Kabanata 6

953 16 1
                                    

"Magkaibigan ba talaga tayo, Amanda?"

Inangat ko ang tingin ko sa kaibigang si Sierra. Maarte itong uminom ng kape sa kan'yang tasa.

"Ano bang tanong 'yan, Sierra? Of course we're friends, you're my bestfriend," sagot ko sa kan'ya.

Linggo ngayon at galing sa condo ni Eros ay umakyat ako patungo sa condo ni Sierra. I just texted my parents na bukas na ako uuwi.

"Pero pangalawang beses mo na akong iniwan sa bar!" sumbat niya at inikot pa ang kan'yang mga mata.
Ang taray!
"Nakakauwi ka naman ng buo," sabi ko sa kan'ya.
"Mas mahal mo na yata si Eros kumpara sa'kin," kunwaring nagtatampo siya.

Mahal? Hindi ko naman mahal si Eros kung makapagdrama naman si Sierra ay wagas.
"Hindi ko naman mahal 'yon," tanggi ko sa sinabi niya.
"Hindi mo pa mahal 'yon? Nanunugod ka na sa babae na kasama niya. Selosa!"
Hindi naman ako nagseselos, naiinis lang talaga ako kasi pakiramdam ko pinaglaruan niya ako.
"H-hindi ha!"
"Sus tanggi pa!"

Natigil ang usapan namin nang magring ang cellphone niya. Lumayo siya saglit at sinagot iyon. Rinig ko pa ang pagrereklamo niya sa kausap. Tss kahit kailan talaga 'yang si Sierra. Inubos ko ang kapeng iniinom ko at dinala ang tasa sa lababo bago hinugasan ito.

Pagkatapos kong maghugas ay nagtutuyo ako ng kamay. Lumapit sa akin ang nakasimangot kong kaibigan.
"Anong problema?" tanong ko sa kan'ya.
Lalo siyang sumimangot. "Samahan mo ako may kailangan akong puntahan na resort ngayon. Nakakainis naman si daddy! Bakit ako pa pwede namang si Kuya nalang!" reklamo niya.

At dahil wala naman akong gagawin ay pumayag akong samahan siya. Naligo na kami at nagbihis. Pagkalabas namin ng condo ay sakto namang bumungad sa amin si Eros.

"Where are you going?" tanong ni Eros habang nakatingin sa akin.
"Sasamahan ko lang si Sierra," sagot ko.
Tumango tango naman siya.
"Do you guys need a driver?"
Lumingon ako kay Sierra at kitang kita ko ang pagniningning ng mga mata niya.

"Yes!" masiglang sagot ni Sierra.
Malamang ay tinatamad na naman siyang magmaneho kaya't hindi niya  palampasin ang pagkakataon na may mag-offer na driver.

Si Eros ang nag-drive at sinabi lang ni Sierra kung saang resort iyon. Hindi ko natanong kay Sierra kung ano bang gagawin niya roon. Hindi ko na lamang din aalamin dahil baka para iyon sa business nila.
Nang makarating kami sa resort ay may nag-aabang sa amin na lalaki. Matangkad, moreno pero gwapo. Nakakunot ang noo nito nang mag tama ang mata nila ni Eros.

"Eros?" takang tawag nito.
"Pio, pare."
Lumapit si Eros sa tinawagan niyang Pio at nakipagyakapan. Nagkatinginan lamang kami ni Sierra na nagtataka dahil magkakilala ang dalawa.

"Magkakilala kayo? And you are Protacio?"  magkasunod na tanong ni Sierra habang nakatingin kay Pio.
"Yes and yes. Pumasok na tayo," sagot nito kay Sierra bago nauna ng maglakad kasabay si Eros.

Nagtatawanan ang dalawang lalaki habang naglalakad papasok sa resort.
"Ang akala ko matanda ang kikitain ko, hihihi," humahagikhik na bulong sa akin ng kaibigan ko.
Natawa naman ako. Hindi ko naman masisisi si Sierra kung aakalain niyang matanda ang kikitain niya. Protacio really, may ganoon pa palang pangalan sa panahon ngayon.
Pumasok muna kami sa isang building at naiwan kaming dalawa ni Eros sa lobby dahil mag-uusap daw muna ang dalawa ni Pio at Sierra sa opisina ng lalaki.

"Pano kayo nagkakilala?" tanong ko kay Eros habang mag katabi kaming nakaupo.
"Magkasama kami sa ibang bansa, baby. Why? Do you like him?" tanong niya.
Umiling ako. Nagtatanong lang naman paano sila nag kakilala, gusto agad?
"Good. And he's not available," sabi niya.
Natawa ako sa kan'ya, akala mo naman ay magugustuhan ko agad si Pio dahil lang gwapo ito. Ngayon ko lang siya nakilala imposible namang magustuhan ko agad 'yon.
"Anong nakakatawa Amanda?" nakakunot ang noo na tanong niya.
"Wala, baby," sagot ko sa kan'ya.

Nagulat ako nang aktong mahihimatay siya at nakahawak pa ang isang kamay sa dibdib niya.
"Fuck! Say it again," utos niya.
Tumatawa akong umiling sa kan'ya. Akala mo naman ay nanalo siya sa lotto dahil sa pag tawag ko ng baby sa kan'ya.
"Oh god, Amanda! Please," malambing na wika niya at pinagsalikop pa ang mga palad niya at kiniskis iyon. His eyes is pleading. Gosh, he's so cute.
"Baby..."  I called him in my sweetest voice.
Humalakhak siya at mahigpit siyang yumakap sa akin. Niluwagan niya ng bahagya ang yakap at pinaliguan ako ng halik sa buong mukha ko. We laughed together.

"Oh gosh, get a room!" Maarteng sigaw sa amin ni Sierra.
Dahil sa paghaharutan namin ay hindi ko napansin na nakalabas na pala sa opisina si Sierra at Pio.
"Pag inggit, pikit!"
Pinalo ko ng mahina sa braso si Eros dahil sa naging sagot niya sa kaibigan ko. Pio fake a cough. We all looked at him.
"May ubo?" mataray na tanong ng kaibigan ko.

I know it's a fake cough, and I somehow know that it's not a teasing cough also. Para san naman ang ubo niyang 'yon. I don't know but the way he look at my friend, may pag hanga iyon. Someone has a crush!

Aalis na kaming dalawa ni Eros at maiiwan sa resort si Sierra. Ang sabi naman ni Pio ay ihahatid niya ang kaibigan ko kaya hinayaan ko na lang. May mga kailangan pa silang pag-usapan.

"What do you want to eat?" tanong ni Eros nang nasa condo na niya kami.
Nakasalampak lang ako sa sofa niya habang ang mata ay nakatuon sa tv. Bahagyang akong lumingon kay Eros na nakasuot na ng apron.
"Afritada?" I wasn't sure.
"Pork or chicken?"
Napaisip ako masarap naman pareho. But I picked chicken para malambot lang. After answering him ay umalis na siya patungo sa kusina. Hinayaan ko na lang siya at inabala ang sarili sa panunuod ng volleyball game sa tv. I'm not sporty but I like watching volleyball. A lot of girls are crushing over this volleyball player named Deanna Wong, well who wouldn't? She's really good, and yeah cute!
I screamed when she did a 1-2 play. Gosh! Ang galing!

"Anong nangyari?" natatarantang tanong sa'kin ni Eros.
I looked at him. May konting pawis sa noo niyang nakakunot. Sa kanang kamay ay hawak ang sandok na siguro ay ginagamit niya pagluluto ng afritada dahil mapula ito.
"W-wala naman," sagot ko sa kan'ya at tila nahiya ako sa pagtili ko.
Tumingin siya sa tv bago muling bumaling sa akin. Bahagyang umiling bago nagsalita.
"Don't tell me you like that player?"
Napaawang ang labi ko at hindi nakasagot sa kan'ya. It's like he caught me cheating! Damn, that was a girl crush!
Naiiling siyang umalis sa harapan ko at muling bumalik sa kusina. Hindi naman siguro siya galit no? At kung galit man siya ay mamaya na lang ako manunuyo pagkatapos ng game.
After the game ay pinatay ko na ang TV at pupunta na sana sa kusina nang mag-ring ang cellphone ko.
Daddy's calling.
"Dad?"
"Where are you, Amanda?" His voice is serious.
"P-po?"
My heart skip a beat. My dad don't usually calls just to ask my whereabouts. I updated them most of the time at hindi naman nila ako kinukwestyon, ngayon ang unang beses.

Pleasuring AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon