9.

3.2K 83 0
                                    

WALA ang asawa niya. Nagpaalam ito na aalis para puntahan ang isa sa malapit nitong kaibigan. Gusto man siya nitong isama ay hindi maaari dahil baka magwala raw ang kaibigan nito.
Naalala niya pa ang kaibigan na tinutukoy nito. Ito ang lalaki na nakatatakot ang awra noong kasal nila. Kapansin-pansin kasi ang pilat sa mukha nito at ang nakatatakot na tingin nito sa lahat. Naaalala niya na agad rin itong umalis no'ng kasal nila kasama ang isang magandang babae.
"Ma'am, para mawala ang lansa, kailangan hong lagyan iyan ng luya." Lumapit si Manang sa kanya at nilagyan ng luya ang niluluto niyang tinola.
"Oo nga po pala, nakalimutan ko."

Habang binabalatan ang gulay na sayote ay hindi niya maiwasan na ngumiti 'pag naaalala si Alaric.
Nagluluto siya ngayon dahil gusto niyang mas matuto pa. Marunong lang kasi siyang magluto pero hindi naman masarap, kaya nga palaging nagrereklamo ang Ate Kyle niya tuwing siya ang nakatoka na magluto sa bahay nila.
Hindi niya maiwasan ang malungkot nang maalala ang mga magulang at kapatid. Ilang beses na siyang nag-message sa mga ito pero hindi man lang siya nire-reply-an. Kahit 'pag tumatawag siya sa mga ito ay hindi siya sinasagot. Hindi man lang siya naalala na kumustahin. Mas gusto talaga ng mga ito na wala siya sa bahay nila.

Napangiwi siya nang mahiwa ang daliri niya ng kutsilyo.
"Naku, Ma'am, nasugatan ka. Baka pagalitan ako n'yan ni Sir!" tarantang ani ng matanda at agad na kumuha ng bulak at betadine para linisin ang sugat niya.
"Manang, maliit lang na sugat ito, okay? Hindi niyo kailangan na mataranta," natatawa pang sabi niya pero agad ring napangiwi dahil sa humapdi iyon.
Pumunta siya sa gripo at binuksan iyon. Hinayaan niya na dumaan ang tubig sa daliri niya na may sugat.

May pag-aalala sa mukha ni Manang nang lumapit ito sa kanya. "Ma'am, ako na ho ang magluluto—"
"No, Manang!" Agad na putol niya sa sasabihin nito. "Ako na po ang bahala rito. Basta sabihin niyo na lang sa akin kung may mali sa pagluluto ko para po matuto ako."
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Gagawin niya ito para sa asawa niya. Ang sabi ng iba, kung gusto mo na mahalin ka lalo ng asawa mo ay kailangan na masarap kang magluto.
Nawala ang pag-aalala sa mukha ng matanda at napalitan iyon ng nanunuksong ngiti sa labi. "Ang sweet mo naman, Ma'am. Sigurado ako na lalo kang mamahalin ni Sir dahil sa pagiging pursigido mo sa pagluluto para sa kanya."
Nahihiya na nagyuko siya ng ulo dahil sa sinabi nito. Sana nga ay totoo na mahal siya ni Alaric. Ramdam niya na may atraksyon sila sa isa't isa at nagugustuhan na niya ito, pero hindi naman siya sigurado kung pareho sila ng nararamdaman.
What if he only feels lust for her?
Marahan niyang ipinilig ang ulo. Hindi dapat siya mag-isip ng negative sa ngayon. Wala namang mangyayari kung pupunuin niya ng mga negatibong senaryo ang utak niya.
"Kaya mo 'yan, Pamela! Sarapan mo magluto nang matikman mo na si Alaric— este nang matikman ng asawa mo ang luto mo!"

Namula siya nang marinig ang mahina na pagtawa ni Manang sa kanyang tabi. Shocks! Nakalimutan niya na hindi lang pala siya ang tao rito sa kusina!

HINDI maalis ang ngiti niya sa labi habang hinihintay si Alaric. Aaminin niya na na-miss niya ito sa dalawang araw na hindi niya ito nakita. Nagluto siya ng kalderetang baka at nilagang baka para sa asawa.

Tumingin siya sa kamay na puro sugat. Hindi na bago sa kanya ang ganito, kaya nga lagi siyang sinasabihan ng mama niya na ubod siya ng tanga. Palagi kasi siyang nasusugatan.

Muntik na siyang mapatili nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Nanuot sa ilong niya ang mabango at pamilyar na amoy. Nakangiti na humarap siya kay Alaric.

"Dumating ka na pala." Gustong-gusto niyang yakapin ito nang mahigpit pero nagpipigil siya.
'Wag pahalata na sobra mo siyang na-miss, Pamela!
Napangiti siya nang malambing na yumakap ulit sa kanya si Alaric. Yumuko pa ito para ipatong ang ulo sa balikat niya. "I missed you, Pam," he mumbled in his baritone voice.
Nakaramdam siya ng tuwa dahil sa sinabi nito. Itinaas niya ang kamay at yumakap din sa asawa niya.

Asawa niya? Bakit parang ang sarap sa pakiramdam na tawagin ito na asawa niya?

Tumayo nang tuwid si Alaric at seryoso ang kulay berde nitong mga mata na tumingin sa kanya. "Did you miss me, Pam?"

Lumunok siya. Paano kung sabihin niya na oo? Masyado naman yatang mabilis. Paano naman kung sabihin niya na hindi? Baka mamaya ay isipin nito na wala siyang pakialam.
"Pam—"
"Nagluto ako. Halika, tikman mo dali!" Hindi niya na lang ito sinagot. Hinila niya ito sa kamay at saka pinaupo.
"You cooked all of this?" may pagkamangha sa mukha na tanong nito sa kanya.

Nakangiti na tumango siya at tumikhim bago nagsalita. "S-Syempre, may asawa na ako ngayon kaya dapat marunong ako magluto para... mapagsilbihan ka," nakaiwas ang tingin na sabi niya. Shocks! Kinakabahan siya!

Napalitan ng gulat ang kaba niya nang tumayo ito at mabilis na niyakap siya. Hindi niya magawa na magsalita habang yakap siya nito.

Pumikit siya at gumanti ng yakap dito. Binaon niya ang mukha sa dibdib nito kaya langhap na langhap niya ang mabangong amoy nito.

Grabe ang lakas ng tibok ng puso niya. Nawala ang sakit ng sugat sa kamay niya. Ngayon, sigurado na siya sa isang bagay. Nagugustuhan na niya ang asawa niya!

"YOU mean, you're starting to like him?" Halata ang excitement sa boses ni Nikka. Lumipat pa talaga sa tabi niya ang kaibigan, parang tsismosa lang.
"I think, I already like him," pagtatama niya. "Hindi ko alam kung kailan nagsimula, but I have this feeling na m-malakas ang tama ko sa kanya."

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. She wished Alaric would feel the same.
"Look at her face, guys. She looks flushed!" Hindi makapaniwala ang mukha ni Vera habang nakaturo sa kanya. "I have never seen you with that face when you and Alden were in a relationship back then, Pamela."
Agad na tumango sina Nikka at Yuri bilang pagsang-ayon kay Vera.
Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Totoo ang sinabi ni Vera. Sinagot niya si Alden noon dahil mabait ito at sweet, but she never felt this way before. Shocks! Ibig sabihin ay malakas talaga ang tama niya kay Alaric!
Napangiti siya nang maalala ang halikan nilang dalawa. She felt that Alaric's lips were still attached to hers. Hinawakan niya ang sariling labi. Hindi niya akalain na kikiligin siya nang ganito sa buong buhay niya. Palagi niyang sinasabi sa sarili noon na hindi kailangan ng kilig or spark sa dalawang tao, kailangan lang na nagkakaintindihan kayo at nagkakasundo.
But all of that changed now. The spark between them made her realize that she needs to feel it in her life! Masarap pala ang totoong kiligin kaysa ang magkasundo at magkaintindihan lang kayo.
Sumilay ang ngiti sa labi niya nang maalala ang mukha ni Alaric. Bumilis ang tibok ng puso niya kaya napahawak siya sa tapat ng dibdib.
Hindi siya makapaniwala na darating ang araw na magugustuhan niya si Alaric. Wala naman kasi itong ginawa kun'di ang tingnan siya nang masama noon. Kaya nga halos hindi niya ito matignan dahil nakatatakot ito para sa kanya. Pero ngayon ay asawa na niya ito! Hindi niya maiwasang makaramdam muli ng tuwa sa dibdib.

Marami silang pinagkwentuhang magkakaibigan. Naikwento rin niya kay Nikka ang tungkol sa idol nito na artista na si Miguel kaya halos tumalon ito sa tuwa. Hindi na rin siya niyaya ng mga ito na sumama sa mga party.

HABANG NAGLULUTO ay tumunog ang cellphone niya. Agad na kinuha niya iyon at kunot ang noo na binasa ang text message ng isang unknown number sa kanya.
'Someday, you'll be mine.'
Wrong number yata.

Agad na binulsa niya ang cellphone at nagpatuloy sa pagluluto. Pagkatapos magluto ay tinikman niya ito. Napangiti siya dahil masarap ang pagkatimpla niya.

Tiningnan niya ang kamay na mayro'n na namang mga bagong sugat. Hindi niya ininda ang hapdi ng mga 'yon. Basta para sa asawa niya ay ayos lang sa kanya kahit magkasugat-sugat pa ang mga kamay niya.
Muling tumunog ang cellphone niya. Lalong lumaki ang ngiti sa labi niya nang makita na si Alaric ang tumatawag.

Inalis niya ang ngiti sa labi at seryoso ang mukha na sinagot ang tawag nito.

"Miss me?" agad na bungad ni Alaric sa kanya.
She pressed her lips together to stop a grin from appearing on her face. Shocks! Kahit ang boses nito sa cellphone ay malalim at lalaking-lalaki.
"Ikaw kaya ang tumawag. Miss mo na ba ako?" may panunudyo sa boses na sagot niya.
"Yeah. I miss you, Pam. That's why I couldn't stop myself from calling you even if I'm driving right now." Tuluyan na siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Miss daw siya! Hindi tuloy niya maiwasan na kiligin.
"Teka, hindi ka dapat gumagamit ng cellphone kapag nagda-drive, Alaric! That's not a good habit!" aniya na napalitan ng pag-aalala ang boses.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Ang sarap pakinggan na nag-aalala ka para sa akin, Pam. Pinapakilig mo ako."
Namula siya. "A-Anong pinapakilig? Assuming ka naman masyado, Alaric!" Nilapatan niya ng inis ang boses para pagtakpan ang kilig. Shocks! Ang lakas ng tibok ng puso niya!

Rinig niya ang malakas na pagtawa nito sa kabilang linya. Tila nanuot ang boses nito sa sistema niya, dahilan para matulala siya saglit.
Hindi siya makapaniwala na tumatawa na ito ngayon habang kausap niya. Malayong-malayo sa Alaric na palaging madilim ang mukha at masama ang tingin palagi sa kanya. Ngayon, tumatawa na ito at inaasar pa siya.

Humawak siya sa labi niya nang maalala na nahalikan na rin siya nito.
"Pam? Are you still there?"

Tumango siya kahit na hindi niya ito kaharap. "O-Oo... Sige, hintayin na lang kita. Bye!" mabilis niyang tugon saka agad na pinatay ang tawag.

Nagmamadali siyang umakyat sa kwarto nila. Sinigurado niya na maayos ang buhok niya at maganda siya. Naglagay siya ng manipis na lipstick at nagsuklay ng buhok.
Pinaypayan niya ang mukha gamit ang kamay. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa magkahalong kaba at kilig. Para silang nasa ligawan stage kahit na mag-asawa na sila. Sabagay, hindi naman kasi talaga nila gusto na maikasal sa isa't isa.
Huminga siya nang malalim bago bumaba. Natigil siya sa taas ng hagdan nang makita na nakatayo si Alaric sa ibaba na tila ba hinihintay siya. His intense green eyes gazed at her, prompting her to purse her lips in an effort to maintain her composure under his scrutinizing stare. She walked slowly toward him, steadfastly maintaining eye contact. Shocks! Hindi na pala siya humihinga dahil sa kaba!

Nang tuluyan na siyang makababa ay agad na hinapit nito ang baiwang niya. Yumuko ito at bumulong sa tainga niya. "You look nervous, Pam. Is it because of me?" seryosong tanong sa kanya ni Alaric.
Namula siya at mahina itong tinulak palayo sa kanya. "B-Bakit naman ako kakabahan? S-Saka paano mo nasabi na dahil sayo? Asa ka naman masyado, Alaric—"

Natigil siya sa pagsasalita nang amuyin nito ang leeg niya. Mas lalo tuloy nagwala ang dibdib niya dahil sa ginawa nito. Shocks! Ikaw ba naman ang amuyin ng lalaki na gustong-gusto mo? Papalag ka pa ba?
Pumulupot ang dalawang braso nito sa baiwang niya at binaon na ang mukha sa leeg niya. Ramdam niya ang mabigat na paghinga nito. Wala nang salita na namutawi sa labi niya at nanatiling tahimik na lang.

Hindi niya alam kung naririnig ba nito ang malakas na tibok ng puso niya, but who cares? Mukhang hindi lang pagkagusto ang nararamdaman niya para sa asawa niya.

Malakas na naitulak niya ito dahil sa pumasok sa isip niya. Shocks! Hindi lang gusto kun'di mahal na yata niya si Alaric!

Napaawang ang labi niya sa naisip. Posible ba na mahalin ang isang tao nang gano'n kabilis?

Tumingin siya sa lalaki na nasa harap niya. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya nang magkatitigan silang dalawa.
"Alaric... g-gusto mo ba ak— Gusto mo ba bang kumain?" kalauna'y pag-iiba niya ng tanong.

Shocks! Hindi niya kaya na tanungin ito kung gusto ba siya nito!

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon