"SHE'S A KILLER" (Part8 😎

4 2 0
                                    


Harvey's POV.

Katatapos lang namin mag-usap nila papa at Aliyah. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa dahil nag vibrate ito, hudyat na may nag text.

Napabuntong-hininga ako nang mabasa ang message galing sa kaibigan ko.

Sinaktan na naman siya ng ama niya, kailangan niya ng kasama ngayon. Sumakay ako ng taxi papunta sa bahay nila.

Nang makarating sa mansion nila ay agad akong pinapasok ng gwardya sa loob patungo sa kwarto ng kaibigan ko. Siya yung kaibigan kong mag cecelebrate sana sa hotel noon ng birthday niya.

Nakita ko siyang naka-upo sa lapag, malapit sa kama. Tumabi ako sa kaniya. "May ginawa ka na namang hindi nagustuhan ng ama mo," wika ko at may dinukot sa bulsa.

Hinawakan ko ang baba niya at hinarap sa akin ang mukha niyang may sugat sa gilid ng kilay at sa noo niya. Inilagay ko ang band aid na hawak ko sa mga sugat niya, isa-isa.

"Asan ang ama mo ngayon?" tanong ko.

"'Wag mo ng kausapin si ama, baka magalit rin sa'yo 'yon," aniya.

Huminga ako ng malalim matapos lagyan ng band aid ang mga sugat niya.

"Inom sana tayo sa labas, kaso hindi ka papayagan ng ama mo." Sabi ko. Masyadong istrikto ang ama niya.

"Dito na lang tayo sa loob mag-inuman," aniya at tumayo upang tawagin ang isa sa katulong nila.

Lumipas ang dalawang minuto at walang katulong ang pumasok sa kwarto. Tumayo ako nang lumabas si Kole sa kwarto upang sundan siya.

"Aish, asan na ba ang mga tao rito?" inis niyang ani.

Tinatawag ni Kole ang mga katulong nila habang pababa kami ng hagdan, ni isa walang sumagot bagkus ay nagulat kami nang makitang naka-handusay ang mga tao sa sahig.

"What the fuck?!"

Lumapit ako sa mga katulong na naka-handusay at pinakiramdaman ang pulso nila. Tumingin ako kay Kole. "They're dead."

Tiningnan namin ang mga tao sa labas, nakahandusay rin sila sa sahig at namumutla. Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag ng pulis.

"Si ama..." Ani Kole at pagtakbong umakyat sa hagdan.

What the hell is happening?

Sinundan ko si Kole, tumigil siya sa malaking pintuan at dahan-dahan niya itong binuksan.

Pareho kaming napatigil ni Kole nang may narinig na nag-uusap sa loob.

"Ikaw ang tinatawag nilang Chrysanthemum, diba?" boses iyon ng ama ni Kole. Chrysanthemum? Bakit siya nandito? Target niya ang ama ni Kole?

"Talagang napaniwala mo silang lalaki ka."

What?

"Yeah, you're right...I'm a woman."

T-That voice...

Nabitawan ko ang cellphone ko dahilan upang mapatingin siya sa gawi namin. Tuluyan ng nakabukas ang pintuan ngayon.

Tiningnan ko ito ng maagi. Baka mali ang narinig ko, lalaki si Chrysanthemum, hindi siya babae.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Imposible...

Eighteen? S-siya ba t-talaga 'yan?

Eighteen's POV.

H-Harvey...

Nablanko ako bigla nang makita siya. What should I do? Binalot ng kaba ang puso ko at pinagpawisan ng husto ang katawan ko.

Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang tunog ng sasakyan ng mga pulis.

"SHE'S A KILLER"Where stories live. Discover now