Chapter Thirty Two : " TREMOR AFTER SLEEP"

869 26 0
                                    


Pinasyal ni Danielle si Georgina sakay sa isang Wheelchair sa Farrina Garden. Hindi siya nagkaroon ng anumang diperensya sa anumang ibabang bahagi ng katawan niya. Side Effect lang ito ng Gamot na pinainom sa kanya na sa ilang araw din ay mawawala.

Georgina : Ngayon ko lang nakita ang buong kagandahan ng paligid ng Farrina Garden. Napakaganda pala talaga.

Danielle : Oo nga eh. Alam mo ba na may Maze Garden pa mula doon?

Georgina : Ganun ba..

Danielle : Hmm.. Are you ok? Parang matamlay ka?..

Georgina : Ayos lang ako.. Danielle?...

Danielle : Yes? May Kailangan ka?

Georgina : Pumunta tayo sa pinakatagong lugar ng hardin na ito. Gusto ko... Tayong dalawa lang..

Danielle : ( Gulp! ) T-tayong dalawa lang?!?

Georgina : Bakit may problema ba??

Danielle : W-Wala... Wala naman. S-Sige.. Dun tayo.

SETHRO ACADEMY [ ENTRANCE ]

Nasa Labas ng Sethro Academy si Aubrey Tropine mula sa Valkyrie at isa rin sya sa kasama sa Operation Save the King. Sa Pagkakataong ito ay may hinihintay siyang mga taong inaasahan niyang darating ngayon.

Maya-maya pa ay may Dumating na isang Uri ng Battle Vehicle o' mas kilalang Humvee.

Aubrey : Nandito na pala sila. Salamat naman at ligtas silang nakabalik

" BRRRRRNNN...BRRR..BRRRR... "

" BSSSHHHH!!!! "

Bumukas pataas ang Malaking gilidang pinto ng Humvee at doon ay unang lumabas si Raz Meteora ; mula sa Section Valkyrie tinatawag din siyang Stunning Killer Cat na tanging taga- Valkyrie pa lang ang mga nakakaalam

Raz Meteora: Wheewwwwww!!! Sa Wakas... Sunlight!!!!!!! Grabe! Ang sakit sa Pwet nang Kalahating Araw na byahe!

Aubrey : Nice to be Back ba, Raz? Hihihi

Raz : Oh Hi Aubrey!! Narinig ko yung ginawa mo sa Elvoret ah. Galing mo talaga! Hihihi.. Isa kang HEROOOO!!!

Aubrey : Hindi naman. Nasa Kritikal na kasi kami na kalagayan nun eh. No Choice lang talaga ako.

Raz : Pero hindi talaga biro yung ginawa mo abah! Ilang Kilometro din yung nasakop mo ah!

Aubrey : Teka, paano mo nga pala nalaman yung tungkol sa Mission namin sa Elvoret?

Raz : Kalat na kalat sa buong Senburg City noong nag Stop-over kami dun!

Aubrey : May lumabas na bang statement ang Emperor habang nandun kayo?

Raz : Bago kami umalis wala pa naman kaming narinig.

Aubrey : Ganun ba! Anyway, pinabibigay nga pala ni Admin Ambi eto take this!

Raz : Hum? Ano naman 'tong mga ito?

Aubrey : Optic Drive; nandyan na ang lahat ng Report ni Ms. Grey. Pero yung Battle Report ako na lang ang gumawa. Alam mo naman ang nangyari di ba?

Raz : Yup. Kumusta ka naman na ngayon?

Aubrey : Ayos lang. Nakakalungkot lang di tayo pwedeng magdrama ng Matagal sa lugar na 'to!

Raz : Tama ka dyan. Ang totoo nga nito may halong pagkalungkot din ang pagdating ko dito. Dahil nga sa klase ng Sistema natin.

Aubrey : Hihi.. Tama na nga yan. Baka magkaiyakan pa! Nasaan na nga pala yung iba?

CHILDREN OF SETHRO - Season1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon