Kasalukuyang akong nag-aayos ng aking sarili nang dumaan sa likod ko si Theo na may hawak-hawak na baseball bat. Akmang lalabas na ito nang pigilan ko.
"Paki-explain sa'kin ang baseball bat na hawak mo," I said at tiningnan siya.
Tumingin naman siya sa gawi ko. "Eh kasi may mangyayaring bakbakan ngayon," aniya.
Tumaas ang isang kilay ko. "Tigil-tigilan mo na ang pagiging gangster mo kung magpapabugbog ka lang naman ng katawan, Theo." Matigas kong sabi.
Ngumiti ito. "Promise, hindi na ako magpapabugbog ngayon."
As if uuwi siya ng walang pasa sa katawan.
"Tingnan mo, may benda ka pa sa braso mo at may sugat pa ang mukha mo. Kapag 'yan nadagdagan mamaya, ako mismo ang papatay sa'yo," pagbababanta ko kahit hindi ko naman gagawin 'yon sa kaniya.
"Ibig sabihin niyan, pinapayagan mo na akong makipag-away?" Mas lumapad ang ngiti niya sa labi. "Alis na ako, good luck sa interview mo." Aniya at lumabas na ng pintuan.
"Tawagan mo 'ko kapag kinakapos ka na ng hininga!" sigaw ko, narinig naman niya 'yon, panigurado.
Mapapatay ko talaga ng wala sa oras ang kaaway ng batang 'yon kapag na-hospital na naman ang baby Theo ko.
Inayos ko ang aking buhok. Right, may interview ako ngayon sa restaurant ni Harvey. I can do this. Fighting!
Nang makababa sa taxi ay agad akong dumiretso sa GD Restaurant, may sumalubong sa 'king babae na sa tingin ko ay nagtatrabaho rin dito sa Restaurant.
"Sarado po kami ngayon, ma'am." Aniya.
Ngumiti ako. "I'm here for the interview," sabi ko.
Ngumiti ang babae. "Gano'n po ba, sumunod po kayo sa'kin." Aniya at naunang pumasok sa loob.
Nice place.
Pina-upo ako ng babae sa isang bakanteng upuan.
"Wait ka lang dito, tatawagin ko lang si boss," paalam nito na ikinatango ko lang. Mabait siya.
Si Harvey kaya mabait rin?
Speaking of Harvey, may biglang lumabas na gwapong nilalang sa pintuan kung saan pumasok kanina ang babaeng naghatid sa kaniya sa upuan upang tawagin ang boss niya.
It's Harvey... mas gwapo pala siya sa malapitan.
Tumayo ako.
"Good morning, ms. My name is Harvey Callisto and I am the manager of this Restaurant." Pagpapakilala nito at inilahad ang kamay sa harapan ko na agad ko namang tinanggap.
Ang lambot ng kamay niya. "I'm Eighteen Speare, and I am here for the interview sir," I said. Nang mag-hiwalay ang aming mga kamay ay napatingin ako sa mukha nito. Nakangiti siya, mas gumagwapo siya kapag nakangiti.
"So, let's start?" aniya na siyang pumukaw sa'kin.
'Focus, Eighteen. Focus! You need to pass the interview for him!'
Pagka-usap ko sa sarili ko.
Ngumiti ako at tumango.
_____
Nakangiti akong lumabas sa GD Restaurant.
"Congratulation, Ms. Eighteen. You passed the interview. Next week ka mag-uumpisang magtrabaho."
Paulit-ulit ang salitang 'yon sa utak ko.
Ang dali naman kasi ng interview at ang daling sinabi na nakapasa daw ako. Sabagay, inaasahan daw nila na kaunti lang ang mag-aaply kaya agad nilang sinasabi kong nakapasa daw ba ako. 'Yon ang sabi ng babaeng sumalubong sa'kin kanina pagkarating ko rito na ang pangalan pala ay Jela.
YOU ARE READING
"SHE'S A KILLER"
Misterio / SuspensoA lady who has bloody hands fell in love with a very dangerous human creature Yes, she's a killer, but I don't care because I love her. Must Read sa Part 1:) Enjoy Reading.....