Chapter Theme - Himala by Ace Banzuelo
The depth of a connection is not
measured by its duration, but by
the sincerity of the souls involved.
| RAPHAEL |
Unforseen friendships happen in the most unexpected places and circumstances, as a result of shared experiences that we never thought we'd have. You'll be surprised by the sudden, genuine connection building between the two of you.
Sino ba namang mag-aakala na magiging kaibigan ko ang isang Orion Zane Barrinuevo? Kilalang-kilala siya sa batch namin. Hindi ko nga lang alam ang itsura dahil hindi na ako nagbother na kilalanin siya. Ano naman ang pakielam ko sa mga sikat sa batch ko, 'di ba? Sikat lang naman sila dahil sa itsura nila at dahil galing sila sa mayamang pamilya. Pero mas higit pa roon si Orion, eh. Gwapo, mayaman, magaling sa soccer, matalino dahil laging Top 1, at higit sa lahat... weirdo.
Kaso, ako pa ata ang nagmukhang weirdo kahapon.
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung kahihiyan ko nang hawakan niya ang kamay ko at tanungin kung anong ginagawa ko sa mukha niya. Bakit ko ba kasi hinawakan yung mukha niya? Nakakainis lang kasi. May pasa na nga siya sa noo, pero ang gwapo pa rin. Kelan ba siya papangit? Iba talaga kapag biniyayaan ng Diyos, eh.
Ngayon lang ulit ako nahiya ng gano'n. Hindi naman ako madalas gumagawa ng bagay na ikakahiya ko. Ta's nagawa niya pa akong asarin para mas mahiya ako? Nakakainis. I-unfriend ko kaya siya sa Facebook nang makita niya. Maghintay ulit siya ng matagal bago ko i-accept.
Binuksan ko profile niya at bumungad sa'kin ang display picture niya at cover photo. Moving up photo niya iyon nung Grade 10 sa Maximillian University habang may suot siyang mga medalya, ta's yung cover photo niya ay black picture lang. Meron pang bible verse sa bio. Hindi ko nga lang alam kung ano 'yon dahil hindi ako religious.
Ang dami pang followers ng weirdo na 'to kahit hindi pala-post, puro share lang ng inspirational quotes at volunteer organizations na sinasalihan niya. Sobrang matulungin talaga, balak atang magkaron ng award sa Guinness World Records ng 'The Most Helpful Man Alive'.
Napansin ko rin na may story pala siya, kaya pinindot ko 'yon. Tumaas ang kilay ko nang makitang selfie niya 'yon habang malawak ang ngiti, hawak-hawak ang ice pack na binigay ko kanina. May nakasulat pang caption na 'Thank you sa ice pack, friend 😆'. Yung selfie niya, mukhang selfie ng mga Kpop idol sa mga photocard ni Muriel, kaso may pasa nga lang sa noo.
Ano? Pinagamamayabang na gwapo pa rin kahit may pasa? Tch.
Bumaba ang tingin ko sa pisngi niya at napansing medyo namumula ito. Nag-init nanaman ang mukha ko nang maalala ang nangyari kanina. Nakakahiya talaga. Bwiset. Injured na nga yung tao, pinisil pa sa pisngi? Ta's tinadyakan pa? Soccer player pa naman ang loko. Mukhang kailangan ko nanaman siyang bigyan ng ice pack.
BINABASA MO ANG
Grant My Wish, Orion (Wishes and Dreams #1)
Teen FictionWishes and Dreams Series #1 (BL) | "I'll be your fairy godfather! I'll grant your wish!" You will find true happiness in making other people happy. It is the secret to happiness. Orion Zane Barrinuevo believes this secret with his whole being, even...