TANGINANG HARU.
KANINA pa 'ko ilang na ilang habang ginagawa ang trabaho dahil sa matang tahimik na nakamasid sa akin. Ano hanggang mamaya na lang ba siyang tititig? Ha, heto nga pala ang sinayang mo. Waitress na ngayon.
"Ayri, sa mesa raw nila pogi." Biglang sigaw ni Gemma. Wala kasi 'yong isang kasamahan namin kaya kami itong banas na banas na.
Takot man ay lumapit ako sa mesa nila Haru at ngumiti sa kanila. "A-ano 'yon?" Medyo bulol kong sabi.
Naikunot ko ang mga kilay ko nang mag-sikuhan ang dalawa sa mga kasama ng kumag.
"A-ayri, tama?" Kinakabahang anang isa sa kanila.
"Uh, opo. Ano po ang order niyo?" Tanong kong muli.
"If you don't mind, may i ask kung single ka ba?" Nahihiya niyang tanong.
"Hay nako, tumigil na kayo. 'Yang si Ayri may asawa na, abay napaka-gwapo pa." Biglang paggitna ni Gemma kaya napatingin sila rito. Dahilan din kung bakit halos manlaki ang mata ko at mabilis na mapatingin sa lalaking nasa harapan ko at kanina pa talaga mariining naka-titig.
Mabuti na lang at sila-sila na lang ang kumakain sa loob— malapit na rin kasing mag-sara.
Parang hindi sila masyadong kompiyansa sa naging sagot ni Gemma, dahil tinitignan pa nila nila ako na para bang nanghihingi ng kumpirmasyon sa'kin. Lalo na ang titig ni Haru.
"Uh, oo may asawa't anak na, actually." Pagsakay ko sa sinabi ni Gemma. Well totoo namang may anak na 'ko.
"Ay, gano'n ba? Sayang naman." Disappointed na anang lalake.
Ngumiti na lamang ako at muling tinanong sila.
"One kare-kare, and nilagang beef for me." Malamig na ani Haru.
Pagkatapos niya ay sumunod na ring nagbigay ng sari-sariling order ang mga kasama niya.
Ngumiti na lamang ako sa kanila at nag-paalam. Saka lang ako nakahinga nang maluwang nang makalayo ako sa kanila.
"Type ka ata ni pogi, Ayri." Ngingitimg asar ni Nay Minerva nang makapunta ako sa kusina.
Ako? Type? Type pag-tripan.
"Naku, Nay, mukhang may kanya-kanyang pamilya na ang mga 'yon." Ani ko. Si Nay Minerva lang ang may alam na anak lang ang meron ako, dahil syempre siya ang may-ari ng karinderya.
"Wow, parang dismayadong-dismayado ka pa." Natatawang aniya. "Mukhang mabait naman si pogi at kada-pumunta siya rito ay sa'yo lang talaga tingin nang tingin."
"Malamang e, nay, ako ang nagse-serve ng mga kakainin nila." Naiiling na ani ko.
"Sus, malay mo crush ka na niyan."
"Nay, alam mo delusional ka rin e 'no?"
"Ano? Malay lang natin. Ayaw mo no'n? Biglang angat buhay ka." Biro niya at binuntunan ng malakas na tawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/303930043-288-k639426.jpg)
YOU ARE READING
Daddys Series #1: Hacious Rousseau Ruiz
Romanceharu and ayri story. Started: March 08, 2022 End: