Pumasok ako ng restaurant at napansin kong malungkot ang ibang empleyado, wala rin si Harvey. Ano kayang nangyari?
Nilapitan ko si Jela. "Anong mero'n? Bakit ang lulungkot ng mga mukha niyo?" tanong ko.
Tumingin siya sa baba. "Eh kasi... pumanaw na si ma'am Kailey..."
Nagulat ako sa sinabi nito.
"Akala ko ba may tatlong linggo pa bago siya pumanaw?" I said.
"H-hindi ko alam, nabigla nga rin kami eh..."
Gezz. I'm sure Harvey's crying right now.
"Teka, Eighteen! Saan ka pupunta?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Jela. Kailangan kong puntahan si Harvey ngayon.
_____
Akala ko nasa loob siya, nandoon kasi ang bangkay ni Kailey. But look at him, he's here outside. Nakatingin sa kawalan, ang lalim ng iniisip, at tumutulo ang mga luha.
Humugot ako ng malalim na hininga bago lumapit sa gawi niya.
Umupo ako sa tabi niya. "Hindi kita bibigyan ng panyo kasi lahat ng luha kusang natutuyo..."
Tumingin siya sa'kin.
"Eighteen... what are you doing here?" he asked.
Tumayo ako. "Naisip ko kasing gusto mo ng kausap o kasama habang nagluluksa kaya pumunta ako rito, pero sa tingin ko hindi mo naman kailangan ng gano'n kaya... aalis na lang ako," sabi ko at akmang lalakad na nang hawakan niya ang isang kamay ko. Agad naman akong napatingin sa kaniya, nakatingin rin siya sa mga mata ko.
"Stay..."
Napangiti ako at bumalik sa pag-upo sa tabi niya.
"You're not okay?" I asked.
Tumango lang siya habang nagpupunas ng luha.
"You want a hug?" I asked.
Matagal ako nitong tiningnan.
"Sige, ako na lang ang yayakap sa'yo," sabi ko at agad siyang niyakap. Hindi naman siya nagpumiglas. Bali, naka-upo kami habang magkayakap.
Tinapik-tapik ko ang likod nito. "Magiging okay din ang lahat, Harvey... Umiyak ka lang, alam kong masakit sa'yo ang pagkawala ni Kailey."
_____
Ilang linggo ang lumipas at nakita ko ulit na ngumingiti na si Harvey. Mahal nga talaga niya si Kailey, kaya ilang araw din siyang naging malungkot. Minsan, naiisip kong nagpapanggap lang siyang masaya sa harapan ng ibang tao.
Tumingin siya sa gawi ko at ngumiti.
No. He's not pretending, masaya nga siya kaya ngumiti ako pabalik.
Abala ako sa trabaho ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
Baby Theo is calling...
Tiningnan ko ang relo ko. It's 2 pm, ang aga niya atang tumawag. Tumatawag kasi lagi 'yon kapag 5 pm na.
Sinagot ko ito.
"Theo—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang marinig itong humihingal.
"Eight, w-we're in t-trouble. H-help—"
Biglang namatay ang tawag kaya kinabahan ako. Fuck! Agad kong trinack ang cellphone ni Theo upang malaman kung nasaan siya ngayon. Nang malaman kung nasaan siya ay agad akong lumapit kay Harvey.
"Boss, emergency," sabi ko.
"What happened?" he asked worriedly, nadala siguro siya sa mukha kong nag-aalala.
YOU ARE READING
"SHE'S A KILLER"
Mystery / ThrillerA lady who has bloody hands fell in love with a very dangerous human creature Yes, she's a killer, but I don't care because I love her. Must Read sa Part 1:) Enjoy Reading.....