ANG UNANG YUGTO

519 24 4
                                    


Nandito ako ngayon sa Siargao Beach Resort habang nakahiga sa beach chair.

Pinapanood ang kulay asul na dagat habang malayang humahampas ang mga alon nito sa pangpang.

Ang ganda ganda talaga rito sa Siargao, may preskong hangin, malinis na tubig, at napakatahimik ng lugar.

Kaya parati kong binabalik-balikan ang lugar na 'to. Sa lugar kasing 'to, nakakapag-isip ako ng maayos.

Malayo sa toxic na mga tao at maingay na mundo na ginagalawan ko.

Ako nga pala si Tanchellie Lobete, 29 years old, at nabubuhay na bitter sa mundong ito.

At the age of 29, I have my own company na pinangalanan kong CHI Architectural Design, Build, and Supply.

Masasabi kong I'm a successful woman...

pero hindi masaya simula ng masaktan ako dahil sa isang tao.

Okay! Inaamin ko na, tama nga ang iniisip ninyo. Nandito ako para mas lalong saktan ang sarili ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang lugar na 'to kung saan kami nagsimula ng ex-boyfriend ko.

No'ng naghiwalay kami, hindi na ako naniniwala sa mga love love na 'yan. Para sa 'kin, para lang 'yan sa mga mahihinang nilalang.

I was using my phone when suddenly, nakuha ang atensyon ko sa isang babaeng tahimik lang na kumukuha ng litrato sa dagat.

I checked the time and it's already 5:00 PM in the afternoon.

Tama. Sa mga oras na 'to mas lalong gumaganda ang view sa Siargao dahil kitang-kita roon ang papalubog ng araw.

Sanay akong may nakakasalamuhang mga magagandang babae dahil sa kompanya ko, but this girl in front of me...

kakaiba 'yung ganda niya.

Sa tingin ko, photographer siya rito. Sa suot niya ba namang white t-shirt and skinny denim jeans, pero...

ang ganda ganda naman niya para maging photographer lang dito sa Isla.

She's simple but has an angelic look. Definitely, for me she's totally...

beautiful and hot.

Iiling-iling na lang ako sa pumapasok sa isipan ko at ibinaling ang mga mata sa magandang sunset na nasa harapan ko.

Napansin ko na lang ang pangingilid ng aking mga luha habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin sa dagat.

***

SATURDAY NIGHT

Nasa isang bar ako ngayon sa Siargao...

nag-iisa.

Ano nga ba ang kaibahan ngayon? Parati naman talaga akong nag-iisa simula no'ng naghiwalay kami ng ex-boyfriend ko.

Sa isip ko, na napatakip na lang sa sarili kong bibig habang pinipigilan ang sariling tumawa.

Hawak ko sa dalawang mga kamay ang isang beer habang nakaupo ngayon sa isang silyang kahoy at pinagmamasadan ang mga taong sumasayaw sa harapan ko.

This is the nightlife in Siargao. Kapag nandito ka, panandalian mong nakakalimutan ang lahat ng mga pasanin mo sa mundo.

I turn my head, looking for someone na pwede kung makausap. H'wag na kayong magtaka...

dahil ito talaga ang madalas na ginagawa ko, mingle with strangers but no string attach at all.

No'ng mapansin kong wala ata akong taong pwedeng makausap, ay pumunta na 'ko sa gitna habang bitbit ang hawak kong beer at sumayaw.

I really love this! Walwal hanggang mag-umaga! Sa ginagawa kong 'to, nakakalimutan ko 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon!

Iinumin ko na sana ang beer nang matigilan ako nang may humawak sa braso ko, napabaling ako para kilalanin siya...

at natigilan ako, no'ng makita ko siya.

Nginitian niya 'ko kaya napansin ko ang maliit niyang dimples malapit sa bibig niya.

I don't understand...

but when I stare her cutest smile...

and beautiful brown eyes...

I felt the happiness inside of me.

Nakangising inagaw niya sa kamay ko ang hawak kong beer at ininom iyon sa harapan ko.

Gumuhit naman ang mapait niyang mga ngiti sa labi nang lunukin niya ang laman niyon.

"Who are you?" malakas kong tanong dahil sa lakas ng togtogin doon.

Humarap ako sa kanya at sinayawan siya. Ginantihan din niya ako ng sayaw na labis ko namang nagustuhan dahil sa lambot ng katawan niya.

"You're good in dance ha?" tumatawa kong sabi na hindi maiwasang mapakapit sa balikat niya dahil sa ganda niya.

"Slightly!" tugon niya sa 'kin.

"What is your name again?" tanong ko ulit sa kanya.

"Sarah..."



Hello mga Lablab, mababasa niyo lamang po ang karugtong ng kwento sa ating YouTube Channel: Tagalog Love Stories MS

ONE SHOT - FOR ONE NIGHT ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon