| MURIEL |
SEEING that journal sent me back to 10 years ago when I was still naive enough to dream that I could be someone like Marian Rivera- a renowned actress with top-grossing telenovelas under her belt. My parents' scolding is what it took for me to realize it was nothing but a daydream.
I'm not an acting prodigy. I'm simply an average person who dreams to be one, or at least be on the stage with the genuises- the stars that shine the brightest, and the ones I couldn't afford to reach.
Sino ba namang magulang ang matutuwa kapag nalaman nilang ang pangarap ng kanilang anak ay maging isang aktres? Kung bata pa lang ang anak nila at sinabi iyon, siguro matutuwa pa sila. Sasakyan pa nila at sasabihing baka maging Hollywood actress pa. Kapag bata ka lang pwede mangarap ng mga bagay na hindi makatotohanan. Kapag tumanda ka na, dapat praktikal na. Kung mangangarap ka, dapat siguradong may patutunguhan at may pera.
"Gusto kong maging artista!"
Iyan ang lagi kong sinasagot sa mga nagtatanong sa akin nung bata ako kung ano ang pangarap ko sa buhay. Tuwing binabanggit ko iyan, imbis na seryosohin ako ay pinagtatawanan lang nila ako. Imposible raw iyon dahil hindi naman ako kagandahan, o hindi ako talented. Chubby ako nung bata ako. Cutie patootie sa paningin ng mga nakatatanda, pero baboy para sa mga bata. Mga immature pa, eh.
"Bakit ba siya nasa here? She's mataba, not bagay para maging artista," parinig ng isa sa mga kasamahan ko noon sa workshop.
Insecure ako sa kanya noon dahil siya ang depinisyon ng isang magandang bata. Mistisa, mapungay na chinitang mata, mga labi'y kasing pula ng rosas, matangos ang ilong, may katangkaran, at maganda pa ang tinig ng boses- kung hindi nga lang siya conyo. Kumpara sa'kin na morena, medyo bilugan ang mata, kulay rosas na labi pero nagbabalat naman, pandak, pangkanto ang boses, tapos mukha pa raw baboy.
"Jophiel, physical appearance isn't important, our acting skills are," sagot naman ng lalaking lagi niyang kasama.
Isa pa itong saksakan ng gwapo, eh. Sa kanya siguro nagsimula yung pagkahilig ko sa mga lalaking magaganda ang mukha. Ang sarap pagmasdan dahil lagi siyang mukhang sariwa sa pangingin, hinding-hindi ka magsasawa. Yung pinaka-nagustuhan ko talaga ay yung mga mata niya. Nagniningning ang mga ito, kaya para bang pinapanood ko na rin ang mga tala sa kalangitan.
His eyes were expressive, especially when he acts. We were both 7 years old, yet he felt like someone beyond my league. A prodigy- someone with great talent that goes beyond the average, even above the geniuses. The instructors always showered him with praises, even the kids who used to be envious of him.
Mabait din kasi siya, madaling pakisamahan. Kapag andiyan siya, para bang lumiliwanag ang paligid dahil sa mga abot-tenga niyang ngiti, na pati ang mga mata niya'y naniningkit. Sobrang gaan at positibo ng atmosphere niya, na pati ang mga tao sa paligid nya ay naiimpluwensyahan.
BINABASA MO ANG
Grant My Wish, Orion (Wishes and Dreams #1)
Teen FictionWishes and Dreams Series #1 (BL) | "I'll be your fairy godfather! I'll grant your wish!" You will find true happiness in making other people happy. It is the secret to happiness. Orion Zane Barrinuevo believes this secret with his whole being, even...