil wala naman pala buong gabi rito si Alaric.
Magpapakasaya siya ngayong gabi!

NAGSUOT lang siya ng tube dress na kulay itim kaya lalong lumitaw ang kaputian niya. Nilugay rin niya ang maalon niyang blonde na buhok na dati'y itim at pinakulay lang niya sa salon. Naglagay siya ng pulang lipstick at nagwisik ng pabango na binili sa kanya ni Alaric nang umuwi ito no'ng nakaraang linggo.
"Woah, Pamela! Tatalbugan mo pa ako!" biro ni Vera habang may paghanga sa mga mata nang makita ang ayos niya. "Who says flat can't slay?"

Narito sila ngayon sa bahay ni Vera, nagpasya sila na sabay nang pupunta ng party ngayong gabi.
"Kaya palagi kang sinusundo ng asawa mo. Hot ka raw kasi!" humahagikgik pa na sabi ni Nikka.
"Binabakuran ka na pala, Pamela, e," tukso ni Yuri sa kanya.
Hindi niya pinansin ang mga tukso na pinagsasabi ng mga kaibigan niya, alam niya na kaya lang siya sinusundo ni Alaric ay dahil hindi nito gusto na magkalat siya. Kilala itong tao kaya hindi maganda na may asawa ito na kung saan-saan pumupunta para makipag-inuman.
Wala siyang pakialam kung hindi man maging maganda ang tingin ng ibang tao sa kanya. Hindi niya naman gusto na makasal kay Alaric at alam nito 'yon.
Pagkarating sa malaking bahay ni Zoren ay hindi rin niya maiwasan ang hindi mamangha. Malaki rin kasi 'yon. Sabagay, mayaman nga rin pala ito kaya hindi na nakapagtataka 'yon.
Nakangiti na sinalubong sila ni Zoren.

"Happy birthday, Doctor Zoren!" nakangiti na bati niya rito. Inabot niya ang regalo niya na silver bracelet sa binata. Binati rin ito ng mga kaibigan niya at agad na iniwan siya nang makakita ng mga gwapo. Ganito naman palagi.
"Thank you, Pamela. Akala ko, hindi ka makararating ngayon lalo na't may asawa ka na pala," may lungkot sa boses na wika ni Zoren sa kanya.
Napangiwi siya nang mabanggit nito ang salitang asawa. Tumakas lang naman siya sa mansyon ni Alaric. Pinatay niya rin ang cellphone niya para hindi siya nito matawagan. Saka inaalis din niya ang wedding ring nila kapag aalis siya ng bahay. Sinusuot niya lang ito pagkauwi niya sa mansyon.
Para sa kanya kasi ay wala pa siyang asawa. Alam niya na gano'n din si Alaric. Pareho lang naman silang napilitan sa kasal nila.
Nagulat siya nang ipulupot ni Zoren ang braso sa maliit niyang baiwang. Hindi siya agad nakagalaw at tumingin dito nang may pagkailang sa mukha.
"Come on, ipakikilala kita sa mga pinsan at kapatid ko." Niyakag siya ni Zoren at hindi na nakapagsalita.
Kumurap siya nang ilang beses nang makita ang Ate Kyle niya sa isang sulok habang masama ang tingin sa kanya. Anong ginagawa rito ng kapatid niya? Tiyak na sisirain lang nito ang araw niya.
"Hello po, I'm Pamela," pakilala niya sa sigurado siya na kapatid ni Zoren, magkamukha kasi ang mga ito . Binati rin niya ang mga pinsan ng binata. Katulad ni Zoren ay mga gwapo ito at halata na galing sa mayaman na pamilya. Halos lahat pala sa pamilya nito ay mga doctor.
Matapos ipakilala ay hindi na siya binitiwan ni Zoren kaya naman naiilang na siya. "Zoren, pupunta lang ako ng restroom," paalam niya rito. Pinigilan niya ang mapangiwi nang sasamahan pa sana siya nito. "Hindi mo na ako kailangang samahan, Zoren. Babalik naman ako," sabi na lang niya kahit wala na siyang balak bumalik.

Kanina pa niya gustong iwan ito, nahihiya lang siya. Mabait naman kasi ito at saka birthday nito ngayon.
Nagmamadali siya na pumasok ng restroom. Tumingin siya sa salamin at saka mahina na Bumuntong-hininga. Akala niya talaga ay hindi na siya makatatamas kay Zoren. Nagsimula na tuloy siyang makaramdam ng pagkailang sa binata. Hindi naman kasi gano'n si Zoren noong panahon na sila pa ni Alden.
Imposible naman na may gusto ito sa kanya.
"No, Alden, hindi ako papayag. Lalo na ngayon na hindi naman natuloy ang kasal niyo!"
Natigil siya sa paghuhugas ng kamay nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon at ang pangalan na binanggit nito.

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon