Bakit?
HUMINGA ako nang malalim habang sinisilayan ang malaking gusali sa harapan ko. Hay, pang-ilang trabaho na ba 'to? Kailan naman kaya ako tumagal sa mga trabaho na na-pasokan ko?Unang araw ko ngayon sa trabaho, sana swertehin ako.
Matamis akong ngumiti at tumawid sa kabilang kalye. Hindi naman kasi sa gusaling 'yon ako magta-trabaho. Kun'di sa tapat nitong karinderya.
Dere-deretso kong tinahak ang loob ng karinderya at lumapit sa may kahera.
"Uh, magandang araw ako nga pala 'yong aplikante na inaasahang magsi-simula na ngayon." Magiliw kong ani sa kahera.
"Ah, ikaw ba 'yon? Aba'y teka at tatawagan ko si Inang." Anya at nagmamadaling tumungo sa isang silid. Mukha naro'n ang tinatawag niyang Inang.
Nakaraan ang ilang minuto ay lumabas din siya at kasama na ang matandang babae na nakausap ko kahapon.
"Oh ineng, dala mo na ba ang bayodita mo?" Aniya habang pinu-punasan ang kanyang magka-bilang kamay sa apron na naka-suot sa kanya.
"Ah oho, heto ho." Mabilis kong hinalungkat ang bag ko at iniabot sa kanya ang aking bio-data.
"Oh siya ija. Maaari ka ng mag-simula ngayon. Gemma, ituro mo ang mga kailangan at hindi dapat gawin sa kanya." Aniya. Agad namang lumapit ang babae na kanina pa nakiki-usyoso.
"Magandang umaga, ako si Gemma." Magiliw na aniya.
Ngumiti naman ako sa kanya at binati siya pabalik."Magandang umaga, ako si Ayri."
Pagka-tapos ng mahaba-habang pagpapa-kilala ay sinimulan ko na niya ang pagtuturo sa 'kin.
"HAY... ka-pagod." Reklamo ko sa aking sarili habang mina-masahe ang aking leeg."Naynay ko, masahe ko likod mo?" Isang maliit na boses ang aking narinig sa likod ko, ang nagpa-pitlag sa 'kin.
Agad akong lumingon sa pinaggalimgan no’n, at pinag-masdan ang gwapo kong anak.
Agad siyang lumapit sa 'kin at pinindot-pindot ng kanyang maliliit na kamay ang likuran ko.
"Ayri-girl!" Matinis na sigaw ni Ciel sa bungad ng bahay namin.
"Ingay mo naman, tita. Busalan kaya natin bunganga mo?" Naka-simangot na anang anak ko.
Ako nama'y natawa at sinaway siya. Ngunit hindi talaga maawat ang bibig niya kung minsan. May pinag-manahan naman.
"Ikaw kaya busalan kong bata ka? Hm? Masyadong pasmado 'yang bibig mo ha." Ani Ciel at pinanlakihan ng mata ang anak ko.
"Nay-nay oh si Tita!" Nang-hihimutok na aniya.
"Ano ba 'yon, Ciel? Sabihin mo na at ng maka-layas ka na." Pa-biro kong sabi.
Hinawakan naman ng inggrata ang dibdib niya at umakto na parang nasasaktan. "Ang sakit niyo talagang mag-ina."
"Ang oa mo nama-"
"Shh, huwag kang maingay. Heto sampung piso oh." Agad na bara ni Ciel kay Liam, at inabutan siya ng limang piso.
Kinuha naman 'yon ng anak ko ngunit nag-reklamo pa. "Limang piso lang, Tita?" Busangot na aniya.
"Dagdagan ko na lang 'yan mamaya. Basta makipag-laro ka muna r'yan. May paguusapan lang kami ni Nay-nay mo." Ani Ciel.
Masunurin namang tumango ang anak ko at ngumiti, dahilan kung bakit lumubog ang singkit niyang mga mata at lumitaw ang malalim na dimple sa kanyang pisnge.
YOU ARE READING
Daddys Series #1: Hacious Rousseau Ruiz
Romanceharu and ayri story. Started: March 08, 2022 End: