2.

7.8K 183 1
                                    

WARNING SPG‼️🚩🔥 Please po, skip nalang ninyo kung hindi kayo nagbabasa ng malaswang eksena.
RED FLAG ang aking mga BIDA sa TRAPPED SERIES kaya kung hindi ninyo tipo ang ganitong klase ng bida, SKIP ninyo at wag nang basahin ang stories ko💥

*****

MASAKIT ang ulo niya. Parang binabasag 'yon at pinupukpok sa sakit. Nakaririnig siya ng halu-halong ingay, mga boses at mga pagsinghap ng kung sino.

"Ano ang ibig sabihin nito, Pamela?!" Naitakip niya ang kamay sa tainga dahil parang mababasag ang eardrum niya sa lakas ng boses ng mama niya. Wala naman siyang natandaan na ginawa niya, o baka naman may sinumbong na naman ang Ate Kyle niya kaya nakasigaw na naman ito sa kanya.

"Ang landi mo talaga!" Boses iyon ng Ate Kyle niya. "See? I told you that my sister is a slut!"

Tuluyan na siyang nagmulat ng mata. Una niyang nakita ang nobyo niya na nakatingin sa kanya. May sakit sa mata na nakatingin ito sa kanya.

Nang ilipat niya ang tingin ay halata na galit din ang mommy at daddy ng nobyo niya sa kanya, maging ang mama at papa niya ay parang gusto na siyang saktan sa sama ng mga tingin nito. Ang Ate Kyle niya rin ay umuusok ang ilong habang nakatingin sa kanya.
"Nakakahiya ka, Pamela! Isa kang kahihiyan!" sabi pa ng papa niya.

Nakita niya kung paano umalis si Alden na halata na masama ang loob. Teka, kanino? Sa kanya ba? Wala naman siyang ginagawa kaya bakit magagalit ito?
Tatayo na sana siya para habulin ito pero may braso na pumigil sa kanya.
"Get dressed first."

Nanlaki ang mga mata niya nang makita na hindi siya nag-iisa sa kama! Katabi niya ang kuya ni Alden na si Alaric!
"A-anong nangyari? Prank ba 'to?" namumutla ang mukha na tanong niya, umaasa na may sasagot ng oo sa kanya.

Pero isang malakas na sampal ang tumama sa mukha niya. Sinampal siya ng Ate Kyle niya!

Akmang sasampalin uli siya nito nang mabilis na umupo si Alaric at pinigilan ang kamay ng Ate Kyle niya saka ito malakas na tinulak sa sahig kaya napahiyaw ang huli sa sakit.

"Get out now, people. Bababa kami pagkatapos naming magbihis," may awtoridad sa boses na sabi ni Alaric.

Teka, sino ang magbibihis? Ano ba talagang nangyayari?

Hindi niya maigalaw ang katawan sa sobrang hiya. Paanong nangyari na katabi na niya ito paggising niya?

"Ano pa ang hinihintay mo? Gusto mo bang ako pa ang magbihis sayo?"

Nanlaki ang mata niya nang tumayo ito. "Shit. Bakit nakahubad ka?!" Agad na iniwas niya ang tingin nang makita niya ang hindi dapat makita rito. Hindi ba ito nahihiya na makita ang mahaba, mataba, at maugat na pagkalalaki nito?!

"Dahil may nangyari sa atin?" balik-tanong nito.

Tumayo siya sa inis. "Ano ba ang sinasabi mo? Walang nangyari— 'Tangina!" Malakas siyang napamura nang makita na nakahubad rin siya. Nanghihina na umupo siya at binalot ng kumot ang katawan. Imposible!

Nanginginig ang kamay niya habang nakahawak sa kumot. Paano nangyari ito?

Sinabunutan niya ang sariling buhok. Mababaliw siya sa kaiisip!

"Tulungan mo ako, Kuya Alaric. Ipaliwanag natin na pagkakamali lang 'to, ha? Please..." naiiyak na pakiusap niya.

Hindi niya alam kung bakit nakahubad siya! Sigurado naman siya na pumasok siya sa kwarto nang may suot kagabi!

Hindi ito nagsalita at nanatiling tahimik. Habang nagbibihis ito ay iniwas niya ang tingin dito.

Magpapaliwanag siya! Isa itong pagkakamali.


"'MA, NAGSASABI po ako nang totoo! Wala po talagang nangyari sa amin!"

Humawak siya sa braso ng mama niya pero tinabig lang nito ang kamay niya. "'Wag mo kaming gawing tanga, Pamela! Nakahubad kayo pareho tapos walang nangyari?" Galit at pagkapahiya ang nasa mata ng mama at papa niya habang nakatingin sa kanya.

"Wala po talagang nangyari—"

"Paano mo nasabi na walang nangyari sa atin? We're both naked and I'm sure you know what happened next," putol ni Alaric sa kanya.

Sinamaan niya ng tingin si Alaric na prenteng nakaupo na tila ba balewala lang dito ang mga nangyayari. Nakataas pa ang sulok ng labi nito habang sumisimsim ng kape.

Ang bwisit na 'to! Hindi man lang siya tulungan na magpaliwanag!

Umiling siya. "Pagkakamali lang ito. Walang nangyari at alam ko—" Tumulo na ang luha niya nang malakas siyang sampalin ng papa niya.

"Don't you dare lay your hand on my future wife!" Mabilis na tumayo si Alaric at humarang sa kanya.

Wala sa sarili na umupo siya hawak ang namamanhid na mukha. Nagkakagulo na ang lahat at wala na siyang maintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga ito.

Kailangan niyang makausap si Alden. Alam niya na makikinig ito sa paliwanag niya. Kailangan niyang humingi ng tulong dito para makapagpaliwanag sa mga magulang nila.

"So, kailan ang eksaktong date na napili niyo para magpakasal?" tanong ng mommy ni Alden nang maging kalmado na ang lahat.

Mabilis na tumayo siya at umiling. "Hindi po kami magpapakasal. S-Si Alden po ang gusto kong pakasalan. Wala po talagang nangyari..." basag ang boses na sabi niya.

Alam niya na walang maniniwala pero sinusubukan niya. Hindi siya papayag na masira ang matagal na niyang pangarap na makasal sa lalaking mahal niya dahil lang sa pagkakamali na 'to.

"I'm sorry, hija, but your wedding was already decided to happen next month. Hindi ka ba nakikinig sa usapan?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Next month? At sino nagsabi?"

Tinuro nito ang katabi niyang binata. Napaawang ang labi niya. "Ikaw?!"


GALIT NA GALIT siya. Halos magbukas-sara ang ilong niya at hindi magawang magsalita.

Matapos niyang marinig na nagdesisyon ito na magpakasal agad sila sa susunod na buwan ay hinila niya ito sa kwarto. Wala na siyang pakialam kung ano pa ang isipin ng mga tao sa baba.

Walang ekspresyon sa mukha na nakatingin ito sa kanya. Wala ba talaga itong pakialam?

"Bakit gumatong ka pa, Kuya Alaric? Nagpapatulong nga ako sayo, 'di ba? Paano na ito ngayon? Lalo lang magiging kumplikado ang lahat dahil sa naging desisyon mo. Hindi naman natin kailangan na magpakasal! Kakausapin ko si Alden at hihingi ako ng tulong sa kanya!"

Lalabas na sana siya nang hawakan nito ang braso niya. "Paano ka nakasisiguro na walang nangyari sa atin?" seryoso ang mukha na tanong nito.

Kumunot ang noo niya. Bakit nagtatanong pa ito?

"Answer me, Pam."
Nakakikilabot ang paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya. Hindi niya maintindihan ang hatid n'on sa buong sistema niya.

Nahigit niya ang hininga nang hilahin siya ni Alaric, dahilan para sumubsob siya sa malapad nitong dibdib.

"A-Ano bang klase na tanong 'yan?" Ilang beses siyang napalunok habang nakatingala na nakatingin sa lalaki na nasa kaniyang harapan. Masyado itong matangkad para sa kanya.
"B-bitiwan mo na nga ako." Hinila niya ang braso rito pero hinila lang siya nito pabalik. "Ano ba, Kuya Alaric!" Nagsimula na siyang makaramdam ng pagkailang dahil sa pagkakadikit nilang dalawa.

Yumuko ito at bumulong sa kanya. "Go, find your prince charming. Pero 'wag ka nang masyadong umasa sa mga balak mong mangyari, Pam."

Nakahinga siya nang maluwag nang bitiwan na siya nito. Nagmamadali na siyang umalis para hanapin si Alden. Gusto niya nang makausap ito.


NAMAMAGA ang mga mata niya. Dalawang araw na pero hindi niya pa rin nakakausap si Alden. Hindi niya ito matawagan at hindi rin nagre-reply sa mga message niya. Hindi na niya alam ang gagawin niya.
Bakit kasi nangyari lahat ng ito?! Ayon naman kay Alden ay hindi nagpupunta ang Kuya Alaric nito sa bahay ng mga ito kaya bakit bigla na lang itong nagdesisyon na pumunta, natapat pa talaga na naroon siya at sa engagement party nila.

Narito pa rin siya sa bahay nila Alden. Nawala na ang galit ng mga magulang nito sa kanya dahil magiging pamilya pa rin naman daw siya ng mga ito sa oras na makasal sila ni Alaric — na kahit kailan ay hindi mangyayari.

Hindi siya aalis dito hangga't hindi niya nakakausap si Alden. Hindi na kasi ito umuwi simula nang araw na makita sila sa kwarto. Nakaiinis talaga!

Sumubsob siya sa unan at pinagsusuntok 'yon para doon ibaling ang galit at inis niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit napunta siya sa gano'ng sitwasyon.
Siya ba ang mali?

Pero imposible talaga! Oo, wala na siyang masyadong maalala sa kalasingan pero sigurado siya na wala talagang nangyari sa kanila. Ang alam niya talaga ay nakapasok siya ng kwarto at natulog din agad. Saka hindi naman siya ang tipo ng babae na gano'n, kaya nga virgin pa rin siya hanggang ngayon. At kung may nangyari man talaga, dapat ay masakit ang pokilya niya, 'di ba?

"Pamela..." Agad na napatayo siya nang marinig ang boses ni Alden. Naluluha na yumakap siya rito.

"Thank God! Mabuti at bumalik ka na, Babe. Kailangan nating mag-usap, alam ko na makikinig ka sa akin—"

"Tama ka, Pamela. Kailangan nating dalawa na mag-usap."

Kinabahan siya sa tono ng pananalita nito. Wala na ang lambing sa boses nito. Maging ang mukha nito ay walang kangiti-ngiti. Seryoso 'yon at halata na malungkot — na lalong nagpakaba sa kanya.

"Babe..." Nagsimula siyang umiyak nang ilayo nito ang katawan sa kanya.

"Pamela—"

"No, Babe! Makinig ka sa akin, please! Tulungan mo akong magpaliwanag sa kanila na wala talagang nangyari sa amin. Alam ko 'yon at sigurado ako—"

"Stop it, Pamela! Let's end this!" Nilayo lang uli siya nito nang magtangka siya na yakapin ito. "M-Maging masaya ka na lang kay Kuya Alaric. P-Pipilitin ko rin na maging masaya para sa inyo."

"H-Hindi mo na ba ako mahal?" lumuluha na tanong niya.

"Mahal kita, Pamela. Alam mo 'yan." Tumalikod ito sa kanya. "I... I just want you and my kuya to be happy—"

"Paano nga kami magiging masaya kung pagkakamali lang naman ang lahat? Can't you just help me find a way to explain everything to our parents? Please, Alden, tulungan mo naman ako!" pagmamakaawa niya rito. Mahal niya ito at hindi niya gusto na makasal sa lalaking hindi naman niya mahal.

Humarap si Alden sa kanya. Puno ng luha ang mga mata na nakatingin ito sa kanya. "I'm sorry, Pamela. I'm really sorry but this is the end for us..."

WALANG tigil siya sa pag-iyak. Hindi niya matanggap na tuluyan nang pinutol ni Alden ang lahat sa kanila.

Umalis na siya sa bahay ng mga ito. Wala na rin namang dahilan para manatili pa siya ro'n.
Lalo na ngayon na hiwalay na sila ni Alden.

Malungkot na nga siya, dumagdag pa sa lungkot niya ang nalalapit nilang kasal ni Alaric. Pwede naman niya itong takasan pero tinatakot naman siya ng magulang niya na itatakwil sa oras na gawin niya iyon. Kasalanan ito lahat ng Alaric na 'yon!

Tumayo siya at naligo. Alam na niya ang sulosyon sa problema niya. Kailangan niya nang makumbinse ito na 'wag ituloy ang kasal nila. Sigurado na hindi siya itatakwil ng magulang niya kung ito ang tututol sa kasal, malaki pa ang chance na magkabalikan silang dalawa ni Alden.

Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot lang siya ng isang sleeveless dress na kulay pink na hindi aabot sa tuhod ang haba. Matapos magpabango ay kinuha niya ang sling bag niya na kulay pink din at nagsuot ng pares ng flat sandals na kulay pink.
Paborito niya ang pink.
Napasimangot siya nang masalubong ang Ate Kyle niya sa pinto. Inismiran siya nito. "Saan ang punta ng malandi kong kapatid?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa nang may pang-iinsulto. "Para kang bata sa ayos mo pero saksakan naman ng landi!"

Kahit pinanganak siya na may milyon-milyon na pasensya, sa tingin niya ay mauubos agad iyon sa taong kaharap niya ngayon.
"Malandi? Ate kita, 'di ba? Baka mana lang talaga ako sayo," pang-iinis niya rito.

Hindi naman siya nabigo dahil halos mamuti ang mata nito sa galit sa kanya. Daig pa ang may sapi kung makatirik ang mata.

"Bwisit ka, Pamela!"

Mabilis siya na nakatakbo. Alam niya kasi na sasabunutan siya nito dahil sa galit.

Malakas siyang natawa nang marinig ang ngawa nito at pagsusumbong sa magulang nila. Ano pa ba ang bago? Sanay na siya sa mga ito bata pa lang siya.

Ang ipahiya siya, ang saktan siya, ang akusahan ng kung ano-ano, at ang palabasin na sinungaling siya. Lahat ng iyan ay ranas na ranas niya sa pamilya niya. Daig niya pa ang ampon sa trato ng mga ito sa kanya.

Kung dati ay hindi siya sumasagot sa Ate Kyle niya, hindi na ngayon. Sumusobra na kasi ang ugali nito.

Muli niyang naalala ang kasal. Hindi niya mapigilan ang manggigil sa inis kapag naaalala si Alaric sa pagpayag nito sa kasal.

"Kasalanan niya talaga itong lahat! Humanda siya sa akin!"

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon