| 8 | Embracing Courage

29 3 3
                                    

Chapter Theme - Huwag Kang Matakot by Eraserheads

Chapter Theme - Huwag Kang Matakot by Eraserheads

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Life grows or shrinks as 

much as your courage does.

| RAPHAEL |

Courage is the driving force that moves people forward in times of adversity. It's the inner strength that enables us to confront our fears and personal challenges in life, even when the path ahead seems overwhelming. It urges us to persevere in attaining our goal to become the better version of ourselves. 

Every action in our life requires us to embrace courage. Kagaya na lang ng katapangan na akuhin ang pagkakamali mo. Making mistakes is inevitable, especially towards other people. Mahalaga na alam mong nagkamali ka, at magkaroon ng lakas ng loob na aminin ito. 

"No," Michael said firmly, avoiding my eyes.

Nakakafrustrate i-handle si Michael. Siya yung tipo ng tao na hindi agad aamin sa pagkakamali niya. Mataas ang pride niya, hindi ko alam kung saan niya nakuha. Pero sa itsura niya ngayon, mukha siyang guilty. Ayaw niya lang aminin. Nahihirapan siya.

"Michael," I sighed. "Mali na kinulit ka niya kahit tinanggihan mo na siya, pero hindi rin tama yung mga sinabi mo," sermon ko. 

Bahagyang lumapit sa akin si Chamuel, "Ano ba sinabi?" 

Napalayo ako ng kaunti dahil ulit ramdam ko ang boses niya sa tenga ko. Magkakasama kami kanina pero wala siyang narinig dahil nagchichismisan sila ni Muriel. Hindi ko na kasalanang hindi niya alam.

Umirap si Michael, "Wala ka na ro'n."

"Ano bang nangyari? Parang laki-laki ng galit mo sa mundo!" sabi ni Muriel, may bakas ng pag-aalala sa tono.

Galing si Michael sa faculty kanina, pinapatawag ni Ma'am Erma. May sinabi siguro sa kanya na hindi niya nagustuhan. Dalawa lang naman ang dahilan kapag pinatawag ka ni Ma'am Erma sa faculty: mataas ang grade mo kaya pupuriin ka, o pabagsak na ang grade mo at sasabihing pagbutihin mo. From his recent scores on her subject, it's the latter. Nakita ko rin si Orion na lumabas sa faculty. Baka narinig niya? Ta's naisip niyang alukin ng tulong si Michael? Para sa passion project na rin 'yon kasi nakuha niya yung wish ni Michael.

Nanatili ang tingin ko kay Michael na nakasalubong ang kilay at nakakrus ang braso.

"Mag-usap kayo mamaya ni Orion," sabi ko. Hindi ako papayag na gano'n na lang 'yon. Parehas ko silang kaibigan kaya ang awkward kung hindi maayos ang relasyon nila. They'll be seeing more of each other, it's better if they get used to it. Lalo na si Michael.

Umangat ang tingin niya sa'kin. "Raphael, wala kaming pag-uusapan. Mangingielam nanaman 'yon."

Napabuntong-hininga ako. "Sasama ka sa'kin mamaya at mag-uusap kayo. Okay?"

Grant My Wish, Orion (Wishes and Dreams #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon