-------------------------
7 YEARS LATER...
------------------------
"Bakla! Thank you talaga kasi naka punta ka sa fashion show! I love you talaga forever and ever teh!!" sigaw ni bakla sa cellphone.
"Hay naku! Ano pa nga bang magagawa ko kundi pumunta. Welcome Ernesto Juan!" Ernesto Juan, yun yung full name ni EJ Bakla. Oh diba. Pang action star ang pangalan, malaman mo lang na bakla. XD
"Echusera ka teh! hindi ko kinaya yang Ernesto Juan mo! Pwede ba! EJ stands for Emily Jane!"
"Whatever Bakla. Pero talagang last ko na yang pag momodel na yan ah. Alam mo namang medyo busy na ko sa office works. Tsaka masaya na ko sa work ko na to noh. At masayang masaya narin ako para sayo. Congrats sa success ng fashion week, baks!"
"Aish! sayang naman kung last na yun. Pero tama ka. Masaya rin ako sis kasi you are so happy like a happy birthday na sa work mo. Sige. Kita kits tayo nila Sharmane pag may time. Babayoo! Happy Birthday Kaaaath!!" sabay baba niya ng cellphone.
7 years. 7 LOOONNG years. Sobrang dami ng nangyari. Sobrang dami ng nag bago.
Si Bakla na pa echos echos lang dati, isa ng sikat na fashion designer ngayon. Kinukuha niya kong part time model minsan pero dahil stable na ko sa company na pinag tatrabahuan ko, nag decide kami na last na yun. Si Sharmane at Katsumi naman, may sarili na silang mga restaurants. Si Sharmane yung nag dedesign nung restaurants since architect na siya. Si Katsumi naman, sinusunod niya parin yung passion niya sa pag kanta at minsan pumupunta ko sa mga gigs niya. Si Lance at Jillianne parin ang pinaka sikat na showbiz real life couple. Engaged na sila sa isa't isa. At sobrang masaya ko para sakanilang dalawa. ♥
Si CJ naman, of course, sobrang yaman ng pamilya nya at siya na ang namamahala sa company nila. Isa na siyang CEO sa Alcantaras' group of companies.
Ako? 2 years na kong office girl sa finance department sa isang malaking company dito sa Pilipinas. Sobrang dami ng nag bago sa nakalipas na maraming taon. kung tatanungin nyo ko kung nasan si Daniel?
I don't know..
He never came back.
After 4 months nung pag alis niya, nawala na yung communication namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ilang beses ko siyang tinawagan nun, dinalhan ng letter, tinweet, pero wala talaga. Kahit sila Lance, nawalan na ng communication sakanya. Inofferan pa ko ni Lance na sasagutin niya raw yung pamasahe ko papunta dun, pero hindi ako pumayag. Siya nga hindi gumawa ng paraan para makasama ako eh.
BINABASA MO ANG
I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)
MizahWhat if hindi artista si Kathryn Bernardo at simpleng babae lang na na-inlove sa isang artista at isang bad boy heartthrob na si Daniel Padilla? Will the heartthrob fall under her charisma? :)