CHAPTER 10

23 2 0
                                    

R-18
Read at your own risk.



Pag tapos naming mag gala sa may Samonte Park at umuwi na din kami. Alam kong di pa tapos tong Valentines Day pero masasabi kong isa to sa mga pinakamemorable na araw para sakin. Sana hindi na matapos to.


Pagkauwi namin sa apartment ni Sunny medyo na-weirdan ako kay Adi kase nauuna siya saking maglakad, akala mo may humahabol sakanya.



"Hintayin mo naman ako, alam mo namang maiksi tong legs ko kumpara sayo." saad ko kase talaga namang ambilis niyang maglakad. Dati naman sabay kami bago nakaakbay siya.


Hindi ko na siya nasabayan pa at nauna na nga siya. Kaya tumakbo nalang din ako para atleast di masyadong malayo distansya niya sakin.



"Jusko Adi! Nadudumi kaba? Bakit ang bilis mo namang maglakad?" di ko akalaing mauuwi sa marathon tong date na to amp.



"Sorry Ai. Baka kase maunahan mo ako dito." di na siya nag explain pa at binuksan nalang niya yung pinto.


I gasped.



"Surprise Ai! Happy Valentines Day po." halos natameme ako sa pinakita niya.



Yung kaninang plain na apartment ni Sunny, ngayon punung-puno na ng petals at candles. Bago sa dulo may table for two, candle light dinner.


"M-Mahal" yun nalang nabigkas ko kase sobrang touch na touch ako sa ginawa niya. Siya lang talaga nakagawa saakin ng ganito.



Pumasok na kami at inabot niya sakin yung bouquet ng sunflowers. Don ko lang napansin na may black and yellow na ballons sa may kisame. Grabe! Napapanuod ko lang sa mga palabas yung ganito dati, di ko akalaing mararanasan ko to.



"P-Pano mo nagawa to? Magkasama tayo kanina ha?" kung nasopresa siya sa bulaklak na bigay ko kanina, imagine mo pagkagulat ko ngayon. Can't believe na makakagawa siya ng ganito.



"Humingi ako ng tulong kay Sunny, hindi talaga sila magsstaycation ng jowa niya. Inasikaso niya talaga lahat ng to" God! Ang sweet din talaga ni Sunny, asan ba yon? Parang gusto ko tuloy yakapin.


"Ikaw ha! Binonggahan mo talaga." sabi ko habang naluluha pa din.


"May isa lang na palpak" sabi niya sabay kamot sa batok niya, nagtaka naman ako.



"Ano?" Nagtataka kong saad.



"Dinner date to, eh diba kumain na tayo kanina sa park? Di ko kase alam na magffoodtrip tayo don." ngumiti lang ako sakanya sabay lapit sa mesa.



Natawa naman ako sa nakahain, spaghetti.



"Bakit spag to, mahal?" ngumiti lang siya sabay pakita sakin ng takip ng tupperware.


"Di basta spag yan mahal, JolliSpaghetti yan" mas lalo lang kaming nagtawanan. Talagang yung favorite ko pa ha.


Kahit medyo busog kumain pa din ako, syempre fave ko yon kaya diko talaga yon aatrasan.



"May isa pa akong surprise sayo." luh! Di pa din tapos? Grabe kana, mahal!



Hinila niya ako papasok ng kwarto namin, don ko lang napansin na may rose petals din papunta don sa kwartong yon.



T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon