Hindi pa sumisikat ang araw. Inayos ko ang suot ko at nagmadaling sumakay sa kotseng pinahiram sa'kin.
I'll kill two person this morning, and then 2 more to go na lang.
Kailangan ko ng matapos 'to, may mga nakapila pa. Itinigil ko ang kotse sa labas ng isang malaking hotel. Hmm... tulog pa kaya sila?
Walang ingay akong umakyat patungo sa silid kung nasaan sila. Luckily magkatabi lang sila ng kwarto.
Nakangiti akong nakatingin sa lalaking mahimbing na natutulog. I guess hindi pa nila alam na patay ang iba nilang kaibigan.
Tinapik ko ang mukha niya upang magising ito at gulat na gulat itong tumingin sa kutsilyong nasa harapan niya.
"Good morning and goodbye," I said at itinarak sa dibdib niya ang kutsilyo.
Nakangiti akong lumakad sa kabilang silid at inilabas ang silencer gun. To my surprise, gising siya. Agad itong kumilos upang kunin ang baril niya ngunit huli na siya, binaril ko ito sa hita at braso.
Lumapit ako sa kaniya. Akmang sisigaw ito nang nauna kong tinakpan ang bigbig niya. "Ssshhh, don't make noise. This will be quick," I said.
Nagpumiglas ito ngunit hindi niya kaya ang lakas ko. May tama siya sa hita at braso, paano siya gagalaw?
"I know it hurts like hell, but I don't fucking care," I said and then laughed a little.
Tumayo ako at agad siyang binaril sa ulo, sisigaw pa eh.
Bumuntong-hininga ako at kinuha mula sa bulsa ang isang maliit na plastic na ang laman ay mga piraso ng bulaklak ng Chrysanthemum. This is what I like when I'm done killing.
Chrysanthemum is my favorite flower, you know.
Lumabas ako at bumalik sa kabilang silid at nagbuhos rin ng ilang piraso ng Chrysanthemum. Kinuha ko rin ang laptop ng taong pinatay ko at inilagay ito sa bag ko. Akmang tatayo ako nang may narinig akong ingay sa labas. Pagtingin ko sa pintuan, hindi ko pala ito naisara ng maayos. Did someone see me? May nakita akong anino ng tao.
Gezz.
Harvey's POV.
Kasalukuyan akong nagbibihis ng damit dito sa loob ng kwarto, sa isang hotel. May magaganap na birthday dito mamaya, birthday ng kaibigan ko. Nauna ako rito kasama ang kapatid niya upang maghanda para i-surprise ang kaibigan ko. Ang arte naman no'n, sa isang mamahaling hotel pa talaga mag-cecelebrate ng birthday. Well hindi ko naman sila masisisi, mayaman naman sila.
"Kuya Harvey, nakalimutan ko pala yung ballons sa kotse. Kunin ko lang," aniya.
"Hindi, ako na, ako na. May niluluto ka pa kaya ako na ang kukuha, okay?" I said.
"Sige po."
Lumabas ako ng silid at akmang sasakay na sa elevator nang makitang hindi nakasara ng maayos ang isang pintuan malapit sa unit ng kaibigan ko.
Lumapit ako rito at tatawagin na sana ang tao sa loob ng may napansing kahina-hinalang lalaki sa loob. Lahat ng suot niya ay kulay itim. At gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko nang makitang may baril sa mesa and... that... that flower looks like Chrysanthemum.
Shit. Dali-dali akong sumakay sa elevator at tinawagan si papa upang ipalam ang natuklasan ko.
Shit, pa, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?!
Bumukas ang elevator at gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko nang may sumalubong sa harapan kong baril.
Eighteen's POV.
Dali-dali akong kumilos upang maabutan ang taong sumakay sa elevator. Hindi mo 'ko matatakasan.
Napangiti ako nang hindi pa siya nakakarating sa baba. Inihanda ko ang baril ko sa harap ng elevator at nang bumukas ito ay kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng ngunit hindi ko ito naituloy.
YOU ARE READING
"SHE'S A KILLER"
Mystery / ThrillerA lady who has bloody hands fell in love with a very dangerous human creature Yes, she's a killer, but I don't care because I love her. Must Read sa Part 1:) Enjoy Reading.....