"SHE'S A KILLER" (Part 3)

8 4 6
                                    


Dalawang linggo na ang nakalipas simula no'ng malaman kong may ibang babaeng gusto si Harvey. It really breaks my heart, I mean it.

"Para kang tutang nawalan ng amo, Eight."

Matalim kong tiningnan si Theo. "Don't talk to me punk!"

Ngumiti lang ang gago.

"Bumangon ka na kasi diyan! So ano? Susukuan mo na lang ng gano'n kadali si Harvey? Hahayaan mo siyang mapunta sa iba?"

Gezz. "Syempre hindi ako papayag na mapunta siya sa iba!" sigaw ko.

"Eh gano'n naman pala, edi bumangon ka na diyan. Pumasok ka na sa trabaho mo, malalate ka na," aniya.

Padabog akong bumangon mula sa kama. Ito na nga, ito na nga.

Tumingin ako sa harap ng salamin. "You'll be mine, my Harvey." Swear to God. I'll make you mine, then I'll be yours.

Napahalakhak ako sa aking isipan.

_____

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin kay Harvey na ang lalim ng iniisip. May problema ba 'to? Sa mga nakaraang linggo ginawa ko na ang lahat mapansin lang niya pero wala paring effect. Nagpagupit na nga ako ng buhok, wala pa rin. Hindi man lang niya napansin.

"Nakakatampo!"

Napa-isip ako bigla. Siguro kailangan ko ng mas kapalan ang mukha ko. Yeah, you need to do it now, Eighteen.

Hingang-malalim and then walk.

Nasa labas si Harvey, may upuan kasi do'n. Kaunti lang ang tao sa loob ng restaurant kaya, kaya na ng iba kong kasama ang trabaho dito. Kakausapin ko muna ang Harvey ko.

Pasimple akong umupo sa tabi niya na ikinagulat nito.

"Eighteen! You startled me!" Anito.

Natawa ako ng mahina. "Sorry boss, nakita kasi kita dito sa labas. Tapos mag-isa ka lang, so sasamahan kita para masaya," sabi ko.

"Pinagsasabi mo? Bumalik ka na sa trabaho mo," sabi nito.

"Kaunti lang naman ang customer sa loob, boss. Kaya na nila Jela 'yon," I said at tiningnan siya. "Bakit ang lalim ng iniisip mo kanina, boss?"

He sighed at tumingin sa malayo. "It's nothing."

Nothing, nothing, alam kong mayroon siyang iniisip. Ayaw lang sabihin, eh.

"Boss, mapagkakatiwalaan mo ako. Sabihin mo na, hindi ko ipagsasabi sa iba," saad ko.

Napabuntong-hininga ulit siya. "Ang babaeng gusto ay malapit ng pumanaw..."

Nagulat ako sa sinabi nito.

Si Kailey? Malapit ng pumanaw? That means... may malala siyang sakit? Damn, parang nakonsensya ako sa pinagsasabi ko sa isipan ko noong malaman kong gusto siya ng lalaking gusto ko. I even cussed Kailey in my mind!

"W-why? May malala... ba siyang sakit?" Tanong ko.

May nakita akong butil ng luha sa kaniyang pisngi na agad niyang pinunasan.

"Oo, stage 4 c-cancer... noong huling examine sa kaniya hindi malala pero..."

He's crying... infront of me! What to do???

"P-pero ngayon... hindi namin inaasahang m-malala na pala ang s-sakit niya." Parang gusto ko rin umiyak dahil umiiyak siya. Come on, don't be like this Harvey. Nasasaktan rin ako.

Tinapik-tapik ko ang likod niya gamit ang isang kamay ko. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Ngayon, may t-tatlong linggo na lang siyang n-nalalabi... hindi ko lubos maisip na m-mangyayari ang ganitong b-bagay." Umiiyak pa ring kwento niya.

"SHE'S A KILLER"Where stories live. Discover now