Happy 21.9k reads Hacious and Ayri, sana umabot tayo sa prologue bestie. Happy 2.33k sa'kin i love you all! Happy reading.Hindi ko ide-delete 'to. Achievement na'tin 'to!
-
Masakit, bakit ganito?
PAGKA-TAPOS noong ma-ulang araw na 'yon ay mas lalo pang naging busy si Aze.Halos hindi na nga siya umuwi. Kung uuwi man siya ay tulog na 'ko tapos magigising na lang ako na may pagkain sa mesa na naka-takip at ang note na galing sa kanya. Hindi na rin siya makatawag. Ewan ko ro'n.
Parang mag-isa na lang ulit ako at walang kapitbahay. Dati naman ganito rin. Gusto kong mag-tampo, pero naiisip ko na para rin naman sa hinaharap ang mga sakripisyong ginagawa niya.
Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya agad ko siyang tinawagan dahil magpapa-bili sana ng burger.
Ilang rings muna ang nakalipas bago ito nasagot. Pero ang kinagulat ko ay hindi si Aze ang sumagot.
"Hello...my baby?" Paos ang boses ng lalakeng 'yon.
"Hello sino 'to? At anong my baby? Ulol!" Barumbadong sabi ko. Teka nga... Dawn?
"Hala, Ayri? Gago, na saan na ba si Aze?" Tila kinakabahan na anang nasa kabilang linya. Tama, si Dawn!
"Ewan-" Si Orion 'yon. Alanganin pa nga kung sumagot. Mukhang binabantaan ng kung sino.
"Check up ngayon noong babaeng nabuntis niya. That fucking man is a dick-" Matabang na boses 'yon.
"Fuck you, Crius." Mariing sabi ng nasa kabilang linya. Si Dawn.
"Bakit? He was just stating the fact. That freak is really fucked up-" Kilala ko 'yon! That was Hugo!
Sa gulat ko ay na-patay ko na lamang ang tawag. Bakit galit na galit sila? At anong babae? Ano?! Nakabuntis ba siya?
Unti-unti akong kinain ng kaguluhan sa utak ko. Iilang tanong lang ang pabalik-balik sa utak ko.
Bakit?
Anong nangyayari?
LUGMOK na lugmok ako. Maluha-luha pa nga ako nang biglang nagsi-datingan sina Jordan."May burger ako na dala, Ay!" Masiglang ani Jordan at nanakbo papunta sa'kin.
Pilit akong ngumiti at hindi pinakita sa kanila ang bigat ng nararamdaman ko. "Hala, talaga? Ang saya. Pahingi." Masaya? Talaga lang ha? Parang kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko na masaya talaga e.
"Ang tamlay mo naman tignan. Hindi ka rin nag-tanong kung saan galing ang ipinambili ko nito. Okay ka lang?" Marahang ani Jordan at hinaplos ang noo ko.
Irita kong tinabig ang kamay niya at kinalkal ang laman ng supot.
"Inamo. Para kang bata, gaga." Si Fei na nakahalukipkip sa tabi ni Ciel.
"Ano naman? Sa'kin na lahat 'to ah." Sabi ko at kumuha ng isa. Sabay tago ng mga nasa supot sa likuran ko.
"Buntis ka ba, Ayri?" Nanghihinalang boses ni Ciel na tahimik lang na nagmamasid. Bago 'to ah. Tahimik?!
Napa-ubo ako sa kanyang sinabi. "Gago ka ba? A-anong buntis?! Baliw. Sino namang magiging Ama?" Sabi ko. Sana 'wag naman muna. Busy pa ang magiging Tatay. Nagpapaka-tatay sa ibang babae na nabuntis niya.
"Nasaan na ba 'yang si Aze? Napaka putla mo. Mukhang may nararamdaman ka. Dapat may kasama ka rito!" Si Ciel. Grabe naman 'tong si Ciel, jumpscare.
"May tinatrabaho yung tao..." Tinatrabahong iba... keme lang mhie.
"Okay ka lang ba talaga?" Hindi pa'rin talaga tapos si Jordan sa pagmamasid sa mukha ko. Bakas din sa hitsura niya ang pagaalala.
"Oo naman. Ano ka ba? Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ko. Iniiba ko lang talaga ang topic e. Ayoko ma-hot seat sa ngayon.
