Chapter 24

7K 248 75
                                    

Papa de asukal.



HUMINGA ako nang malalim at tinignan ang bahay na uupahan namin, ayon kay Fei.

"Gago, Ayri? Ikaw na ba talaga 'yan?" Aniya habang marahang pinisil pisil ang mukha ko, at parang maiiyak pa. Hindi rin naman nag-tagal ang pinag-gagawa niya sa mukha ko, dahil sa mariing suntok na na-tanggap ni Fei.

Tangina nito, last last week palang ang nakararaan nung nagkita kami.

"Liam!" Gulat na sigaw ko

"H'wag mong hawakan Nanay ko. Marumi kamay mo!" Gigil na sigaw ng anak ko kaya natawa ako. Hindi naman siguro masakit 'yon?

"ANAK MO?!" Gulat na tanong ni Fei. Hehe surprise?

"Halata ba? Maganda Nanay ko, tapos pogi ako." Pabalang na sagot ni Liam anak ko.

"Liam!" Saway ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas-himas. "Ano, galit ka, Nay? 'Wag mo 'kong tawagin niyan. Ayoko sa L! Archi na lang." Paga-alburoto niya. Pag kasi pinapagalitan ko siya Liam ang itina-tawag ko sa kanya. E ayaw niya naman daw sa letter L. Ewan ki nga ba sa batang ‘yan

"Kung bakit ba kasi Liam, pwede namang Iam."

"Uy bata! Hi! Ako si Tita Fei mo." Masiglang ani Fei. Yumuko pa siya sa harapan ng anak ko upang magka-pantay sila. Buti na lang at hindi na siya nagtanong. Obvious naman kasi siguro, Ayri.

"Ganiya naman pangalan mo. Pangit." Seryosong sabi ni Liam.

"Bakit? Inspired sa’yo ‘no?"  Pamimilosopo ni Fei.

"Pero bagay naman pala pangalan mo sa’yo—"

"Naman—"

"Hindi pa 'ko tapos! Sabi ko bagay pangalan mo sa'yo kasi panget ka, tapos pati pangalan mo! Pa-taposin mo kasi ako! Wala kang mannerism—" Tumingala siya sa'kin at nag-tanong. "Ay ano nga 'yon Nay?"

"Manners hindi mannerism, Archi. Sige, bardagulan kayo ng Tita mo." Nakangiti kong sabi.

"Pareho lang naman 'yon. Dinagdagan lang ng ism."

"Proud Mama ang put—

"Bibig mo naman panget! Bawal 'yon e. Sabi ni Papa bawal mag-cuss." Parang matanda na pangaral ni Liam. "Ang pangit-pangit mo na nga, ang pangit pa ng pangalan mo, tapos ang pangit din ng lumalabas sa bibig mo. Pangit ba buong pagka-tao mo, Tita Fei?" Inosenteng tanong ni Liam.

"Deserve." Bulong ko.

"Aba siraulo 'tong batang 'to. Sana pinutok ka na lang sa kumot." Pikon na ani Fei. Buti at hindi ata napansin 'yong 'Papa'. Usosera pa naman 'to.

"Hindi naman ako fire works. Bobo ka ba, Tita?" Sagot ni Liam.

"Bibig mo, Liam!" Saway ko ulit. Minsan tlaaga sarap sakalin ng batang 'to.

"Sorry Nana—

"Aba, bakit fire works lang ba ang pumuputok?" Si Fei.

"Eh ano ba yung pinuputok sa kumot? Imposible naman na ako 'yon! Hindi ka ba nag-aral? Ang tanda-tanda mo na!" Inis na sabi ni Liam. Ikaw nga 'yon anak.

"Hoy, babaita, bawalan mo na nga ‘yang dalawang ‘yan. Baka kung saan pa sila umabot." Namumulang bulong ni Chey sa gilid ko.

"Tara na nga, pasok na tayo. Baka kung saan pa mapunta 'yang pag-aaway niyo." Sabi ko.

Binitbit ko ang mga gamit namin gami ang kaliwang kamay, sa kanan naman ay hawak ko ang kamay ni Liam. Si Fei at Chey naman ay nag-buhat na rin ng iilan. Kung ano-ano pang pinag-uusapan nila,parang close na nga.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now