Chapter 29

10.2K 313 177
                                    


Bakit kamukha ko 'yong bata?





HINDI ko alam kung bakit pero kanina pa 'ko patingin-tingin sa gawi nila Haru. Hindi ko alam kung naninibago lang ba ako kasi kung titignan siya ngayon ay parang napaka-sanay niya na sa mga bata, at napaka maalaga niyang Ama.

"Hoy, babae. Kanina ka pa tingin nang tingin d’yan, malulusaw." Gulat akong napalayo nang bahagya kay Hugo dahil bigla siyang bumulong sa aking tainga.

"Baliw ka ba?" Inis kong sabi. Natatawa lamang siyang umiling at pasimple pang tinignan sina Haru.

Kanina ko pa sila tinitignan, pero wala akong makitang babae na kasama ni Haru. Saan na ang Ina niyan?

"Kanina mo pa siya nakita. Bakit hindi mo man lang binati?" Tanong ko.

"Wala, chismosa." Sagot naman niya. Ayos niya kausap ano?

"Hindi ba at tinakot mo pa 'ko noon na sasabihin mo sa kaniya na may anak ako?" Masungit na ani ko.

"Uto-uto ka kasi kaya naniwala ka naman. Hindi ko naman magagawang makeelam sa mga ganiyan. Hindi ako katulad niyang Haru mo." Paismid niyang sabi.

Tatanongin ko na sana kung anong nangyari sa kanila ngunit bigla na lamang lumapit si Liam at may babae pang ka-hawak kamay. Dahilan kung bakit kumunot ang aking noo.

"Ano 'yan, ha?" Striktang tanong ko. Lumapit muna siya sa'kin at tumingkayad upang alisin sa pagkaka-kunot ng mga kilay ko.

"Papa, ginalit mo na naman po ba si Nanay?" Tanong ni Liam

Agad namang umiling si Hugo at dinepensahan ang kaniyang sarili.

“Nay, si Irisia po friend ko po. Irisia, si Naynay ko.” Magiliw na ani Liam. Mukhang mabait naman ang bata at agad pang nag-mano sa akin.

Maliit ito, hindi katulad ni Liam kaya lumuhod pa ako nang konti upang kausapin ito. "Ang ganda naman ng nickname mo, parang name ko lang, Ayri." Ani ko.

"Ay oo nga Nay 'no? Iri, bagay talaga tayo." Sabad naman ni Liam. Sa kaniyang sinabi ay malakas na natawa si Hugo na tahimik na nakikinig sa likod.

Nang tignan ko ito nang masama ay agad itong nag-ayos ng tayo at sumeryoso. "Liam, masyado ka pang bata." Ika niya pa kay Liam.

"Oo nga po, Papa. Hindi ko naman po siya igi-girlfriend." Nakangusong sagot naman ni Liam.

"Irisia!" Natigil kami sa pagkukukitan nang may batang babae na tumakbo pa rito habang sumisigaw.

"Yuri?" Ani Irisia.

"Hi." Wala pa sa loob na bati niya bago hilain si Irisia. "The event is starting. Let's go na." Ika pa niya.

"Oh bakit hindi ka sumama sa kanila?" Takhang tanong ko kay Liam.

Umiling lamang ito at nagkamot ng ulo. "Saan sila Papa Nami at Tita?" Tanong niya.

"May binili lang daw saglit, ‘nak." Si Hugo na ang sumagot dahil pati ako ay hindi ko alam kung saan sila.

"Good afternoon our dear parents and children. we're here to celebrate our family day. Marami po tayong games and prizes. Please cooperate." Biglang ika ng emcee. "At syempre ang unang palaro po natin ay ang sack game." Magiliw na aniya at inexplain ang mechanics ng laro.

"Basic lang pala, Papa." Bali-walang ika ni Liam.

Natatawang binuhat ni Hugo si Liam at iniakyat sa kaniya batok. Nang magsimula silang maglakad at tsaka lamang ako sumunod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now