Chapter Theme - K.L.A. by Drive of Daydreams
RAPHAEL
HINDI ko ugali umasa sa ibang tao. Kapag umasa ka kasi sa iba, ibig sabihin nito ay ipapakita mo sa kanila ang vulnerability mo na hindi mo kaya mag-isa. Ayoko no'n. Hangga't maaari, gagawin ko ang mga bagay na kaya ko naman gawin mag-isa. Bakit hihingi pa ng tulong?
"I'll grant your wish! I'll be your fairy godfather!"
Iyon ang sinabi ng lalaki kahapon sa cafe. Ayos lang ba siya? Lalapit bigla sa isang tao at sasabihin 'yon? Ang wirdo niya.
"No thanks," sabi ko at agad na umalis dala ang kape ko.
Bakit ko naman gugustuhing ayusin ng ibang tao ang problema ko? Bakit ko sila aabalahain doon? Kaya ko naman mag-isa. Madalas ngang sabihin ni mama na huwag iasa sa iba ang mga problemang kaya mo naman solusyonan.
"Kaya ko na nga," sabi ko at bahagyang linayo kay Chamuel ang papel ko. Sinasagutan namin ang Physics problem na binigay sa amin ni Ma'am Edith bilang seatwork. Kanina pa ako na-stuck sa huling question, kaya nag-alok ng tulong si Chamuel na tinanggihan ko naman. Like I said, I can solve it on my own.
Napanguso si Chamuel. "Sungit talaga. Ayaw mo ba ng tulong ko?"
Saglit na bumaba ang tingin ko sa labi niya, bago ako natauhan at linipat ang tingin sa papel niya. Maghunos-dili ka, Raphael. Magkaibigan kayo. Hindi pwede.
"Anong tulong? Tapusin mo kaya muna 'yang sa'yo." Tinuro ko ang gawa niyang dalawa pa lang ang nasasagutan. Limang tanong ang pinapasolve sa amin, may tatlo pa siyang gagawin tapos tutulungan niya pa ako?
"Mangongopya lang talaga 'yan ng sagot," sambit ni Michael, nakatutok pa rin sa papel niya. Napansin ko na wala pa siyang nasasagutan kahit isa.
Siniko siya ni Muriel na mukhang napansin din iyon. "Huy! Walang lalabas na sagot diyan kapag tinitigan mo lang!"
Kinalabit ko si Michael sa braso gamit ang ballpen ko. "Kailangan mo ng tulong?" tanong ko.
Magkatulad kami ni Michael. Hindi namin gustong humingi ng tulong sa ibang tao hangga't maari. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi siya sanay kaya hindi niya ginagawa, habang ako naman ay hindi humihingi dahil mas gusto kong ako na ang gagawa dahil kakayanin ko naman.
"'Wag na 'yan, Raph! Ako na lang tulungan mo!" sabi ni Muriel at ibinigay sa akin ang papel niya. Apat na ang nasasagutan niya at katulad din ito ng mga sagot na nakuha ko. Kung parehas kami ng sagot, siguradong tama yung gawa ko.
"Tch. Bida-bida ka? Ako nga raw tutulungan, eh," inirapan ni Michael si Muriel bago ilipat ang tingin sa akin. Lumambot ang mata niya nang magtama ang tingin namin. Kay Muriel lang talaga siya masungit kasi lagi siyang inaasar no'n.
"Paano ba? Ako na bahala sa pagsagot, kahit yung process lang ituro mo sa'kin," bumaling siya ng mas malapit sa akin para makinig ng mabuti. Nakaupo siya sa kanang tabi ko kaya mas madali ko siyang matuturuan. Sa kaliwa ko naman, doon nakapwesto si Chamuel na mukhang kinokopya ang sagot ko. Si Muriel naman ay nasa tabi ni Michael na nakakunot ang noo. Nakapa-curve ang pwesto ng upuan namin para mas madali kaming makapag-usap.
BINABASA MO ANG
Grant My Wish, Orion (Wishes and Dreams #1)
Teen FictionWishes and Dreams Series #1 (BL) | "I'll be your fairy godfather! I'll grant your wish!" You will find true happiness in making other people happy. It is the secret to happiness. Orion Zane Barrinuevo believes this secret with his whole being, even...