Chapter 14

8.5K 245 22
                                    


Duck's orange eggs.





ILANG linggo na ang lumipas nang malaman ko sa mga kaibigan niya na naka-buntis nga raw siya. Ngunit hanggang ngayon ay kinakain pa'rin ako ng pangyayaring 'yon, iiyak ako nang iiyak hanggang darating siya at magpapanggap na tulog kapag tatabi siya.

Habang siya nama'y kukwentohan ako ng kung ano-ano dahil hindi siya makatulog. Tangina, hinang-hina na 'ko sa kahihintay sa paliwanag niya, ni nagkakausap nga hindi kami nagkakausap.

Sabado ng umaga nang maalimpungatan ako dahil sa aroma ng kung anong pagkain na nagmumula sa kusina. Nanumig ang aking lalamunan dahil do'n, kaya agad akong tumayo at tumungo sa kusina.

Doon ay naabutan ko ang bulto ng walang pang-itaas na baro, at magulo ang buhok halatang kagigising pa lang. Nakatitig lang ako sa matipuno niyang likuran. Mukhang hindi niya naman ako napansin dahil pasayaw-sayaw pa siyang nagluluto.

Nang tuloyan akong nakalapit at umupo sa upuan na naka-harap sa kanya, ay doon niya pa lang ako napansin.

Humarap siya sa'kin at ngumisi, para bang napaka-inosente. "Good morning, ma'am."

Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinignan ang niluluto niya. Mukhang masarap naman.

Masyadong mabilis ang kilos niya, namalayan ko na lang na naka-yuko na siya sa sa'kin at sobrang lapit ng mukha niya. Ang matangos niyang ilong at tumutusok na sa pisnge ko.

"Stop lifting your eye brows. They're turning me on." Pagka-sabi no'n ay gulat na lang ako nang sakupin niya ng nakakapugtong hiningang halik ang labi ko.

Siya na mismo ang pumutol sa halikan. Dinilaan pa nga ang kanyang labi at ngumisi. "A very fucking good morning, indeed." Bati niya sa'kin.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko gamit ang malamig na boses.

Salubong naman ang kilay niya at tumayo ng tuwid. "Why? You don't want me here?"

"May sinabi ba 'ko? 'Yong niluluto mo masusunog na." Walang ganang sabi ko. Naka-nguso niya akong tinalikuran para bigyan ng atensyon ang kanyang niluluto.

"You won't compliment me? May alam na 'kong iluto." Taas kilay niya akong hinarap nang patayin niya na ang stove.

"Congrats, marunong ka ng mag-sinangag. Ready kana maging ama." Walang gana kong sabi at itinutok ang buong atensyon sa pinaglalaruang kamay.

"Soon. I'm gonna be an official father." Parang may kumurot sa dibdib ko nang marinig ang salitang 'yan. At hindi ako ang official mother? Ninang na lang.

"Wala ka bang sasabihin sa'kin?" Tanong ko nang simulan niyang ihapag ang iniluto niyang sinangag na pinagmamalaki niya.

"Te amo." Madamdaming aniya. Nai-ikot ko na lang ang aking mga mata sa kanyang tinuran.

"I love you so.. so.. so damn much. I'm willing to sacrifice all for you, even if it will burn me. Arreglaré este lío, lo prometo." Aniya pa. Ilang minuto pa 'kong tumitig sa kanya bago nagpaka-wala ng buntong hininga.

"Iyon na?" Dismaya kong sabi.

"Huh? What else do you want me to say?" Bigla na lang siyang lumapit sa 'kin. Inangat ako para siya na ang umupo sa mismong kinauupuan ko at ako nama'y pinaupo sa kanyang kandungan.

"Eat well sana." Sabi ko at sumandok na lang ng sinangag.

"Hmm... Eat the food i cooked, well. I'll eat you well later." Aniya at humalik sa aking leeg.





"HOW'S it? Is it good?" Kinakabahang tanong niya. Tapos na kasi akong kumain. Medyo wala akong gana kaya naka-dalawang plato ng sinangag lang ako. Wala pa 'kong gana niyan, oo.

"Masarap." Sabi ko at sinabayan ng pag-ngiti.

"Your smile is not genuine, though." Aniya at tumawa ng mapakla.

"Tawa mo rin, peke. Antok na ulit ako." Sabi ko at mabilis siyang tinalikuran.

Hindi na 'ko magpupumilit na mag-hugas ng mga hugasin, mag-aaway lang kami. Kumukulo pa naman dugo sa kanya. Minsan nga parang ayoko na siyang makita.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay sumunod na rin siya sa kwarto ko.

"Uhm... kanina when i'm finally pauwi na, i saw a vendor of your favorite egg na may buhay na baby duck or something sa loob. Want me to take you there?" Malambing na aniya. Para akong batang uto-uto na napa-tingin sa kanyang pagod na mata.

Kanina? So kanina lang siya nakauwi? Akala ko kagigising lang niya. Kung titignan nga naman ang mata niya kahit pangiti-ngiti siya ay halata ang pagod at pagka-lumo sa kanyang magagandang mata. Parang tuta na nagsusumamo.

"Bakit hindi ka na lang kaya matulog?" Tanong ko.

"I-i will but c-can i...have some cuddles, before i sleep?" Mahinang pakikiusap niya, ibinaba oa nga ang kanyang tingin, tila ba iniisip na walang namang pag-asa.

"Ibibili mo ba 'ko ng balot?" I rudely asked.

Ngumisi siya at inisang hakbang ang kinaroroonan ko. Tangkad, sanaol.

"I will buy you anything you like, h'wag lang sobra." Masuyo na aniya habang mahigpit akong niyayakap.

"Okay na? Nasasakal na 'ko. Matulog na tayo." Ngumuso at tinalikuran siya. Mabilis naman siyang sumunod na parang tuta. Muli niya akong niyakap sa likuran, at hinalikan sa tuktok ng ulo. Gano'n siya hanggang makarating kami sa kama.





PAG-GISING ko ay tulog na tulog pa'rin si Aze kaya tinalonan ko ang likod niya.

"Hmm?" Dumaing siya at agad ako hinawakan sa baywang. "Stop it, you might fall." Marahang aniya.

"Iyong balot ko!" Parang bata na ungot ko at gumalaw galaw sa likod niya. Ang tigas naman ng likod niya ehe.

"Uhuh? You're getting heavier now hm?" Paos na aniya at marahan akong iniangat upang ilagay sa kanyang tabi.

Bigla akong nainis sa sinabi niya. "Ano? Mabigat na 'ko? So iiwan mo na 'ko? Sige umalis ka na lang. Tangina mo, h'wag ka ng babalik dito." Inis na sabi ko at padabog na tumungo sa banyo.

"Not so fast." Mapang-akit niyang bulong sa tainga ko.

"Ano ba nakikiliti ako." Pilit na inis, na sabi ko.

"I missed you." Muling niyang bulong pero ngayon ay sa leeg ko na.

"Gusto mo lang maka-isa eh." Marahan siyang natawa sa sinabi ko. Bigla akong hinalikan at marahang itinulak pa-pasok sa banyo.

At nangyari na nga ang dapat mangyari.




"ANG sarap!" Ngingisi ngising sabi ko habang isinasayaw sa ere ang ulo ko.

"Gusto mo?" Nakangising alok ko sa balot na nakabukas. Tinitigan niya na para bang natatakot, dahil ini-atras pa ang ulo.

"N-no, baka gumalaw 'yan." Umiling siya at itinaas ang baso niya na punong puno ng kwek-kwek. "I'm okay, with these duck's orange eggs." Aniya.

"Ha? Anong duck's orange eggs? Baliw ka ba? Feeling richkid?" Pasalamat 'to at may hawak akong balot kung hindi na-sampal ko na siya.

"Isn't this what you call quack quack? So i assumed that these are duck's eggs." Nagugulohang aniya. Sa kanyang sinabi ay naubo ang tindero, at ng tignan ko ay nagpipigil na siya ng tawa.

"Gago, kwek kwek!" Tawang-tawa na sabi ko.

"Stop laughing it's not funny." Busangot na aniya at muling sumubo ng isang duck's orange egg.

Enjoy your holy week. Init, grabe.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now