Iminulat ko ang aking mga mata pagkatapos ay pinakititigan ang gwapong mukha ni Harvey. Nasa kama kami ngayon, dalawang araw kasi akong hindi nakatulog ng maayos kaya sabi niya sasamahan niya akong matulog para makatulog daw ako ng maayos.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at ngumiti. Kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising pa. Kinuha ko ang aking cellphone at pinicturan siya habang natutulog.
"Cute."
Habang pinipicturan siya ay bigla itong nagmulat ng mata. "Akin na 'yang cellphone mo," aniya.
Ngumisi lang ako.
"Akin na sabi."
Pfft. "Wala kayong makukuha sa cellphone ko, boss."
Ngumiti siya na parang may naalala.
"Oh ano? Naalala mo? Ako kasi naalala ko lang yung pagbitaw mo sa'kin kaya tumama ang pwet ko sa sahig." Tinampal ko siya sa balikat. "Ang sakit no'n!"
Tumawa lang siya.
Akmang babangon na ako nang hilahin ako nito at kinabawbawan.
"Harvey!" gulat kong sambit.
Hinawi nito ang hibla ng aking buhok sa gilid at pinakititigan ako sa mga mata.
"What?" I asked.
He smiled. "You're so pretty," aniya na ikinapula ng aking pisngi.
Inilapit nito ang kaniyang mukha sa akin, pinigilan ko siya gamit ang aking isang kamay. "Opps, nasa labas si Theo. Hindi tayo pwedeng gumawa ng kababalaghan rito," sambit ko.
He pouted. "Halik lang naman eh."
Pinanggigilan ko ang kaniyang pisngi sabay sabing, "Gutom ka ba? Ipagluluto kita, masarap akong magluto," wika ko.
"Oo, gutom ako. At ikaw ang gusto kong kainin," anito.
Tinampal ko siya sa balikat. "Baliw ka ba? Tamong nasa labas si Theo," singhal ko sa kaniya. Tinulak ko siya upang makabangon ako ng maayos pagkatapos ay hinawakan ko siya sa kaniyang kamay at hinila papuntang kusina. Pero bago pa kami makapunta sa kusina ay nakita namin si Theo at Mica sa sala, ano mang segundo ay maglalapat na ang kanilang labi.
"Huy!" sigaw ko dahilan upang tumingin silang dalawa sa akin.
Nasa dating apartment na namin kami ngayon.
Binitawan ko ang kamay ni Harvey at lumapit kina Theo at Mica. Pero bago pa ako makalapit ay tumakbo na sila palabas. "Huy! Ang babata niyo pa ang harot-harot niyo na! Bumalik kayo rito! Huyy!" sigaw ko.
"Bakit mo sila inistorbo? Maghahalikan lang naman sila ah."
Siniko ko ang katabi ko at tiningnan siya ng masama. "Ang babata pa nila para sa gano'n!"
Ngumiti siya at hinila ako. "Ipagluto mo na lang ako, 'wag ka nang sumigaw," aniya.
Gezz.
"Fine. Fine."
Pumunta na kami sa kusina. Pinaupo ko siya sa harapan ng counter table. Inihanda ko na ang mga ingredients para sa lulutuin ko. Beef burgundy, coming right up!
Habang nagluluto ay biglang nagsalita si Harvey.
"You're not going to kill anyone again, right?"
Ngumiti ako at tumango. "I promise. I won't kill people anymore."
That's it. For him, for us.
Bumalik ako sa aking ginagawa habang siya ay pinagmamasdan lang ako habang nagluluto.
YOU ARE READING
"SHE'S A KILLER"
Mystery / ThrillerA lady who has bloody hands fell in love with a very dangerous human creature Yes, she's a killer, but I don't care because I love her. Must Read sa Part 1:) Enjoy Reading.....