| 13 | Feelings Left Unsaid

17 2 0
                                    

Chapter Theme - Tingin by Cup of Joe ft. Janine Tenoso

Feelings are often left unsaidbecause of our fear that it isn'tworthy of attention

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Feelings are often left unsaid
because of our fear that it isn't
worthy of attention.

| RAPHAEL |

There are memories engraved in our minds that we would rather not remember. We might want to erase it, but memories don't wash away easily, especially if it only happened recently.

Kaya wala akong tiwala sa sarili ko kapag nakainom, eh. Kung ano-ano sinasabi ko. Lahat ng mga saloobin ko tungkol sa isang tao, lumalabas. Buti nga hindi ko pa nasabi na may gusto ako kay Chamuel. Delikado 'yon. Ang mga nasabi ko lang sa kanya, naiinis ako sa kanya dahil sa maraming dahilan. The next morning, he never talked about it. I also didn't clear it up. Bakit naman, 'di ba? Baka mapunta pa sa nararamdaman ko ang usapan.

Recently, a similar situation happened with Orion. Nakakainis. Nakakahiya. Those words I said to him are the last things I want him to hear from me. And everytime I remember that moment, my face heats up due to embarrassment. Ang pinakanakakahiya pa sa lahat, sinundot ko pa yung labi niya at tinitigan. Baka kung ano-ano na iniisip no'n? Mukha pa naman siyang assumero.

At... ano pa ba ang ginawa ko? Parang meron pa, hindi lang malinaw sa memorya ko. My mind was hazy during that time, and all I can do to know is ask the person with me. Hindi ko 'yon gagawin. I resolved myself to act as if nothing happened.

Paano nga ba gawin 'yon? I'm not good at acting. Kung sino ako, iyon na ang ipinapakita ko. Kaya nga nasusurpresa ako na hanggang ngayon, wala pa ring nakakahalata sa nararamdaman ko. Siguro dahil hindi talaga ako affectionate na tao.

"Raph?! Totoo ba 'to? Nagtatanong ka ng acting advice sa'kin?!" Muriel said with exaggerated expressions. Isa pa 'tong OA. Bagay sila ng crush niyang si Orion kahit mukhang nawala na pagkahumaling niya do'n.

"Masaya ka siguro na may silbi ka na, 'no?" Ayan nanaman si Michael.

"At least meron na! Eh, ikaw?!" paghahamon ni Muriel, hindi magpapatalo.

Napahawak ako sa sentido ko. "Mamaya na kayo magtalo. Sagutin mo muna tanong ko, Muriel."

Muriel smiled in victory before facing me. "Bago ang lahat, ba't bigla kang naging interesado? Sasama ka na ba sa'kin sa theatre club? Naawa ka ba sa'kin kaya ikaw na gaganap bilang leading man ko sa future acting projects ko? O baka naman naging crush mo ako bigla?"

"Kapal ng mukha," irap ni Michael. Gusto ko rin sanang sabihin 'yon pero inunahan na niya ako.

Ano bang pwede kong isagot? Telling the truth is out of the question, especially the last part of what she said. "Pumasok lang sa isip ko kaya naisipan kong magtanong." sagot ko. Sa madaling salita, gusto ko lang itanong.

"Pumasok sa isip mo ang acting?" she beamed, pulling her chair closer to mine. "You came to the right person! Ano ba specifically ang gusto mong malaman?"

Grant My Wish, Orion (Wishes and Dreams #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon