Chapter Theme - With A Smile by Eraserheads
| MICHAEL |
Hatred was the only emotion I felt towards myself when I realized I was the reason for her suffering. I am the reason she's lying unconscious on the hospital bed.
Simula nung iniwan kami ni papa, naging mainitin na ang ulo niya. Lagi siyang galit. Mas lalo rin siya naging mahigpit sa akin na umabot na sa puntong nasasakal na ako. Ilang beses niyang sinabi sa akin na pagbutihin ko raw ang pag-aaral ko. Hindi ko ginawa dahil naiinis ako sa kaniya. Dahil sa kaniya, iniwan kami ni papa. Halos araw-araw silang nag-aaway hanggang sa bigla na niya na lang kaming iniwan.
Naiintindihan ko naman kung bakit. Nasa pinakamababang punto ng buhay si papa noon, pero mas lalo lang lumala dahil sa walang katapusang paninisi sa kaniya ni mama. Naiinis ako kasi kaya namang pag-usapan nang maayos yo'n. At bakit imbis na suportahan si papa dahil iyon ang kailangan niya nung panahon na iyon, sinisi niya pa?
Kinamuhian ko siya. Hindi ko sinunod ang mga gusto niya. Ginawa ko ang mga bagay na alam kong ikagagalit niya. Nagrebelde ako sa kaniya para maramdaman niya kung gaano kalaki ang epekto sa'kin ng pagkawala ni papa.
However, all the hatred I felt for her went away when I heard a loud sound from her room. Pagkabukas ko ng pinto, nadatnan ko si mama na nakahilata sa sahig, nahihirapan huminga. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sinuntok ako ng katotohanan na kagaya ni papa, posible ring mawala siya sa buhay ko.
Lahat ng mura nasabi ko na dahil sa kaba na nararamdaman ko. Natatakot ako para sa sarili ko, para sa future ko. Wala na nga si papa sa buhay ko, pati ba naman si mama?
Pagkarating ng ambulansya hanggang sa maipadala siya sa ospital, hindi ko alam ang gagawin ko. Hinawakan ko lang ang kamay niya para kahit papaano ay maramdaman niyang andito ako para sa kanya. Hanggang sa ilagay siya sa emergency room, hawak ko pa rin ang kamay ito. Doon ko lang napansin ang kamay niyang magaspang at may iilang sugat at pasa. Bakit hindi ko man lang napansin ito? Gaano katagal na ba akong kinakain ng galit ko dahil sinisisi ko siya sa paglalayas ni papa?
Kasalanan ko. Wala kasi akong kwentang anak. Nagalit ako kay mama dahil sinisisi niya si papa noon. Pero hindi ba't iyon din ang ginawa ko sa kanya? Anong karapatan kong sabihin na maaayos niya sana iyon kung andoon siya sa tabi ni papa bilang suporta? Ako nga, hindi ko iyon nagawa sa kaniya. Napagbuntungan ko pa siya ng inis at galit dahil umalis si papa na sobra kong pinahalagahan noon.
I'm a fucking hypocrite.
Mariin akong pumikit, kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa kamay niya. "I'm sorry."
Ilang oras akong nanatili sa posisyon na iyon. Kung hindi lang ako pinaalis ng nurse para i-check ang kalagayan niya andoon pa rin ako, sinisisi ang sarili ko sa lahat ng nangyari sa kaniya. She didn't deserve that treatment. Kung iisipin mo, siya ang pinakakawawa rito. Iniwan siya ng asawa niya at tumayo bilang isang single mother. Ginampanan niya ang pagiging nanay at tatay ko. Tapos yung mga sakripisyo niya, napupunta lang sa wala dahil ang kaisa-isang anak niya ay binabaliwala lang siya, hindi man lang nakikita ang paghihirap niya.
BINABASA MO ANG
Grant My Wish, Orion (Wishes and Dreams #1)
Teen FictionWishes and Dreams Series #1 (BL) | "I'll be your fairy godfather! I'll grant your wish!" You will find true happiness in making other people happy. It is the secret to happiness. Orion Zane Barrinuevo believes this secret with his whole being, even...