Kabanata 4

1K 13 0
                                    

Nanlaki ang mata ko nang makitang si Tita Grace ang pumasok sa meeting room.

"T-tita," nauutal na tawag ko.
"Hija, anong ginawa sa'yo ng anak ko? Tell me," nagulat ako nang lumapit pa si Tita sa akin at sinuri ako.
"W-wala naman po, hindi ko lang nagustuhan ang biro niya kanina about sa black gown," paliwanag ko.

Minus points na naman ako sa langit. Nagsinungaling na naman ako. Agad na hinarap ni Tita Grace si Eros at pinagsabihan.
"Eros naman umayos ka sa mga biro mo! Tignan mo hindi nagustuhan ni Amanda ang biro mo. Magiging ate mo na si Amanda, gumalang ka!"
"Ayoko nga," sagot ni Eros bago tuluyang lumabas.

Bumaling sa akin si Tita Grace at nagsorry sa inasal ng kan'yang anak.
"Pasensya ka na Amanda, wag mo na lamang pansinin ang pasaway na 'yon."
Tumango lamang ako at nagpaalam kay Tita na babalik na sa opisina ko. Nang makabalik ako sa opisina ay malapit na ring mag-lunch break. Napabuntong hininga ako nang malala ang nangyari sa meeting room, muntik na 'yon. Pakiramdam ko ay nagche-cheat na ako kay Enrico hindi pa man kami kasal.

Argh! Eros! That jerk, parang balewala lang sa kan'ya na ikakasal na ako sa kuya niya. At tila nababaliw na yata ako at hinahayaan ko ang sarili kong maging marupok! My phone rang and I answer it.
"Hello!" pasigaw na sagot ko.
"Woah, matapos mo akong iwan kagabi, ikaw pa galit?" reklamo ni Sierra.
Oo nga pala, nauna na kaming umuwi ni  Eros, nakalimutan ko na siya. Anong klase kang kaibigan, Amanda!
"Sorry."
"Bumawi ka! Lunch na lumabas ka d'yan sa opisina mo, naghihintay ako sa katapat na restaurant," she said ang hang up.

Restaurant? lumabas na ako ng kompanya at bumungad sa akin ang restaurant na sinasabi ni Sierra. Samgyupsal? Tumawid ako ng kalsada at pumasok sa loob ng restaurant. Mabilis kong nakita si Sierra na nagluluto na ng karne. Lumapit ako at naupo sa harap niya.
"Sorry na," bungad ko.
"Hmmp, pasalamat ka may naghatid sa akin," sagot niya.
"Sino?"
"I don't know, basta mabango. Sayang walang nangyari sa amin," panghihinayang niya.

Ang gagang ito 'yon pa talaga ang iniisip niya. Mabuti nga hindi siya ginawan ng masama e.
"Ano ka ba, Sierra mabuti nga at hindi ka pinagsamantalahan," sabi ko sa kan'ya.
"My God, Amanda! Tell me wala bang nangyari sa inyo ni Eros?"
Agad akong pinamulahan sa tanong niya at napalingon sa paligid at baka may makarinig.

"S-Sierra!" saway ko sa kan'ya.
Ngumisi siya sa akin na para bang may nadiskobre siya. She knew me very well, kaya wala ng dahilan pa para magsinungaling ako sa kan’ya.

“M-meron,“ nahihiyang pag-amin ko.

Napatakip siya sa bibig niya at nanlaki ang mga mata. Habang Napatakip ang isa niyang kamay sa bibig ang isa naman ay nakaturo sa akin.

“Y-you! “ gulat na gulat siya, “talagang bumigay ka? “ gulat na tanong niya.

Kagat labi akong tumango at nag-iwas ng tingin. Kahit bestfriend ko si Sierra nahihiya parin ako. Bakit ba naman ang tanga-tanga ko, si Enrico ang papakasalan ko pero dahil sa karupukan ko sa kapatid niya ako bumigay.

“Oh my!” bulaslas niya.

“Gaga ka! Kaya naman pala iniwan niyo na ako sa bar, manlalandi kayo!“

Mabilis ko siyang sinubuan ng lutong karne dahil sa lakas ng boses niya.

“Sierra naman, hinaan mo boses mo baka may makarinig sa’yo, patay ako!“ saway ko sa kan’ya.

She rolled her eyes on me at nginuya ang sinubo ko sa kan’ya. Iyon na ang pinakamagulong lunch na naranasan ko. Pilit niyang tinatanong ang detalye, nakakahiya naman kung pati pag-ungol ko ay ikukuwento ko pa sa kan’ya.  Sobra-sobra na nga ang kahihiyan ko  ay pilit niya pang inuungkat ang gabi na ‘yon.

Bumalik ako sa opisina matapos ang lunch namin ni Sierra. Magsho-shopping daw naman siya, pssh ‘yon lang naman ang alam niyang gawin. Hindi ko alam kung kailan ba magtitino ang kaibigan kong ‘yon. Siguro kapag nabankcrupt na sila, bagay na malabo naman.

Nang sumapit na ang hapon ay nag handa na akong umuwi. Pumasok sa opisina ko si Enrico, bagay na nakakapagtaka. Simula noong sabihin sa amin na ikakasal kami never  naman siya gumawa ng paraan para magkalapit kami. Hindi ko alam ang dahilan niya, pero baka dahil mas bata ako sa kan’ya.

“Bakit? “ I asked why he’s here.

“Let’s have a date,“ sabi niya.

Kumunot ang noo ko sa kan’ya. Bukod sa paghahatid at pasundo minsan ay hindi pa kami kailan man nagdate.

“Let’s make this arrangement work, mas mabuting  maging malapit tayo sa isa’t isa bago tayo ikasal. And even better if we develop some feelings, “dagdag niya pa.

Bumuntong hininga ako at tumango, kahit naman gustuhin kong tumanggi ay wala naman akong magagawa. We decided to eat dinner together bago niya ako ihatid sa bahay. Siya na rin ang tumawag sa magulang ko para magpaalam, and of course masaya pa ang mga ito.

Iniwan ko na sa kompanya ang sasakyan ko at sa kan’ya  na lamang ang ginamit namin.

We stopped to the nearest restaurant. Ang alam ko ay bago pa lang din ito pero sikat na. Maraming dumarayo dahil sa masarap na timpla ng mga pagkain. E-Daniel’s basa ko sa pangalan ng restaurant. Pumasok kami sa loob at naupo sa pang-dalawahang lamesa. I scanned the menu, they serve filipino foods. I just order afritada and one rice, gabi na, hindi ko ugali ng kumain ng marami tuwing gabi. Adobo ang in-order ni Enrico. Nilibot ko ang paningin ko, marami ngang kumakain, kokonti na lamang ang mga bakante na lamesa. Nang mapunta sa isang sulok sa dulo ang paningin ko ay agad na kumunot ang noo ko.

Anong ginagawa niya dito? At sino ang babaing kasama niya? Bwesit na Eros ‘yan, talagang pinaglalaruan niya lang talaga ako!

"Amanda," napalingon ako kay Enrico nang tawaging niya ako.
"H-ha?"
"May problema ba? Ayaw mo ba rito?" tanong niya.
Mabilis akong umiling, bakit naman niya maiisip na ayaw ko dito?
"Hindi naman, ayos lang naman dito," sagot ko.
"Kanina ka pa kasi nakasimangot," sabi niya.
Agad akong ngumiti sa kan'ya para ipakita ng ayos lang ako. Gano'n na ba ako ka halata at napansin niya agad ang pagsimangot ko.

Dumating na ang pagkain namin kaya hindi na muna kami nag-usap. Nang malasahan ko ang pagkain ay parang pamilyar ito. Parang natikman ko na.
"May mali ba sa pagkain mo?" tanong ni Enrico.
Agad akong umiling, "wala naman, para lang kasing pamilyar."
Tumango-tango siya at nagsimula na ulit kumain. Natapos na akong kumain, gusto ko pa sanang mag-order ng rice pero pinigilan ko ang sarili ko. Para sa dessert ay nag-order kami ng halo-halo.
Habang kumakain kami ng dessert ay nag-uusap kami ni Enrico.

"Okay lang ba sa'yo ang church wedding?" tanong niya.
Tumango ako, hindi ko na rin naman naiisip pa kung saan ko gustong makasal dahil magulang ko naman ang may gusto ng kasalang ito.
"Ayos lang naman sa akin kahit saan," sagot ko bago tumingin kung nasaan si Eros.

That jerk! Ang saya-saya niyang nakikipagtawanan sa kasama niyang babae. Malandi! Uminom ako ng tubig dahil umiiinit ang ulo ko dahil kay Eros.
"What about the honeymoon?"
Nasamid ako sa tanong ni Enrico. Pakiramdam ko ay may tubig na pumasok sa ilong ko! Nagmamadaling tumayo si Enrico at nilapitan ako.
"Ayos ka lang?" tanong niya habang marahan niyang hinahagod ang likod ko.
Nagawi ang mata ko kay Eros na ngayon ay masamang nakatingin sa ayos namin ni Enrico. Tss ano namang problema ng malanding lalaki na 'yon?

Pleasuring AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon