Chapter 3

2 0 0
                                    

Nakatingin parin ako sakanya, walang masabi. "Rianne? Okay ka lang?" inalog ko ang ulo ko at ngumiti sakanya, hinawakan ko ang jacket niya at sinuot ito ng maayos, nilalamig narin kase ako. Bakit kase eto ang napili kong suotin ngayon.











Nagtataka ako kung bakit siya nandito, halata naman na hindi siya dito nag-aaral, nakasuot siya ng puting polo at black na pantalon, naka kabit din ang logo ng school nila sa chest pocket niya, "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka dito nag-aaral ah?" bahagya siyang tumawa at kinamot ang ulo. Tinignan niya muna ang hallway sa likuran ko na parang may hinahanap, napatingin tuloy ako kung saan siya tumitingin.











"Wala hinanap ko lang tropa ko may utang sa'kin 'yon eh, tinakasan nanaman ako." Natawa ako sa rason niya kung bakit siya nandito, bahagya rin naman siyang tumawa. May dala dala din siyang duffel bag kagaya nung una ko siyang nakita, kakagaling niya palang ata sa training nila if he is training.











Biglang lumakas ang ulan kaya naisipan muna namin na pumasok sa loob dahil baka mabasa kame, may ilaw pa naman sa hallway kahit napaka dilim sa labas dahil sa ulap, naglakad papunta sa isang room si Mikey, nagtaka ako kung may hinahanap parin ba siyang iba kaya sinundan ko nalang siya.











Pagka pasok ko sa room ay nakita ko na may kausap na teacher si Mikey, magkakilala kaya sila? Naputol ang usapan nila ng makita ako ng teacher, nagtama ang tingin namin at napaawang ang labi ko sa kung sino ang nakita ko, "Oh Ms. Pres nandito ka pa pala?" yung adviser ko.











Tumango ako at ngumiti nalang sakanya, inanayayahan niya akong lumapit sa kanila at ginawa ko naman yon. Ningitian ako ni Mikey na parang hindi niya ako kasama kanina pa, tinanggal ko muna ang jacket ni Mikey at hinawakan 'yon, "You've met him already Rianne?" tinignan ko ang teacher ko at sinabi ko sakanya kung paano ko nakilala si Mikey. Ngumiti siya at tinignan si Mikey ulit, "Your little sister can really do wonders Blair."











I gave them a confused look, anong meron? Am I missing something? Nag kibit balikat nalang ako at hindi na nag abalang itanong ulit, umupo nalang ako sa isang upuan sa bandang likod, baka kasi may pag usapan sila na dapat sila lang ang makaalam kaya lumayo na ako. Hindi parin tumitila ang ulan kaya nilabas ko muna ang cellphone ko sa bag ko, pagkabukas ko non ay nakita ko na punong puno ito ng message galing kay Kristel.











Napangiti ako ng malawak dahil mabuti na ang pakiramdam niya. We talked for a few minutes bago lumapit sa'kin si Mikey, nakatayo lang siya sa harapan ko habang tinitignan ang cellphone niya, "Mukhang wala na siya dito, tara na Rianne, mukhang tumitila na ang ulan." Tumango ako at kinabit ang cellphone ko ulit sa bag, sinuot ko ulit ang jacket na pinahiram ni Mikey bago lumabas ng classroom.











Mukhang tumitila na nga ang ulan, naglabas ng payong si Mikey at binuksan iyon, sumilong ako sa payong niya at sabay na kaming lumabas ng gate... napaka tahimik ng paglalakad namin papunta sa sakayan ng jeep, parehas kaming walang imik, hindi ko rin kase alam ang sasabihin ko.











"Asan yung kasama mo?" Pinutol niya ang katahimikan kaya napatingin ako sakanya, malamang ay si Kristel ang ibig niyang sabihin, "Uh... Nilalagnat siya." tumango nalang siya kaya tumingin na ako ulit sa daan. Nakarating na kami sa sakayan ng jeep at mabilis naman nakasakay dahil hindi pa naglalabasan ang mga nag t-trabaho.











Nakaupo na kami, si Mikey ay nasa sulok habang ako ay nasa tabi niya. Biglang may kumalabit sa hita ko kaya hindi ako nakagalaw sa upuan ko. Nagtaka si Mikey kung bakit hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko, tumingin siya sa tabi ko at napansin ang lalaki na kanina pa ako pinagmamasdan.











You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Among The TidesWhere stories live. Discover now