"SHE'S A KILLER" (Part 7)

3 2 0
                                    


3 years ago a big explosion happened.

Harvey and I are there.

I am there to save Harvey at ang taong kumopkup sa'kin, ang tinuturing ko nang tunay na ama.

Napigilan ko ang pagsabog, nailigtas ko ang mga tao sa mall, kasama na doon si Harvey ngunit... hindi ko nailigtas ang ama ko. Nang ma-defuse ko ang bomba ay binaril sa ulo ang taong kumopkup at nag-alaga sa'kin ng mahabang panahon, si ama...

Hindi ko siya nagawang iligtas noon dahil hindi ko inasahan ang nangyari. Nagulat na lang ako nang biglang dumilim ang aking paningin.

Makalipas ang anim na buwan ay nagising ako. Oo, maski ako nagulat noong malaman kong anim na buwan na pala akong walang malay. At doon ko napag-alamang binaril rin pala ako sa ulo ngunit napakahimalang naligtas ako.

Wala ako sa sarili ng mga panahon na 'yon. Nawalan na nga ako ng mga magulang, kinuha rin nila ang nag-iisang mayroon ako. Siya ang nag-alaga sa'kin matapos ang tatlong buwan kong pamamalagi sa bahay-ampunan. Napag-alaman ko ding delikado ang trabaho niya, siya ay isang former soldier na naging hired killer. Sa kaniya ko namana ang trabaho ko ngayon. Siya ang nagturo sa'king makipaglaban, gumamit ng baril at iba pa. Kahit gano'n ang trabaho niya hindi ko siya kinatakutan.

Paano ko siya kakatakutan kung may mabuti siyang kalooban? Oo, mabait si ama dahil itinuring niya akong parang tunay na anak.

Nalaman kong ang kalaban ni ama ang pumatay sa kaniya at bumaril sa ulo ko. Hinanap ko ito upang makapaghigante at hindi naman ako nabigo. Pinatay ko siya gaya ng pagpatay niya sa ama ko.

Noong bagong gising pa lang ako sa hospital ay may mga ala-ala akong nakalimutan dahil sa tumamang bala sa utak ko. Kasama na sa nakalimutan ko si Harvey. It takes 2 years bago ko siya maalala ng lubusan. Maski si Theo hindi ko maalala noon, tanging si ama lang at ang mga pinatay kong magulang. Parang sinadya ng utak kong tanging maalala lang ang masasakit na nangyari sa buhay ko.

Paano ko nga ba nakilala si Harvey? Bakit ko siya hinahanap? Noon kasi... bata pa lang ako may nangyaring mabuti habang nasa bahay-ampunan ako. Umiiyak ako noon sa tabi ng puno nang may batang naglahad sa'kin ng panyo at kinausap ako hanggang sa gumaan ang loob ko at nakipag-laro sa kaniya. Oo, si Harvey ang batang 'yon.

Hanggang ngayon nasa akin pa rin ang panyo kung saan naka-ukit ang pangalan niya. Hindi ko 'yon iniwala dahil sisiguraduhin kong magkikita ulit kami. Alam kong ba lang araw magtatagpo ulit ang mga landas namin at kita niyo naman, hindi ako nagkamali. Muli kaming nagkita, 5 years ago, nahanap ko siya. At dalawang taon, sinubaybayan ko siya mula sa malayo. Ewan, hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang lapitan noon. Siguro dahil hindi pa 'yon ang tamang oras upang pumasok sa buhay niya at guluhin siya. And then, 'yon nga, sa mall may nangyaring putukan at sigawan na may nakaplantang bomba sa loob ng mall.

Ang daming nangyari sa mga nakaraang taon...

Pero sa tingin ko, mas importante ang ngayon kaisa noon.

Tiningnan ko si Harvey na kanina pa nakatingin sa mukha ko. Nandito kami sa isang coffee shop.

Tumaas ang dalawang kilay ko. "Kanina ka pa nakatingin sa'kin ah, may dumi ba sa mukha ko?" tanong ko.

Umayos siya ng upo at tumikhim. "Napansin ko kasing ang lalim ng iniisip mo. Kanina ko pa inaagaw ang atensiyon mo pero hindi mo 'ko naririnig." Aniya. Ahh, kanina pa ba?

Nag peace sign ako. "Sorry. May naalala lang," I said.

He zipped his coffee.

"Anong naalala mo?" he asked.

"SHE'S A KILLER"Where stories live. Discover now