"Naisipan ni Jordan na dalhan ka ng burger. Ilang araw ka na naming hindi nabibisita rito." Si Fei na ang sumagot. Dahilan kung bakit napatingin ako sa kanya na para bang nang-aakusa. Umiwas agad siya ng tingin at sumimangot. In a relationship na ba status nila?
"Jordan?" Tawag ko.
"Hm? Ano? May gusto ka? Masama pakiramdam mo?" He gently responded.
Natawa ako at umiling. "Okay nga lang ako, sira. May girlfriend ka na ba?" Ani ko. Sa aking sinabi ay agad na nanlaki ang mga mata ni Fei.
"H-ha? Ako? Wala 'no." Utal-utal na ani Jordan at namumutlang umiwas ng tingin. Hm meron...
"Ako, single ako." Sabi ni Ciel.
"Sino namang nag-tanong?" Si Fei.
"Well... dogs don't ask. They listen." Maarteng ani Ciel.
"Oh... That's why i caught you listening on our conversation, kahapon." Maarteng ani Fei.
"Tangina, niyo nakaka-bobo kayo." Sabi ko.
"Boring naman. Saan pwedeng gumala?" Si Ciel.
"Walang trabaho ngayon si Ay. Saksak!" Ani Jordan.
PAGOD na pagod akong nahiga sa kama dahil sa kung saan-saan kami napadpad. Kahit papa'no ay hindi ko naisip si Aze. Huminga ako nang malalim habang nakatulala sa bubong ng bahay. Wala kasi akong kisame. Purita. Sa gitna ng malalim ko na pagiisip ay may narinig ako pamilyar na mga habag ng mga paa. Kaya agad akong napa-pikit at nagtulog-tulogan."Nandito lang pala ang mapapangasawa ko." Dinig kong bungad niya pag-bukas na pag-bukas sa pinto ng kwarto. Agad niyang binuksan ang bentelador sa gilid ko. "Why wouldn't you turn on the electric fan, Missy? I will turn it to number three. So you'll hug me when you're cold." He sweetly said. Para bang walang ginagawa.
Nilalamig talaga akong, hayop ka. Nasusuklam ako, pero hindi pa naman sigurado ‘di ba? Kailangan ko siyang pagka-tiwalaan.
"Why are you so beautiful?" Naramdaman ko na lang bigla ang pag-lapit niya at ang marahang pagsinghot niya sa leeg ko.
"I'm sorry, ma'am. I tried to get home, early. But you see, i can't." Marahan niyang sabi. Unti unti kong naramdaman ang pag-higpit ng yakap niya.
"I can't sleep, ma'am. I wanted to tell you something, but... i guess it's more necessary if you're awake." Aniya. Napaka lakas ng tibok ng puso ko. Para akong maiiyak na ewan. Masama ang loob ko sa kanya. Bakit siya ganito?
"Kinakain ako ng konsensya ko, Ayri. I did something that you won't fucking like. I'm fucked up. I'm fucking dumb. I'm sorry. Please let me explain first, okay? Don't leave me. I need you. " Parang gusto ko na ring umiyak sa mga bisig niya nang maramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko at narinig ang impit niyang pag-iyak.
"My... my friends are mad at me, baby. I know they wouldn't tell it to me but i can sense it." Parang bata na sumbong niya. Pinipigilan ko ang pagluha ko sa kanyang pinagsasabi. Bakit ganito siya?! Marupok ako!
"I think they're mad because of what they think i did. I just can't tell 'em, dahil manghihimasok sila sa gulong nagawa ko. Nevermind them. I just..." Huminga na para bang napaka-bigat ng kanyang pinapasang problema. "I just need you're trust and you. I love you, mahal kita, te amo, wo ai ni, ich liebe dich, eu te amo, mahal kita, kaluguran daka... Mierda. Te amo tanto, y duele." Medyo nagulohan ako sa kanyang pinagsasabi. Alien language. Kaya humarap na lang ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
Masakit... Masakit talaga, bakit ganito? Pinigilan ko ang aking sarili na maiyak at ninamnam na lamang ang presensya niya.
Sa mga nag-daang araw, lagi ba siyang ganito?
—
sorry, ngayon ko lang na-post. nagka-sabay-sabay po kasi mga activities. please bare with me, my dear readers.
YOU ARE READING
Daddys Series #1: Hacious Rousseau Ruiz
Romanceharu and ayri story. Started: March 08, 2022 End: