I can't be just a friend of yours.
MABILIS na nag-daan ang mga araw at buwan kaya ngayon ay summer vacation na. Ngunit hindi ako anak mayaman o ‘di kaya’y may mga magulang.Kaya wala akong karapatang mag-bakasyon. Trabaho at bahay ako ngayon. Okay lang. Masaya naman.
Si Aze naman napapa-dalas sa pagdikit dikit sa’kin. Kulang na lang ay tumira rito sa bahay.
Akala mo naman kung sinong close friend.
Tulad ngayon ay naglalaba ako ng mga uniform ko sa trabaho. Narito na naman siya at naglalaba rin ng mga damit niyangabango at mukhang malinis naman.
“Mali naman ‘yang ginagawa mo! Para kang tanga. Pa’no ka bumukod sa mga magulang mo gayong hindi ka marunong maglaba’t magluto.” Inis kong singhal sa kanya. Nagsasayang lang siya ng tubig at sabon.
Noong isang araw nag-away rin kami kasi nag-presinta siya na magluto. Hindi naman pala siya marunong magluto!
Nagkibit balikat lang siya saka ma-pwersang kinusot-kusot ang kanyang damit. Kaya nanlalaking mata ko siyang inawat sa kanyang pinagga-gawa.
“ILAGAY mo ang isda kapag mainit na ang mantika!” Saway ko nang akmang ilalagay niya na ang isda e kaka-bukas pa lang ng kalan.“Paano ko malalaman? I can not touch a boiling oil. I’m not immortal nor manhid, Ma’am." Problemadong aniya saka kinamot ang kilay niya.
"SIRAULO KA! Masisira ang mga damit mo!" Inis na sabi ko saka inilipat ang mga damit niya kung saan nakababad ang nilalaba kong damit ko.“Ako nalang ang maglalaba at ikaw ang magiigib tapos pag ilulublob nalang ay tulongan mo ‘ko. Bayad ko na 'to sa pag hatid sundo mo sa’kin. Pati sa mga libre mo. Deal?” Sabi ko saka kinibot-kibot pataas at pababa ang kilay ko.
Tumitig siya dibdib ko saka nagka-salubong ang kilay niya. Tumayo at mabilis na umalis.
Nailing na lang ako saka pinag-patuloy ang aking ginagawa. Nangyari ro’n?
Ilang minuto lang ang lumipas ay nagbalik na siya at may bitbit pang soft drinks. Ngingiti na sana ako pero ang bwisit, isa lang ang bitbit niya. May hawak hawak pang straw sa kabilang kamay.
“Sakit mo naman, ako na nga nagla—
Natikom ang aking bibig nang ipa-subo niya ang straw ng soft drink sa bibig ko. “Dami mong sinsabi.” Aniya saka hinawi mula sa bibig ko ang soft drinks nang matapos akong sumisip, at mabilis niya itong sinipsipan.
“Gago ka! Kadiri, sayo na ‘yan.” Diring -diri kong sabi. Tinawanan niya lang ako, saka siya pumunta sa likod ko.
Gulat-gukat naman ako nang umangat ang likod ng sandong suot ko sunod kong narinig ang pag-tatali niya ng straw roon.
Nangunot naman ang noo ko saka siya nagugulohang tinanong. “Ginagawa mo?”
“Sinasakal ka.” Sarkasmo niyang sabi saka bumalik sa pagkaka-upo sa gilid ko habang sinisipsipan ang soft drinks na hawak niya.
“Oy siya nga pala, may facebook ka ba? O active ka ba sa socmed?” Tanong ko habang tuloy pa’rin sa pag-kusot ng mga damit namin.
Naibuga niya ang soft drinks na sinipsip sa mukha ko bakas sa mukha ang pagka-gulat. “What the heck? You want me to suck you?!— Aw!” Nataranta ako sa kan’yang sinabi kaya kung ano yung nabunot ko mula sa mga nilalabhan ko ay itinapon ko sa pagmumukha niya.
Dahan dahan niya itong inalis mula sa kanyang mukha at tinitigan nang mabuti. Gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko ang bulaklakin kong panty! Jusko!
YOU ARE READING
Daddys Series #1: Hacious Rousseau Ruiz
Romanceharu and ayri story. Started: March 08, 2022 End: