Chapter 21

7.4K 246 54
                                    

Nanay?


"NAY NAY, na saan po ang Tatay ko?" Kyuryoso niyang tanong na ikinatigil ko. Hindi ko alam ang aking sasabihin lalo pa't alam ko na masasaktan lang ang anak ko. Ayaw na ayaw kong maramdaman ng anak ko ang naramdaman ko noong nalaman ko na may ibang pamilya ang Tatay niya.

"Ibinili nga pala kita ng lego, anak. Naroon sa kwarto." Naka-ngiting sabi ko. Mabuti na lang pala at naisipan ko siyang ibili at may pera ako kanina.

Napatalon siya, at bakas sa mukha niya ang saya kaya napangiti ulit ako habang tinititigan siya. "Wow! Lego? Totoo po? Saya! Love you po Nanay kong maganda is the byotipol in ertkwik!" Pumapalakpak na aniya.

"Ha? Is the byotipol in ertkwik?" Natatawa kong sabi.

"Nakakayanig ang ganda mo Nanay!" Swabeng aniya habang tinuturo ako at kinidatan.

Tawang-tawa naman ako sa kanyang sinabi. "Ikaw rin anak kong gwapo. Is the handsome in earthquake."

"Naman. Ganda Nanay ko e. Tignan ko lang po bago kong lego Nanay. I love you po! Thank you." Paalam niya at nanakbo patungo sa aming silid.

Pabagsak akong umupo sa isang upuan at pumangalumbaba sa mesa. "Buti naka-lusot. Salamat lego."


"NANAY ang ganda mo. I love you." Malambing na ani Liam na mahigpit na naka-yakap mula sa likod ko habang nagtutupi ako ng mga damit.

"Ayri, that kid wants something. Or someone?" Malokong ani Hugo na naka-sandal sa hamba ng pinto habang hawak hawak ang eroplanong gawa sa lego.

Ang gwapo niyang tignan dahil sa plain white shirt na suot niya pang itaas, punit punit na jeans pangibaba, at may suot pa itong cap na kulay pula. Pero mas gwapo si Aze. Joke! Biro! Lason! Tsaka Aze? Aze nga ba?

"Bakit nandito kana naman? Tang juice naman Hugo, utang na loob. Mag-anak ka nalang ng sarili mo, hindi yung dito ka na lang naglalagi at kung ano-ano ang itinuturo mo sa anak ko. Kulang na pang ay matulog ka na rito." Yamot na sabi ko. "Sawang sawa na 'ko sa mukha mo. Araw araw nalang narito ka. Mukhang nilalandi mo pa ang kaibigan ko!"

"Am i? I'm not flirting with her. I'm just trying to be friendly, you know.." Naka-ngisi na aniya. Tangina sarap tanggalan ng labi, nakaka-yamot 'yang ngiti niya, pero mas malala ang ngiti ni Dawn.

"Joke time ba 'to?"

"Genuine 'yon!" Naikot ko na lang ang mata ko sa kanyang tinuran at tinaasan siya ng kilay.

"Galit na si Nanay sayo. Mag-sorry ka, kung hindi papalayasin kita, Papa." Salubong kilay na ani Liam kaya natawa ako at binelatan si Hugo na hindi makapaniwalang tinignan ang anak ko.

"Palalayasin mo 'ko? I feel betrayed, Maze." Madamdaming ani Hugo habang hawak-hawak ng isa niya kamay ang dibdib niya.

"Ayoko na nakikita si Nanay na gagalit ng totoo, o iiyak ng totoo. Papatayin ko ang gagawa sa kanya no'n, kasi mahal ko si Nanay ko. Ayaw ko nga na nagpapatuyo siya ng pawis tapos papa-galitin mo lang? Baka mamatay sa sama ng loob si Nanay ko." Naka-ngusong ani Liam. Hindi ko alam kung maiiyak ba 'ko o matatawa kaya hinapit ko siya paharap sa'kin para yakapin.

"I love you, gwapong Archi ko."

"I love you more, Nanay kong maganda. Gusto ko po ng ice cream."

"Sweet. Mukhang mahihirapan ang lalaking 'yon. I'm so excited." Magiliw na ani Hugo na nasa hamba pa'rin ng pinto at para bang aliw na aliw sa panonood sa'min.

"H'wag kang maingay r'yan. Umuwi ka na lang sa inyo." Masungit na ani ko.

"Someone wants an ice cream, right Maze?" Binalewala lang ng gago ang sinabi ko.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now