| 16 | When Curiosity Sprouts

13 0 0
                                    


Chapter Theme - Nilalang by Dilaw

Chapter Theme - Nilalang by Dilaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ORION

PURSUING one's passion is a luxury not all can have. A lot of reasons stand as an obstacle for a person to do it. Sure, one might think they can if they work hard enough, but reality will hit you and make you realize that you can't always have what you want. Fortunately, that's not the case for Muriel. It used to be, but she's trying to gain it back... the fire that fuels her passion.

Sa garden nila Muriel kami nag-ensayo ng pag-arte niya. Hindi kami pinayagan ng papa niya na sa kwarto ulit, lalo na't wala pa ito sa bahay dahil nasa trabaho pa. Sabado nung nag-group study kami kaya mababantayan daw. Ang talim pa ng tingin sa'kin. It felt like I did something wrong.

"Gutom na ba kayo? Naghanda ako ng meryenda," Tumigil kaming lahat sa pag-eensayo at lumingon sa main entrance ng bahay. Nakasilip doon si Tita Mylene, ang mom ni Muriel, malumanay ang ngiti sa'min. Kanina ko pa siya napapansin na sumuslyap mula sa bintana, sabay ngingiti habang pinapanood si Muriel.

"Kain muna tayo?" aya ko at dinampi ang face towel sa mukha ko.

Ilang oras na rin kami nag-eensayo sa labas. Walang electric fan. Nauna na si Michael. Kanina pa siya nauurat dahil nanonood lang at naninita. Sumunod rin si Muriel sa kanya, mabilis ang lakad.

Lumipat ang mata ko kay Raphael, may mga butil ng pawis sa noo. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pumunta sa harap niya, marahang dinampi sa noo ang panyo para punasan ang pawis niya. Nang matapos, ngumiti lang ako at tinanguan siya. Samantala, nanatili siyang nakatayo roon.

"Raph? Let's eat na," Sinenyasan ko siyang pumasok na sa loob. "O masama ba pakiramdam mo? Is it too hot here?" Akmang lalapit ulit ako sa kanya para i-check ang kalagayan niya, kaso naglakad na siya paalis doon, hindi man lang ako tinitignan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob. Tumakas ang ngiti sa labi ko at napailing. Pumasok na rin ako at sinarado ang pinto.

"Bilisan mo! Maubusan ka ng pagkain, sige ka!" anyaya ni Muriel habang naglalagay ng spaghetti sa plato niya.

Nakahanda na ang mga pagkain doon, kasama ang mga plato at kutsara. Pabilog ang mesa nila, anim ang upuan. Isang bakante roon ay katabi ni Raphael, kaya doon ako umupo. Saglit niya akong tinignan bago ibalik ang atensyon sa pagkuha ng pagkain. Akala ko sa kanya iyon, kaya nagulat ako nang ilapag niya iyon sa harap ko.

Hinawakan ko ito at tinulak sa harap niya. "That's yours."

Binalik niya naman ito sa'kin. "Sa'yo na," pinandilatan niya ako ng mata. "H'wag ka nang aangal."

Bumungisngis ako. What's with him? "Okay, boss." Kinuha ko ang tinidor at pinagsaluhan ang pagkaing hinanda sa'min. Hindi nga lang ako makakain nang maayos dahil nararadaman ko ang mata sa'kin ng mom ni Muriel. Inangat ko ang tingin ko at nginitan ito. "Kain din po kayo."

Grant My Wish, Orion (Wishes and Dreams #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon