Kabag.
HANGGANG ngayon ay tulala pa'rin ako sa piraso ng papel sa aking kamay, habang lumuluha."Tangina, para saan naman 'tong ultrasound na 'to? At talagang iniwanan pa sa bulsa ng pantalon niya." Mangiyak-ngiyak kong sabi habang marahas na pinupunasan ang sipon na tumutulo mula sa aking ilong.
"Imposible naman na sa 'kin 'to, hayop."
Sa gitna ng pagda-drama ko ay bigla akong naka-ramdam ng gutom. Parang gusto ko ng spaghetti!
Agad-agad kong tinawagan si Jordan my best friend. Dalawang ring lang ang nag-daan ay agad niya na itong sinagot.
"Ano? Kumakain yung tao e, istorbo." Bungad niya na lalong nagpa-iyak sa'kin. Bakit napaka emotional ko? Putcha.
"Ay? Gago, anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Anong masakit? Punta ako rya'n?" He worriedly said.
"Jordan! Gusto ko ng spaghetti na malamig na na-stock sa ref." Parang bata na sabi ko.
"Ha? Seryoso ka ba? Gosh, are you crazy?!" Pa-hysterical niyang sigaw mula sa kabilang linya. Kaya medyo nailayo ko sa aking tenga ang cellphone na hawak.
"Ayaw mo? Hindi mo na ba 'ko mahal, Jordan? K-kapag hindi mo 'ko" Sininok ako kaya medyo tinigilan, natawa naman siya ro'n. "Ibinili no'n i-isusumbong kita kay Aze. "
"Spaghetti sa Jollibee na galing sa ref? Gusto mo talaga no'n? 'Yon ang dahilan kaya ka umiiyak?"
"Hmm-hmm." Ani ko habang naka-palabi akong tumango-tango.
"Iyon lang ang dahilan? Sigurado ka? Walang masakit? Walang nangyaring iba?" Masuyo niyang tanong.
"Ano..." Naluha na naman ako at tinignan ang papel na hawak hawak ko sa kabilang kamay. "Wala. D-dalian mo nalang gutom na 'ko. Babayaran ko na lang."
"Heto na. Gaga ka talaga eh 'no? Ano naman kayang naisipan mo at gusto mo ng na-stock sa ref na jollibee spaghetti? Saan ko naman nanakawin 'yon?" Tila problemadong aniya. Umiling na lang ako habang lumuluha pa'rin.
"Thank you, Jordan. I love you, bestfriend ko."
"Mamamatay kana ba?" Wala sa sariling aniya.
"Maganda ba sa langit?"
"Mapupunta ka ba sa langit?" Pagba-bara niya.
"Tangina mo ba? Gusto mo na ba talaga matapos ang pagka-kaibigan na'tin?" Pikon na sabi ko.
"Tataposin mo na ba? Sige hindi ko na ibibigay 'yong gusto mo—
"Ay hindi bakit ka ganyan, bff? Ang gwapo mo talaga. Bilhan mo 'ko ha?" Boses batang sabi ko.
"Inangyan ang laswa naman. Sige na ibaba ko na ho, bruha." Puno ng pandidiri na aniya.
"Ayos ka—" Natigil ako sa pagsasalita dahil sa biglaan niyang pagputol sa tawag. Siraulo talaga.
"INANG BRUHA!" Dinig kong sigaw na nagmumula sa sala at palapit na sa kusina."Dala mo ba?" Maangas na tanong ko.
"Sa tono mo para kang nageexpect ng good items ah. Ilang gramo ba, boss?" Sarkasmong aniya habang inihahanda sa harapan ko ang malamig lamig at nakakatakam na spaghetti na nanggaling sa ref.
"Sarap!" Nakangising sabi ko habang enjoy na enjoy kong nilalantakan ang spaghetti.
"Ayos ba? Fresh from the fridge 'yan." Ngising aso na aniya.
"Saan mo na naman ninakaw 'to?" Tanong ko.
"Ano e, bumili ako diba ng spaghetti sa jollibee. Myaw ko namang sumakit 'yang tiyan mo kaya ayoko ng na-stock. Nanghiram akobng maliit na ice box kay Ciel tapos nilagyan ko ng yelo na galing kay Fei. 'Yong itinitinda nila diba. Joke lang yung galing sa fridge pero solved diba?" Proud na aniya habang mapag-malaking nag-thumbs up sa'kin.
YOU ARE READING
Daddys Series #1: Hacious Rousseau Ruiz
Romanceharu and ayri story. Started: March 08, 2022 End: